Chapter 23
Madilim na sa labas matapos kaming i-release ng professor namin dahil seven pm na. I'm now walking towards the exit alone when a man suddenly blocks my way. And then, the moment I viewed his face, I changed direction forthwith.
Rinig ko ang mabibilis na yapak ng paa ni Kiro sa likuran ko, hinahabol ako.
Nakuha niya akong habulin kaya ngayon, diretso siyang nakatayo sa harapan ko at seryosong nakatingin sa akin, pinipigilan ako sa akmang pag-alis.
"Ano?" kalmado ngunit may bahid ng pagkapikon kong tanong.
"I'm so sorry for what happened earlier. Ang bilis kasing maglakad ni Naff." wika niya.
Pinag-krus ko ang dalawang braso sa harapan.
"Inamin mo rin. So you. Really. Are. Trying to catch up on her." sagot ko at nilagpasan siya.
Ako ang nililigawan niya dito. Pero bakit parang sa Naffy na iyon siya nagpapasikat?
"Creep. No. Tanong siya nang tanong sa akin kanina kaya 'di kita nakakausap." pagpapaliwanag niya.
Yeah, that was the thing I noticed too. Pansin kong walang segundong pinalipas si Naff na hindi nagtatanong kay Kiro ng kung anong information na relevant sa Marine Transportation.
"So anong gusto mong gawin ko? Sisihin siya?!"
"Kung talagang selos na selos ka sa kanya, then go! Pull her hair out of annoyance! Sasamahan at tutulungan pa kita!"
"Ewan ko sa'yo!" Tinalikuran ko siya at muling naglakad paalis habang kagat ang dila para pigilan ang sarili sa pagngiti.
Hindi ko ma-imagine na pareho nga naming sinasabunutan ni Kiro ang babaeng 'yon. Damn. Kawawa siya sa amin.
Hindi pa man ako nakalalayo, napahinto na naman ako dahil sa mga pinagsasabi ng lalaking kasama ko.
"H-Hey! I'm just kidding around! I really don't like seeing you fighting with others, physically." Ramdam ko ang presensya niya sa likuran ko, nakatayo na malapit sa akin, ng sobrang lapit, dahil pakinig kong halos bumulong na siya. "Hindi sa'yo bagay. Sa'kin ka lang makikipag-away, Zy. Pero ang gusto ko nakahiga... Sa kama... Moving back and forth... habang kinakalmot mo sa likod."
Nag-init ang pisngi ko. "Kiro naman!"
He laughed after my cursed word. "So... when will we fight?" He whispered sexily near my ear then held me on my waist. Halos hindi ako makahinga habang dinadama ang paglandas ng palad nya sa baywang ko.
"Pagkasal na tayo." sagot ko na siyang nagpakawala sa kanya ng malalim na paghinga.
"Yeah. Not bad either. At least, you have plans to marry me." Hinigpitan niya ang nakapulupot na dalawang braso sa baywang ko. "Let's go? Ihahatid kita." He offered.
Salubong ang kilay ko habang nakatingin sa kaniya at inalis ang braso niya.
"Umaabuso ka na." sabi ko. I just laughed mentally for him not to think I'm really happy with him. "Umuwi ka na. Gagabihin ka. Huwag mo na akong ihatid." Nakatingin lamang ako ng diretso sa mga mata niya. Gano'n din naman sya sa akin.
"Kung pumapayag ka na, hindi ako gagabihin." pagkontra niya.
Inobserbahan ko ang mukha niya. "Bakit ba gusto mo akong ihatid?" Wala naman siyang mapapala. Unless, he wants to do it because he thinks that thing is still a part of his 'panliligaw'.
"Gusto ko lang ng may ka-late night walk." sambit niya.
"Gusto mo ng k-ka... ka-ano?"
"Ka-late night walk." pag-uulit niya.
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
RomanceTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...