I know that when it comes to relationships, hindi naman ako perfect. Napaka-imperfect ko. Childish, topakin pero hindi ako choosy or what, napaka-babaw kong tao. In short, madali akong pasayahin :) Pero, iba rin ako mag-tampo.
Sa naranasan kong yun, isa sa mga mahirap gawin syempre ay ang pagmu-move on. Kailangan ko munang ma-i-apply ang acceptance. Kailangan ko munang matanggap bago ako maka move on! At first, syempre it's damn hard to accept the fact na WALA NA LAHAT. May mga nagco-comfort sakin, nagbibigay ng advice pero iba parin talaga eh. Parang hindi nila kayang punan ng happiness yung sadness na nararamdaman ko.
Nung mga panahon na yun parang lagi akong lutang, wala sa sarili, tas parang lagi akong galit, masungit. Hindi naman talaga ako ganun pero nung mga time na yun parang iretable ako palagi. Siguro nga dahil sa nararamdaman ko.
Parang hindi ko kaya kapag wala akong kausap. Yung magbe-break down talaga ako. Minsan habang nagle-lesson kami, mapapaiyak nalang ako bigla. Tas wala talaga akong ganang kumain. Hirap din matulog. Kapag sumasapit ang gabi, lagi kong nasasabi sa sarili ko na,
"S%*t gabi nanaman, paano nanaman ako neto?"
Minsan kahit umaga palang, naiisip ko na kaagad kapag maggagabi na. Hindi nanaman ako makakatulog kakaisip. Nakakamatay talaga ang overthinking. It's not healthy.
Pero kahit na parang down na down ako dahil sa nangyari, bukod kay God at kay Mama, meron pang isang tao na nagpapalakas ng loob ko. Si Lorrine. Best friend ko. She's indeed my sister from another mother. We have so much in common. Pareho kami ng type when it comes to some certain things. At lagi talaga kaming nagkakasundo. Hindi namin alam ang salitang pag-aaway. Classmate ko siya since 1st year high school hanggang 4th year high school. Magkasama kami palagi. Sabay kami napasok. Nag-aantayan kami sa gate ng school palagi. Pero ngayon college na, hindi na kami "blockmates" and ni hindi na kami magkasama sa iisang school. Hindi kasi namin afford ang mga expenses sa school na pinasukan nya. Pero kahit magkalayo na kami, we still see each other at our leisure. Walang nagbabago sa friendship namin :)
Pagdating naman sa foodtrip, magkasundo rin kami! Like seriously. Kapag break time sa school, lagi kaming pareho ng bibilhin na food. And pagdating sa Piattos, lagi syang cheese tas ako naman sour cream. Matic na yun! Minsan kapag kulang yung baon ng isa samen, abono lang! Hanggat sa hindi na mabayaran. Hahaha Pero wala naman yun samin. Kumbaga hindi big deal yun ang mahalaga na-enjoy namin yung moment :)
Isa sa mga favorite kong ulam ay lumpiang shanghai. Heaven talaga yun para sakin, lol. Tas one day,
Lorrine: Bhabs! May ibibigay ako sayo.
(Bhabs ang callsign namin)Destiny: Di ko naman birthday ah! Ano yan haaaa
Lorrine: Secret! Dali, lend me your hands!
Destiny: Wow, english yun ha! Saan mo nahugot yun?! *laughs*
Lorrine: Dali na kasiiiiiiii. Pikit kaaaa
Destiny: Ang arte mo! Oh ayan na!
(Pumikit na ko at nag-aantay na ibigay nya yung ibibigay nya)Lorrine: TENEN! Dilat na! Hahahahahaha
(May inabot sya sa aking plastic na may lamang lumpiang shanghai)
Destiny: Ayy. Hahahahaha grabe ka talaga wala kang katulad!
Lorrine: Syempre ako pa! Yan kasi ulam namin ngayon bhabs eh. Masarap yan! Si tita nagluto.
Destiny: Gravity, kakainin ko na to. Haha oh kuha.
Lorrine: Hindi na bhabs para sayo yan. Ulam naman namin yan meron pa sa bahay.
Destiny: Ang arte mo!
Lorrine: Sige na nga bhabs pero isa lang ha. *laughs*
At masaya naming pinagsaluhan ang binigay nya sakin. Kahit yun lang yun, actually hindi ko talaga ni-la-lang yun eh. That was BIG. Like seriously, ngayon lang may gumawa sakin nun. And she didn't failed para mapasaya ako :)
---
Okay, balik tayo sa drama.
Bukod kay God at kay Mama, si Lorrine ay isa sa mga nagpapalakas ng loob ko. Pagdating sa mga hinanakit ko sa buhay or let's say sa mga drama ko sa buhay, kay Lorrine ko nasasabi lahat. As in lahat. Nung mga time na yun, damang-dama ko talaga na andyan si Lorrine para sa akin. Unlike sa mga other friends ko, sa mga time na kailangan ko talaga ng masasandalan, dun sila wala. Pero etong babaeng to, kahit ano man ang mangyari, andito lang sya palagi. Ang swerte ko sa kanya no?
Si Lorrine ang lagi kong naiiyakan especially sa school. Parang siya yung panyo ko. Nung isang bes na hindi ko na talaga kinaya yung pain sa loob ng heart ko, (aw deep haha) sabi ko sa kanya,
*cries* "Bhabs, wag ka mapapagod makinig sakin ha? Sa mga drama ko sa buhay. Kahit minsan para na kong sira. Bhabs gusto ko ipaliwanag lahat ng nararamdaman ko pero parang dahil sa sobrang sakit hindi ko magawa"
Lorrine: Sus, ano ka ba! Kahit kelan di ako magsasawa makinig sa madrama mong buhay! *laughs* joke lang bhabs. Syempre naman no, andito lang ako palagi. Palagi. Palagi. Hayaan mo na yung mokong na yun! Hindi ka nya deserve! Like seriously! Don't worry pag nakita ko yun susuntukin ko sya dibdib! At sisiguraduhin kong babaon ang fist ko sa puso at arteries nya!
Destiny: Gaga wag mo naman saktan mahal ko yun eh!!
Lorrine: Aba mas gaga ka! Iniwan ka na mahal mo pa!
Destiny: Sorry na bhabs nagmamahal lang :'(
Lorrine: Hahaha joke lang bhabs! Tahan na! Sige ka papangit ka nyan..
Destiny: Matagal na kong pangit Lorrine Michelle Custodio!
Lorrine: Oh gusto mong pumangit lalo?! Hahahahaha joke lang bhabs. *hugs*
---
Ganyan kami. Likas ang laitan, ang asaran, at ang mga hard na salita.
---
Hello 6 readers! So happy kasi may naka-notice ng story ko. Woo! Haha please continue to read. May mga twist to! Enjoy! :) Thanks xx
BINABASA MO ANG
Small World has Benefits
Teen FictionDo you believe in destiny? Do you believe that there is someone destined to us? We can't control destiny when it played with us. Minsan magugustuhan talaga natin ang gawa ni "destiny" o "tadhana" pero minsan matatanong nalang natin sa sarili natin n...