Chapter 14
"It's not that I didn't care about you, that's why I did not offer you help. Your brother was already at the entrance when I saw you with Trevor. At... Akala ko talaga kagabi... Boyfriend mo. Kaya hindi na ako lumapit. Hindi na ako nangi-alam." Kiro explained.
He's not lying.
Dahil noong mga oras na nagkatitigan kami... Ilang sandali lang ay dumating si Ice.
Kaya umiwas siya ng tingin sa akin dahil kay Ice siya nakatingin.
Pinagmamasdan niya ang lalaking inakala niyang boyfriend ko.
"Oh! You left us a Vargas then you come back a Celeres!" Jaile made a 'rock' sign in her hands the moment she saw me wearing Kiro's jersey. Nakaturo pa talaga siya sa nakasulat na "Celeres" sa laylayan ng shorts na suot ko.
Umirap ako bago siya sagutin. "Kung pinahiram niyo sana ako edi hindi ko sana ito suot-suot ngayon." asik ko kahit na alam ko naman na wala talaga silang extrang damit.
Pinanlakihan niya agad ako ng mata. "Wow! Ang sabihin mo! Kung hindi lang sana ako nagpaka-tanga kanina edi hindi ko sana ito suot-suot ngayon!" She made a face as she mocked me. "Parang kasalanan pa namin kung bakit ka nadulas, ah?"
Tinawanan ko lang siya at nilagpasan para maupo sa bench, sa pagitan nina Thalia at Akali.
"Tatak Celeres yarn?" pang-aasar ni Thalia sa tabi ko.
"Hindi ako magpapatatak."
Sa Linear Park namin naisipan kumain bandang huli. Napaka rami ring tao ngayon dahil nga may event, kinailangan ko pa tuloy makipag-siksikan.
Naghiwa-hiwalay muna kaming apat dahil magkakaiba ang bibilhin namin. Nasa gitna na ako ng paghihintay nang bigla akong mawala sa focus dahil sa bigla na lang may kung sinong lalaki ang bumulong sa tainga ko.
"Irithel..." He whispered in a manly voice. I could feel his warm breath, which almost caressed my ear and neck.
Balak ko pa sana siyang lingunin sa likod pero kalahati pa lamang ay natigilan na ako dahil napakalapit pala ng mukha niya sa tainga ko.
If I looked back, he'd doubtlessly kiss my nose since he's slightly bending his body down to reach for my ear.
"K-Kiro?" I was slightly shocked and confused. Sinadya niya talagang yumuko ng bahagya para malapit siya sa 'kin.
"Bakit—?" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil bigla niya akong hinawakan sa baywang habang dahan-dahang iniurong paunahan na siyang nagpatuliro sa akin.
Nilalandi ba ako nito o ako lang talaga ang nag-iisip ng ganoon? His actions were too flirtatious enough for me to feel like wanting to poop. Uh. No. This was not the butterflies that I think. Nagulat lang naman siguro ako.
Relief rescued me instantly, mabuti na lang at hindi agad ako nagalit sa kanya. Akala ko ay iba na ang ibig-sabihin ng paghawak niya sa baywang ko dahil masyado iyong romantiko pero nakita kong umuusad ang mga taong narito papunta sa harap, ginawa niya 'yon dahil nanatili lang akong nakatayo, hindi gumagalaw habang kinakausap siya.
Binalik ko ang tingin sa harap, habang pinapakiramdaman siya sa likuran ko. I didn't actually have any idea what he was doing here, until I just heard him whisper again.
"Sorry pa rin kahit na alam kong hindi mo tatanggapin." He sighed near my ear.
"Gamitin mo ako ulit. Kahit ilang beses, kahit ilang ulit, Zy. Hindi ako magagalit." Napalunok ako ng madiin nang maramdaman ang dibdib niyang dahan-dahang kumikiskis sa likod ng ulo ko. Fuck. Ganito na ba karami ang mga tao dito at ganito na lang kalapit sakin si Kiro ngayon?
![](https://img.wattpad.com/cover/264056271-288-k201530.jpg)
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
RomansaTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...