Chapter 18
Kaharap ko na naman ang laptop ko para tapusin ang ilang school works na hindi ko pa nagagawa nang sumapit ang panibagong gabi.
I tied up my hair in a bun so it wouldn't distract me. Naka-suot na rin ako ng sando at light shorts para ibabagsak ko na lang ang sarili ko sa kama pagkatapos ko dito.
I'm already in the middle of defeaning silence while analyzing the letters flashed on my screen when suddenly, my irritable, annoying brother ruined it.
Nagsisisigaw siya sa labas ng kwarto ko at wala man lang kakatok-katok, pumasok siya bigla. Ang lakas pa ng pagkabukas niya ng pinto na para bang may humahabol sa kaniyang mamamatay tao sa labas.
"Ateee!" hiyaw niya at hingal na dumapa sa kama. Nakatagilid ang ulo niya kaya kahit nasa laptop nakaharap ang mukha ay kita ko pa rin ang humahangos niyang mukha.
Pinagsingkitan ko siya ng mata habang ino-obserbahan ang buong katawan niya. Naka-pajamas na siya at mukhang patulog na.
He then showed me the one-hundred peso bill he's holding.
"Ano naman 'yan?" I asked.
"Bibili ako ng illustration board sa labas, samahan mo 'ko." kumindat siya sakin.
"Ayoko!" I rolled my eyes as I turned my eyes back to my laptop. "Ikaw na. Kalalaking tao duwag."
"Gusto ko ng kausap habang naglalakad. Kausapin mo ako para hindi boring. Ayoko muna matulog, maaga pa naman. At isa pa," Tumayo siya mula sa pagkakadapa at tinakbo ang bintana. Hinawi niya ang kurtina at masayang lumingon sa akin. "Mahangin sa labas, ate! Masarap maglakad-lakad! Tara! Sama tayo bilis!"
"Ayoko nga." Tanggi ko agad.
Nanlaki ang mata ko nang lumapit siya sa 'kin at pilit akong pinapatayo.
"Tara na kasi." Pilit niya pa.
"May gagawin ako, ikaw na lang!" reklamo ko. Bumusangot siya sabay bitaw sa 'kin. Ang buong akala ko ay lalabas na siya nang mag-isa matapos no'n pero halos malaglag na lang ang panga ko nang makita siyang hinahalungkat ang laman ng closet ko.
"Wala ka ng sanitary napkins, ate oh! Bili tayo, pera ko na rin." desperadong sabi niya at pinakita sa'kin ang plastic ng empty pack ng sanitary napkins ko.
"Pakialamero." natatawang bulong ko.
Wala rin akong nagawa sa pagpupumilit niya kaya sinimulan ko nang ligpitin ang mga gamit ko. Iginilid ko muna iyon sa maliit na lamesa para matutuloy ko pa mamaya. Nagsuot rin ako ng itim na hoodie dahil gabi na at malamig sa labas.
Sabay kaming lumabas ng bahay, nadaanan pa namin si mama sa sala habang nagtutupi ng mga damit at sinita pa kaming dalawa ni Ice. Ito naman kasing kapatid ko, kung kailan gabi na, saka pa naisipang gawin 'yong gawain niya!
"Kaninang may liwanag mo pa dapat 'yan ginawa." Sermon ko. I inserted my hands inside my hoodie's pocket.
"Sisihin mo 'yong mga ka-group ko. Hindi ako."
"Groupings 'yan?" I asked.
"Oo." sagot niya.
"E, bakit ikaw lang gagawa?" tanong ko ulit.
Napabuntong-hininga siya na para bang ang hirap ng gagawin niya kaya ang sagutin pa lang ako ay pagod na siya.
"Lahat sila may excuse. Si Chavez na naka-assign sa visual, aalis daw sila. Si Kaye naman, na dapat magda-drawing diyan sa illustration board, masakit daw puson. 'Yong iba ko namang members hindi nagre-reply. E, para bukas na 'yan. Ako pa naman 'yong leader. Ako pa magre-report." Umiling-iling siya.
BINABASA MO ANG
Light in Grievous Times (Scholar Series #3)
RomantizmTo sail across the seven seas and to dock in many ports. Those are just the two things Kiro Danvier Celeres aimed for his life. He is popular as the flame darling of BS in Marine Transportation. Sa lahat ng Marino, siya lang ang may kakayahang umila...