II 2/2

25 2 0
                                        

After the movie ...

Destiny: Bhabs papatayin mo ba talaga ako?! T^T

Lorrine: Hahahahaha iyak pa more bhabs! Hahahahahaha

Destiny: I HATE YOU LORRINE MICHELLE CUSTODIO!

Lorrine: I love you more best friend!

Sabay hug sakin.

Bruha talaga yun. Sadista T^T
Maga yung mata ko paglabas namin ng cinema :( Nakakahiya, pinag-tinginan ako ng mga tao. Grabe yung movie kasi. Hindi lang ako naka-relate, kundi relate na relate! As in. Hays.

Feel na feel ko talaga yung movie. Ganung kasi nangyari samin ni Past. Pero hindi naman as in lahat sa movie ha? Yung pinaka situation lang. Yung pinagdaanan nila na parang naging blangko lang ang lahat ng bigla-bigla. Pero ang pinagkaiba lang, sa movie may closure sila, pero kami wala :(

Naglakad-lakad kami.. Buti nalang dala ko yung glasses ko kaya hindi masyado halata yung pagka-maga ng mata ko -_- (I wear glasses kasi at some purposes. Minsan kasi hirap ako makakita/makabasa especially kapag malayo, in short malabo ang mata ko haha)

Destiny: Dinner na tayo. Saan mo gusto? Yung keri naman ng budget ko ha

Lorrine: KFC?

Destiny: G!

Naglakad kami papuntang KFC, tas nung papasok na kami, biglang

Lorrine: S%*t. Wag na jan bhabs. Kahit miss ko na ang chicken, gravy at fries jan. Daming tao eh. Sa ano nalang tayo, sa... Sa Burger King!

Destiny: May sapak ka ba talaga sa utak? Anong pinagsasabe mong maraming tao? Ang konti-konti oh -_-

Lorrine: Ayoko jan, sawa na ko jan! Tara na daliiii

Destiny: Kakasabi mo lang na miss mo na eh niloloko mo ba ko -_-

Pilit nya kong tinutulak palayo sa KFC hindi ko alam kung bakit.

Lorrine: Tara na sa burger king! Miss ko na onion rings nila eh!

Destiny: Tse lahat na namiss mo.

No choice, di ko alam anong nangyari sa babaeng yun at parang may multo sa KFC na ewan. So there, naglakad na kami papuntang Burger King.

———

Lorrine's pov

Woo! S%*t buti nalang hindi nya nakita! Andun yung ex nya! Kasama yung bago nya! Yung bago nya na sila pa yata ni Destiny pero pinopormahan na nya! Tsk. G@g% diba? Buti nalang talaga kahit suot nya yung salamin nya di nya nakita kundi, ugh.

Pinaiyak ko na nga sya dahil sa movie tas makikita nya pa yun. Hays!

Kilala nyo na ko diba? Best friend ako ni Destiny a.k.a. Bhabs! Mahal na mahal ko yun si Destiny :) Kambal kami nun. Kambal tuko. Hahaha.

Kahit saan tignan, apektado rin ako syempre sa pinagdadaanan ng bff ko. Parang kapatid ko na yun eh! Kaya nung nakita ko yung ex nyang feeling pogi, nag-init ang dugo ko. Di ko lang talaga malapitan kanina eh kasi nga kung lalapitan ko malamang makikita ni Destiny.

Kasama pa yung girl na feeling maganda, eew. Bagay sila! Hahahaha.
Di naman kagwapuhan yung ex ni Bhabs, di ko nga alam anong nagustuhan sa kanya ni Bhabs eh. Madami nga nagsasabe dati nung 2nd yr HS kami, nagayuma daw si bhabs haha. Pero tinanggap ko padin yung mokong na yun kasi mahal sya ng kaibigan ko at nakikita kong masaya ang kaibigan ko ng dahil sa kanya. Well, noon yun! -_-

Ahead kasi ng 1 year samin yung ex ni Destiny. So parang naging semi LDR sila ni bhabs. Syempre magkaiba na ng school, kaya wala na kaming idea kung ano ba pinaggagagawa nya kapag nasa school siya. Hays. Kala ko sila na talaga, pero hindi pala. Nanghihinayang ako at pilit kong pinapalakas ang loob ni Destiny pero, hindi na worth it na paghinayangan. Nasasaktan din ako syempre pag nasasaktan ang best friend ko. Lagi akong nagsspread ng positive vibes kay bhabs. Minsan nga sabi ko,

"Magbebreak din yun sila! Rebound lang yun!"

Pero tinigil ko na yun kasi parang ako pa mismo ang nagpapaasa sa best friend ko kasi hindi naman natin masasabi kung ano ang mangyayari diba? Kung magtatagal ba sila o panandalian lang yun. Ewan ko ba.. Basta ang alam ko andito ako para kay Destiny at hinding hindi ko siya iiwan. That's what friends are for ♥ sobrang REAL ng friendship namin. Destiny is a rare one.

...

———

Destiny's pov

So there, after namin mag-dinner, nagtingin-tingin kami ng mga shirt and shoes. May binili syang polo shirt na black, and ako naman may biniling plain camou green na v-neck shirt.

And ofcourse sa buong time na na spend namin sa mall, hindi mawawala ang selfies. Pero as of now minimum lang, cause of my eyes. Ughh -_- swelling.

After nun, umuwi na kami. Pagod pero masaya :)

...

Putulin ko muna dito guys, antok na ko eh haha. I'll try to update tomorrow :) Nagsisimula palang ako guys, antay nyo yung climax, omg! ♥

Small World has BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon