Chapter 34
"Grabe naman pala iyang talambuhay mo! Parang 'yung mga napapanood kong teleserye sa JNE. 'Yung puro kabit alam mo 'yon? Tapos pinaampon ka kasi anak ka pala ng tatay mo sa labas!" Inis kong inagaw ang bote ng alak sa kamay ni Dave.
"Manahimik ka na nga lang, pwede?" sita ko habang naglalagay ng alak sa baso.
"Tumigil ka sa paglaklak, pwede? Makainom ka naman akala mo pro sa alak." sabi niya at binawi sa akin ang bote na hawak ko.
Inirapan ko siya at bumuntong-hininga. Pinatong ko ang mga braso sa hita at pinagmasdan siyang maglagay ng alak sa baso niya. "Gusto ko lang na makalimot kahit ilang segundo." mahinang sambit ko.
Umiling-iling siya. "Hindi ka makakalimot. Iiyak ka lang nang iiyak, sinasabi ko sayo."
Hindi ko na lang siya pinansin at tumulala ng ilang segundo.
Wala akong ibang iniisip simula pa noong pumasok ako sa trabaho maliban sa... tunay kong mga magulang. I am still drowning in a deep ocean of fear.
I'm still at the edge thinking if... should I let those people know that I'm still related to them? Or... should I just let them find me... and act like I did not know them yet. Pero kung maghihintay na naman ako... hanggang ilang taon ulit ako aabutin?
"Magpakilala ka na kasi! Malay mo, mas mayaman ka pa pala sa may-ari ng VLSQZ Apparel. Edi oras na para maghiganti. Pagbagsakin mo ang apparel dahil hindi ka napo-promote." Dave suggested.
Mukhang nabasa ang nilalaman ng utak ko.
"Tanga. Ikaw lang naman ang rason kung bakit hindi ako ma-promote. Nakaharang ka kaya sa dadaanan ko." asik ko.
Nagkunwari siyang nagulat. "Talaga? Ngayon ko lang nalaman iyon, ah?!" He acted like he was unaware and drank the remaining beer in his glass.
I cocked my head and narrowed my eyes. I dipped my forefinger into his chest. "Hoy hoy hoy, huwag kang uuwing tutumba-tumba ha? Ihahatid mo pa ako."
Kumunot ang noo ko nang makita siyang biglang tumayo. Nililigpit pa ang kalat namin sa ibabaw ng lamesa.
"Hindi na nga iinom, e. Tara na. Uwi na tayo." Tumayo na rin ako at inayos ang damit na bahagyang nalukot. "Ocakes, saan na tayo? Ikaw? May bibilhin ka pa ba?"
"Panggamot sa sama ng loob. Saan ba makakabili no'n?"
"Sa Mercury drug," Tumawa siya. Naniningkit ang mga mata kong napatitig sa kanya habang pinapanood siyang panay ang halakhak. Hindi ako natuwa at pansin niya na siguro ang itsura ko kaya tumigil na ang lalaki. Tumikhim siya. "O 'di ba! Wala kang makitang Mercury Drug sa loob ng SM! Wala kasing gamot para sa sama ng loob."
Nagsimula na kaming maglakad palabas.
"Pansin mo, Zy?" Naangat ang isa kong kilay. Nakiki-Zy na rin pala 'to?
"Hindi ko pansin, e." Sagot ko at tumawa.
Pinagsamaan niya lang ako ng tingin at muli nang nagsalita. "Seryoso. Pansin mo? Araw-araw na tayong magkasama, ano? Baka tayo talaga ang magkakatuluyan..."
Para akong biglang maduduwal. "Gagu! Layuan mo nga ako!" Niyakap ko ang sarili. Alam ko namang nagbibiro lang itong si Dave pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ako kinikilabutan?
"Oo nga pala, doon ka pala sa admirer mong nagbibigay ng egg stuff toys tapos gatas. Ayaw mo sa hotdog at Milo lang ang kayang ibigay?" tanong niya.
Tumingin-tingin ako sa malayo. "Ayaw kong mag-asawa." sagot ko. Ramdam ko ang paglapit niya sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
RomanceTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...