Chapter 08
"Shit! First time! Nakapagpasa akong hindi pa umaabot sa deadline!" sigaw ni Jaile habang nakataas ang mga braso.
It has been five days since I got busy with school work. Ngayon lang din ulit kaming apat na kumpleto, kung hindi pa nagpumilit si Thalia na sabay-sabay na lang namin gawin, hindi pa kami magkikita-kita.
I have always been with Thalia these past few days kaya madalas ko silang makita ni Andrius na magkasama. Napapasana-all nalang ako sa kanilang mag-jowa kahit na out naman talaga ako sa pagkakaroon ng relationship ngayon. Wala lang, trip ko lang talaga magsabi ng sana-all kahit na ayoko rin naman.
"May gagawin pa kayo after ng mga 'yan?" Nilingon ko si Jaile nang magtanong siya.
"Wala na ako." sagot ko. Napangiti siya ng malawak at tiningnan si Akali, mukhang may balak na naman siya.
"Ikaw Akali? Busy ka pa rin ba or last na 'yan?"
"Last na 'to." Akali answered without taking her eyes off her laptop. Lalong lumawak ang ngiti ni Jaile. I'm not wrong, for sure may plano na naman siya sa isip niya.
"Sa wakas! Tapos na si me!" Nabaling ang mata ko kay Thalia nang magsusumigaw siya. Nakataas pa talaga ang dalawa niyang kamay, seems like it's her greatest accomplishment in life.
"Yown! Tatanungin pa sa kita!" Jaile giggled. Umayos siya ng upo at masayang tumitig sa amin. I could almost see her eyes twinkling. "Karaoke Hub tayo!" pag-aya niya.
Napangiti agad ako. "G ako." sabi ko.
Masyado na akong drained sa studies. oras na siguro para mag-ingay muna. Nakakapagod at nakaka-frustrate at the same time. I need some chills!
"Ako na bahala sa rent ng room! Mag-a-ambag na rin ako sa foods. Pero ten percent lang, ah!" Thalia giggled.
"Naks!" si Jaile at umurong palapit kay Akali. Dahan-dahan niyang nilapit ang mukha niya roon. "Ikaw Akali?" She delightfully lifted her right brow at the woman sitting beside her.
Nakangiti kaming napatitig kay Akali habang hinihintay ang sagot niya.
Ilang segundo na ang lumipas, nagising na lang ang mga dragon sa kaila-ilaliman ng lupa, hindi pa rin niya kami sinasagot. Grabe siya makatutok sa laptop niya!
"Pota. Ilayo niyo nga 'yong laptop niyan!" Utos ko at agad namang kinuha ni Jaile ang laptop ni Akali. Napahawak ako sa sintido ko nang makita ang gulat na mukha ng babaeng pinagkaitan namin ng laptop. Hindi talaga niya kami pinapakinggan kanina pa! She was too occupied by the thing she was doing!
"B-Bakit?" Walang-muwang na tanong niya. Nagkatinginan kaming tatlo nina Thalia at Jaile.
I could almost hear crickets because of our blank reaction. Nagpaplano na kami habang siya… Wala lang. Walang reaksyon ang gaga!
"Sagutin niyo nga 'yan." Ngumuso si Jaile at tumalikod, nagtatampo-tapuhan.
Umayos si Thalia ng upo at tinukod ang siko sa lamesa. "Magka-karaoke Hub kami mamaya. G ka, 'di ba?" She asked hopefully.
Napatingin kaming lahat kay Akali nang ilang segundong hindi makasagot si Akali.
"Ayokong makarinig ng hindi Akali!" Jaile almost shouted.
I laughed when I saw Akali roll her eyes.
"Oo na huwag kang umiyak." Jaile's lips parted with Akali's answer. Kaagad niyang hinampas si Akali sa braso, hindi pa rin makasagot.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Paano ba 'yan Jaile? Iyakin ka pala, e." She glared her eyes at me then turned to Akali after. Pinag-krus niya ang braso sa harapan niya at ngumuso. Tampo agad yarn?
![](https://img.wattpad.com/cover/264056271-288-k201530.jpg)
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
Roman d'amourTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...