Chapter 27

6.8K 146 11
                                    

TW: Explicit language and drugs.

***

Chapter 27

Pumasok ako sa trabaho na naka-black sunglasses dahil sa pamamaga ng mata. Tatlong araw na ang nakalipas simula nang magdesisyon akong hiwalayan si Kiro. Hindi niya ako kinausap, ni hindi man lang siya nagpaliwanag sa akin. After that day, he said no words.

Kanina pa ako nagta-trabaho pero wala doon ang atensyon ko. Para akong natutulala minu-minuto. Tumatakbo pa rin sa isipan ko ang napakaraming tanong. Kung... Bakit at papaano niya nagawa iyon? At kung bakit, hindi niya man lang ako hinabol.

I know he saw me that day, but he just let me leave, with teary eyes and heavy chest pain.

"Huy! Break na, ah! 'Di ka kakain?"

Nabalik ako sa huwisyo nang sigawan ako ni Sir. Dave, nilingon ko siya at nakita siyang ngiting-ngiti sa harapan ko. Pinilit ko ang sariling ngumiti sa kaniya. "Uh... may tatapusin pa po ako, mamaya na lang siguro." pagsisinungaling ko.

"Sus! Hindi pa naman 'yan kailangan ngayon. Third week of the month pa 'yan isu-submit. Huwag mong madaliin, marami pang araw." sabi niya at naupo sa lamesa ko.

"Hindi 'yan upuan, umalis ka." pagsita ko na parang hindi boss ang kausap ko.

Kaagad na namilog ang mga mata niya sa gulat pero nabalik rin naman sa normal kinalaunan. Hindi niya ako pinakinggan, tulad nga ng nasa isip ko. Umayos pa siya ng upo doon at humarap sya sa akin.

"Oo, tama, hindi nga 'to upuan. Ang hindi ko lang rin maintindihan... Bakit ka nakasalamin? Hindi naman nakakasilaw sa loob ng apparel, ah?" nangingiti na siya, mukhang nang-aasar.

"May sore eyes ako."

"Ahh... Kaya pala mapula 'yung ilong mo 'no? Tapos sinisipon ka pa, kaya pala kasi may sore eyes."

"Yeah." Sinang-ayunan ko na lang ang sinasabi niya kahit na alam kong may iba siyang pinupunto sa sinasabi niya.

Nang sumapit ang alas-singko ng hapon, tamad kong kinuha ang handbag sa ibabaw ng desk at matamlay na naglakad palabas ng gusali.

Huminto ako sa gilid ng kalsada, sa tapat pa rin ng VLSQZ Apparel. Bumuntong-hininga ako habang dinadama ang malamig na hanging tumatama sa balat ko.

Ilang sandali pa, sumakay ako sa bus patungo sa bahay ni Kiro para kunin ang mga gamit ko.

Pagkarating ko, hindi muna ako pumasok at pinagmasdan muna ang bahay na pinatayo niya. Hapon na at kahel ang kulay ng paligid... na siyang lalo lamang nagpalungkot sa'kin.

Bukas pa ang pinto nito, kung hindi ako nagkakamali, nasa loob nito si Kiro.

Dahan-dahan akong naglakad papasok, napahinto ako sa pinto nang makita siyang tamad na nakaupo sa sofa. Parang may kung anong pumipiga sa dibdib ko nang makita ko siya.

Magkahiwalay ang mga binti niya, nasa labi niyang may pasa ang daliri habang nakatingin sa sahig, mukhang napakalalim ng iniisip.

Nang tumikhim ako, nagawi ang atensyon niya sa'kin at mabilis na tumayo. Binalak niya pa sana akong lapitan pero agad kong ipinakita sa kaniya ang paghakbang ng paa ko pa-atras.

Pinanatili kong nasa baba ang mapapait kong tingin, iniiwasang makasalubong ang mga mata niya.

"Kukunin ko lang 'yung mga gamit ko, hindi rin ako magtatagal." matabang na sambit ko.

Kahit hindi sa kanya nakatingin, alam kong tumango siya kaya hindi na ako nagtagal pa at agad akong umakyat sa itaas. Pumasok ako sa kwarto naming dalawa at nakita ko agad ang bukas na maleta niyang nakalatag sa sahig.

Light in Grievous Times (Scholar Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon