Chapter 05
Nang matapos na silang magvideo-oke ay bumalik na kami ni Kiro sa loob. Nakaupo na agad siya sa tabi ni Traver at mukhang ang seryoso na ng pinag-uusapan nila. Nasa kabilang gilid naman niya si Niel.
Napalingon ako sa pinto nang may pumasok at nakita si Jaile na ngiting-ngiti, mabilis siyang naglakad palapit sa akin. Kumunot na ang noo ko dahil sa sitwasyon niya.
She leaned closer to me to whisper something the moment she sat down.
"Kay Rein ako sasabay pauwi mamaya." She giggled.
Nanlaki ang mata ko.
"Close agad kayo?" May pa-sabay sa pag-uwi agad sila!
"Kilala ko sya!"
Tumango lang ako at tumayo na para iligpit ang mga pinagkainan nila. Ang kalat nila! Hindi man lang sila nahiya sa may-ari ng bahay na 'to.
Sinimulan kong ipasok sa plastic bag na hawak ko ang mga empty plastics ng mga pinagkainan nila na nasa ibabaw ng mesa. Naglinga-linga pa ako sa paligid para hanapin ang ibang basura. Nakita ko ang plastic ng chichirya sa tabi ni Niel kaya tinawag ko siya.
"Niel!" He looked at me immediately with brows rose. "Paki-abot nga ng plastic na 'yan na nasa gilid mo," pakisuyo ko. Kukunin na sana niya iyon pero bigla siyang pinigil ni Traver.
"Itabi mo! 'Yung kaibigan na 'yong gagawa," suway niya at tinapik si Kiro. He even emphasizes the word 'kaibigan'. Inirapan naman agad siya ng lalaking tinapik niya kaya tumawa siya ng malakas. Maging si Niel ay ganun na rin ang sitwasyon kaya walang choice si Kiro kundi ang iabot sa akin ang mga plastic ng chichirya.
Nagsimula na akong ibasura iyon. Nabalik ko ang tingin kay Traver nang magsalita na naman siya. "I'm happy for your friendship with Kiro, Zy. Baka mamaya, malaman kong boy bestfriend mo na 'to? Huwag mo 'kong agawan ng boy bestfriend, ha?" May halong pang-aasar ang boses niya.
"Hindi niya 'ko magiging boy bestfriend." Kiro replied in a serious tone.
"E, bat parang galit ka?" Tumawa na naman si Traver.
Nanatili namang kunot ang noo ko dahil hindi sila maintindihan.
"Matulungin 'yan si Zy! Masarap siyang maging girl 'bestfriend' promise!" dagdag niya. Para naman close na close kami at nasasabi niya 'yon. Bestfriend ko siya? Si Tyron lang ang alam kong boy bestfriend ko at wala ng iba. Thanks to Thalia, naging bestfriend tuloy namin iyong lalaking 'yon.
"I don't care," Kiro muttered then stood up. Ngumiti muna siya sa akin ng tipid bago naglakad palabas. Anong nangyari doon?
Kinabukasan, mag-isa akong naglalakad palabas ng village namin. Walking distance lang naman ang university kaya naglalakad lang ako.
Inayos ko ang wrist watch na nasa palapulsuhan ko dahil medyo mahigpit ang pagkakalagay. Nang makalampas sa gate, tatawid na sana ako sa kabilang kalsada pero natigil dahil biglang may tumawag sa pangalan ko.
"Zy!" Lumingon ako sa likuran ko at nakita si Kiro na mabilis na naglalakad patungo sa akin, gustong humabol.
Ngumiti ako sa kanya na syang naglalakad papunta sa direksyon ko. He was wearing his usual BSMT uniform. Mahangin kaya nililipad pa ang abo niyang buhok sa side ng ulo niya. He shook his head to fix his hair cooly. I bit my lower lip to stifle a smile, pogi. Pogi nga.
Ipinilig ko ang ulo ko para mawala na sa isip ko itong pag-iilusyon ko. Ano 'to? Why am I thinking about those?
You are a shit, Zy.
"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko nang makalapit na siya. Hindi naman kasi siya nakatira dito. Bakit galing siya sa loob ng village namin?
"I visited my aunt." sagot niya. Tumango lang ako. May Tita pala siya na nakatira dito.
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
RomanceTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...