:)

69 3 2
                                    


"Forever? What! Is that even a joke? Forever doesn't exist! Hahahaha okay bitter :( Hays haha."

Ako nga pala si Destiny :) Destiny Kael Ramos. 17. haha yes, Destiny ang pangalan ko, no joke.

Tanungin kita, have you been inlove? (I'll assume that you said Yes haha) Eh have you been broken hearted? Naging bitter ka rin ba sa Forever tulad ko? Lol. Dumating ka na ba sa point na takot ka nang magmahal ulit? ...

Nasaktan ka na ba na yung tipong nagbreak-down ka talaga? Yung magugulat ka nalang na naiyak ka na pala. Tas kahit gaano pa kasarap yung ulam nyo, wala ka talagang gana. Mukmok ka lang sa kwarto. Senti lagi ang playlist mo. Yung kahit gaano kasaya ang barkada, nagtatawanan sila pero ikaw hindi mo talaga magawang tumawa o ngumiti manlang. Hays kung hindi mo pa nararanasan yung mga nabanggit ko, pwes ako naranasan ko na yan. And ako na mismo ang magsasabi sayo, SOBRANG HIRAP :(

Yung moment na nasabi mo sa sarili mo na, "OMG! Siya na talaga!!!" Then pagdating ng panahon biglang, "S%*t! Hindi pala :(" Yung akala mo siya na yung kasama mong tutupad ng mga pangarap mo, hindi lang ng pangarap mo kundi yung pangarap nyong dalawa yun pala nakipaglaro lang ang tadhana..

Well syempre, sabi nga nila kapag nagmahal ka, asahan mo ng masasaktan ka. Kasi yun ang true love! Hindi mo mararamdaman yung true love kapag hindi ka nasaktan. Kasi ganito, basic, bakit ka masasaktan kung hindi mo naman mahal diba? So kaya ka nasaktan kasi nga mahal mo, diba?

------

As a typhical teenager, ang buhay ko ay umikot na sa internet. Surf dito. Surf don. I don't know pero I think walang araw na hindi ako nag-online. Lahat naman siguro this generation ganun na.. Nakakalungkot man, pero wala eh. Accept the reality nalang.

So ayun, nagmahal ako. Umabot kami ng 3 years. Pero hindi purkit 3 years kami, perfect yung relationship namin. Syempre hindi! Madami kaming pinagdaanang maganda at hindi maganda sa loob ng tatlong taon.

Dumating sa punto na nasabi ko talaga sa sarili ko na, "Siya na talaga.." At nagawa ko na ring kausapin ang Panginoon, "Lord God Panginoon maraming salamat po at binigay Mo siya sa akin.."

Nung mga panahong yun, masaya. Masayang masaya. Yung iba talaga yung ngiti mo, hindi ka nakangiti dahil may nagsabi lang na ngumiti ka pero yung tipo na nakangiti ka kasi hindi mo mapigil yung happiness na nararamdaman mo inside kaya di mo namamalayan na nailalabas mo na pala :)

Masarap mainlove. (Aminin) Pero masakit din masaktan. Diba?

Yung tatlong taon na yun, dun ako nakadama ng saya at lungkot. Pero kadalasan, yung ex ko, lagi nya ko pinagdududahan. Parang wala syang tiwala. Napaka-seloso kasi nun. Like, sobrang seloso talaga. Syempre kung gf/bf ka ng isang tao, ofcourse you have the rights to get "jelly" with someone diba? Pero lagi natin tandaan na we should also know our limits. Hindi lang sa pagseselos thingy, kundi sa lahat.

Pero inintindi ko siya. Hindi ako napagod magpaliwanag sa kanya. Kasi kalimitan siya lang ang gumagawa ng lahat. Parang paranoid. Yung mga naiisip nya na ginagawa ko gusto nyang sabihin ko talaga na ginagawa ko yun pero hindi naman talaga. Kainis diba? Lagi nalang ganun. Minsan imbis na goodmorning message ang mababasa mo hinala message ang bubungad sa umaga mo. Pero kahit ganun yun, minahal ko talaga yun! Inintindi ko sya kasi nga mahal ko.

Pag nasa isang relasyon ka hindi pwedeng puro ikaw nalang. Ikaw nalang iintindihin. Ikaw nalang yung susuyuin. Give and take dapat. Para mag work talaga kayo.

Pero minsan kasi dumadating sa point na puno (Let's not use the word "sawa") at pagod ka na. Yung puro nalang ganto. Puro nalang ganyan. Away dito. Away jan. Talo dito. Talo jan. Pride dito. Pride jan. Nakakapagod kapag puro ganun diba?

Parang, dapat nga pag in a relationship ka, happiness yung naidudulot. Hindi yung sadness at stress pa yung tumataginting. At hindi natin maipagkakaila na, dumadating din tayo sa point na, nagagawa nating bumitaw sa isang relasyon...

Pero kapag bumitaw tayo sa isang relasyon, dapat reasonable yung reason diba?! Hindi yung sobrang babaw! Mas mababaw pa sa 2ft! Ugh.

Katulad nung samin :( Naging parang bula ang lahat... Nawala sa isang iglap lang... Parang mga mata lang. Sa una malabo, hirap ka makakita, kapag hindi naagapan, tuluyang mawawala..

Dumating ang araw na hindi ko inaasahang dadating o mararanasan ko.. Nawala lahat. Yung tatlong taon na yun, isang kisapmata lang nawala nalang bigla. Ni hindi kami nagkaroon ng closure o maayos na break up..

Kaya ganito nalang yung sakit na naramdaman ko. Sa una napakahirap tanggapin. Ang hirap tanggapin na wala na lahat at hindi manlang ito natapos o naisara ng ayos... :(

...

Small World has BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon