VI 1/2

18 2 0
                                    

Game 1 win.
Game 2 lose.
Game 3 ???

Kailangan ko maka 2 wins para kahit pang 3rd place.
Hindi kasi ako na-train :( Player ako nung high school ako pero matagal-tagal na rin akong tumigil sa paglalaro. Kaya tong game na to, parang on the spot lang talaga. Nakakapressure pero meron akong konting advantage kasi left handed ako. Wala akong problem sa forehand and backhand. Gamay ko lahat. Medyo complicated lang talaga ako sa pag-salo ng drop.

(Sa mga di po nakakaalam. Yung forehand, backhand and drop, sa badminton po yun. "Badminton shots :)")

Up to 21 ang scoring. Challenging ang laban. Palitan lang ng score. Ilang bes din kami nag-tie. 17-18 naging 18-18. 18-19 naging 19-19.

Sabi ko sa sarili ko, sh*% kinakabahan ako.

Like seriously my hands are shaking. Pati racket ko nagshe-shake. Humingi ako ng time-out kasi sometimes sa sobrang kaba, magpa-palpitate ako then hindi na ko makakahinga. Asthmatic kasi ako. Humingi ako ng tubig. After nun magstart na uli yung play, biglang may sumigaw...
.
.
.
.
"DESTINY!! KAYA MO YAN!"

Pag-tingin ko, si Ralph. Nabigla ako sa ginawa nya. Parang medyo nahiya ako. Nagsigawan kasi yung branch namin pati branch nila pati yata yung iba pang branch. Parang lalo tuloy akong kinabahan. Pero hinayaan ko na. Shake this off kumabaga. Tumingin ako kay Ralph, nginitian ko nalang siya.

Hanggang naging 21-19 ang score.

Guess what?

Nanalo ako :)

---

Pagbalik ko sa bleachers... Si Ralph ngiting-ngiti at damang-dama ko yung saya nya.

"Galing talaga nun oh! Congrats! *apir*"

"Magaling agad? Kabado nga ko eh. Haha"

"Ok lang yun, kita mo nga oh nanalo ka :)"

---

Uwian na. Gabi na rin. Mga 8 pm na. Natulong-tulong kaming lahat para malinis yung venue. Nung palabas na kami, biglang lumapit si Ralph.

"Destiny! Uwi na kayo?"

"Oo, una na kami. Late na ren kasi eh babyahe pa kami."

"Sabagay.. Umm mag-online ka mamaya?"

"Malaman pa. Pagod eh. Sige Ralph punta na kami, nice to meet you :)"

"I am so grateful to meet you Destiny. Ingat sa pag-uwi ha"

"Ikaw rin :) 'til next time."

Umalis na kami. Nauna na kami kasi nga late na tas puro babae pa kami. Nung mejo malayo na kami, may sumigaw nanaman..

"DESTINY!!! Add mo ko ha? Ingat! :)"

Si Ralph nanaman. Hahahaha makulit.

Sumigaw ako pabalik, "Oo Ralph! Ba-bye!"

---

Kray: Dessy, may gusto sayo yun.

Krizzy & Sha: Oo nga!

Sha: Halata naman eh.

Destiny: AGAD AGAD?! Kakakilala palang gusto agad?

Kray: That's called crush at first sight.

Destiny: Pwe! Tigil nga kayong tatlo, pagod ako.

Nasa bus na kami. Hiniga ko yung ulo ko kay Kray, di ko namalayan na nakatulog pala ako.

---

9:30 pm.
Nasa bahay na ko.
Pagod.
Nagpahinga saglit.
Nag-shower.
Diretso na sa kwarto.

Nag-laptop ako saglit. Check lang ng facebook. And pag-bukas ko, may message nga sya. Si Ralph. Fina-follow na nya yung mga public posts ko.

In-add ko na sya.
And wala pa yatang 1 minute, in-accept nya na agad.
I was like woah. Hahahaha
Nag-chat siya bigla.

R: Hello! Thank you sa pag-add. Finally. Hahaha

Nag-chatback ako.

D: You are welcome! Hahaha.

R: Matutulog ka na?

D: Yes? Haha

R: Haha sige na tulog ka na, bukas nalang? Haha. Goodnight Destiny :)

D: Sige. Goodnight din :)

R: :)

*seen 10:22

Hindi ko alam kung anong trip nitong lalaking to. Hahaha. Okay time to sleep x

---

Ralph's pov

Seen na ko. Okay lang. Atleast friends na kami. At naka-chat ko pa sya kahit wala pang isang minuto. Heaven!

Sarap ng tulog ko neto :)

---

Zzz...

Sorry na tagalan ako mag-update :( Been busy kasi. Huhuu.

Small World has BenefitsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon