VII

10 0 0
                                    

Pareho lang ang flow ng life ko everyday.

Gigising. Papasok sa school.
Uuwi. Online. Yun lang. Minsan magbabasa ako ng mga books, to be specific young-adult novels. Ang current read ko ngayon yung THIS IS WHAT HAPPY LOOKS LIKE by: Jennifer E. Smith. Cute ng story, nagkakilala lang sila sa internet. As in anonymous. Tas na-fall sa isa't-isa. Ano kayang feeling ng ganun no? Hindi mo naman sya nakikita in person or what so ever pero na-fall ka. Napakamysterious.

So ayun minsan nagyayaya ang tropa. Tumambay. Mag-mall. Mag-mcdo. Mag foodtrip. Mag skate. Mag stroll. Basta anything na pwede naming magawa pag may leisure kami. Just to have fun.

Pero bihira ako lumabas ng bahay. Pag nagyayaya lang sila. Eh bihira din. Kaya halos di na ko nasisinagan ng araw, lol. Nasisinagan lang ako ng araw pag may pasok. Tas pag-uwi galing school, diretso sa bahay. Stock sa phone, laptop or books. And ngayon ko naramdaman na naging focus talaga ako sa studies.

And sa bawat pagkikita namin ng tropa, hindi mawawala ang pagtatanong nila kung may love life na ba daw ako uli. Bahala sila magsawa sa sagot kong "WALA". Hahaha. Hindi sila nagsasawang magtanong.

---

Christian: (tropa ko nung high school) Destiny! Ano may lovelife ka na uli?

Destiny: Wala.

Christian: Bakit wala?!

Destiny: Pass muna. Di pa ko ready masaktan uli.

Christian: Aw ayun naman po pala!! Humuhugot na ang tropa ko!

---

Lacey: (high school friend) Destiny kelan ka ba magboboyfriend uli?

Destiny: Ba ewan ko.

Lacey: Mag boyfriend ka na uli!

Destiny: Aba, ikaw nakaisip eh edi ikaw gumawa. Hahahaha

Lacey: Loka ka talaga!

----

Yan yung ilan sa mga moments kasama ang tropa and friends.

1 month na ang nakalipas. November na! Birth month! Yayyy!

Bihira ko na makasama si Lorrine. Pati si Ralph. Busy pare-pareho sa school eh. Mag-aapproach sana ako pero tinry kong hindi mag-approach and titignan ko kung maaalala nila na malapit na birthday ko :) ang arte ko no? Hahaha

November 22. BIRTHDAY KO NA! (Saturday pumatak ang birthday ko kaya dito lang kami sa bahay)

Bago pa man dumating tong araw na to, sinabe ko na kay Mama na okay lang sakin kahit walang handa. Okay lang naman talaga. Ang mahalaga nakapagpasalamat ako kay Lord sa pagbigay nya sakin ng isa pang chapter ng life ko. Pero that morning, nagtataka ako.

Destiny: Ma! Bakit ka nagluluto ng pasta? And bakit may shanghai?

Mama: Birthday mo anak eh. Happy Birthdayyyy :) pass muna regalo ko anak.

D: Sus, okay lang kahit wala Ma ano ka ba. Sabi ko sayo wag na magluto eh, wala naman tayong extrang budget eh :/

M: Meron anak. Nag-ipit ako ng pera. Hayaan mo na. Blessings to. Appreciate nalang natin anak.

D: Naappreciate ko naman Ma eh. Haynaku mama ko talaga...

...

Pero Ma, bakit ang dami?!!

M: Wala anak. Madami yung nabili ko eh. Maligo ka na anak. Mag-ayos ka.

D: Kailangan talaga mag-ayos Ma? Hahaha parang may bisita lang ha. Haha

...

So ayun. Naligo na ko. And di naman ako nag-ayos. Parang nasa bahay lang ang suot ko. Chineck ko phone ko, walang nagtetext kahit isa. I admit, medyo nalungkot ako. Kasi siguro I was expecting something especially sa mga tropa ko and kila Krizzy. Pero wala eh. Nung kakain na ko, biglang...

"HAPPY BIRTHDAY TO YOU.. HAPPY BIRTHDAY TO YOU.. HAPPY BIRTHDAY, HAPPY BIRTHDAYYYY.. H A P P Y B I R T H D A Y D E S T I N Y !!!"

Paglingon ko. Bigla nalang tumulo luha ko. Sila Krizzy, Kray at Sharaine. May dala pa silang cake. Sobrang na touch ako. Tas meron silang letter sakin. And may regalo sila, panda na stuffed toy :3 favorite ko. Weeee.

...

Masaya kaming apat. Tawanan, kwentuhan and syempre di mawawala yung selfies. After nun, tumambay kami saglit sa labas. And tinuruan ko sila mag-skate :)

Gabi na. Nakauwi na rin sila Kray, mga 8:30. Pero 11 pm na. Hindi paden ako binabati ni Lorrine :( Nagtatampo na talaga ako. Si Ralph binati na ko kanina, nagtext sya,

"Bola! Dahil birthday mo ngayon, hindi kita tutuksuhin. Ayy natukso na pala kita hahaha. HAPPY BIRTHDAY!!! :* Miss na kita. Di na tayo nagkakasama. Busy sa school eh, lapit na finals. Sa susunod na regalo ko. Wag ka magtatampo ha? Meron kasi akong hindi nasabi sayo.. Kami na ni Camille :) naalala mo pa? Yung girl sa mall? Hahaha. Anyway, enjoy your day ha. Labyu! Godbless. MAGPAPAYAT KA NA HAHAHA V"

I replied.

"Hays. Kala ko nalimutan mo na ko :( :( Thank you Poste! :* Busy bee nga tayo pareho eh. Ok lang poste, pero pag may time chill naman tayo ha? Sama mo si Camille para makilala ko sya :) Missyou too bbf! May lovelife na siyaaaaa. Aminin ko, medyo nakakatampo huhuu. Pero congrats poste! Happy ako sa lovelife mo :) Best of luck! See you soon! Thank you ulit :)"

---

May love life na bbf ko (boy best friend)
So happy for him.

***

At exactly 11:59 pm

1 new message.

From: Bhabs♥

"Bhabs! Hahaha HAPPY HAPPY BIRTHDAY! Kala mo nalimutan kita no? Hahaha. Hindi kasi ako yung unang bumati sayo eh, kaya gusto ko ako yung huli :) Diba nga, save the best for last. The best ako diba, bestfriend? Hahahaha. I hope nagenjoy ka today bhabs! Yung gift mo bibigay ko pag nagkita tayo soon :) Miss na kita bhabs! Wag ka magbabago. Andito lang ako palagi para sayo. Alam mo yan. Loveyouuu. Maglovelife ka na!!! Hahaha"

Suddenly, I haven't noticed na nakangiti na pala ako. I thought talaga na nakalimutan na nya ko.

---

Today was a very tiring day. Pero sobrang saya :) :)

...

Not much no? Hayy sorry. i-next chapter mo na yan! ;)

Small World has BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon