Chapter 5
Andriette
Mabilis lumipas ang mga araw at sa bawat araw na pumapasok ako sa opisina ay wala namang pinagbago maliban nalang siguro sa klase ng pagtrato sa akin ni Sir Diego. Pinapagalitan niya pa rin naman ako every chance he got but he would offer to drive me home every now and then which was weird dahil kahit kailan ay hindi naman siya naging ganoon ka-considerate.
Hanggang sa dumating ang Sabado, for some reason ay maaga akong nagising kahit late na akong natulog dahil nag-overtime pa ako sa office kagabi. I was having a peaceful breakfast with my coffee when I heard a bark outside.
Instinctively, tumayo ako sa upuan para silipan kung tama ang hinala ko at nang buksan ko ang gate ay tama nga ang hinala ko. It was Perez. Hindi rin nagbago ang pagpunta-punta ng aso sa bahay ko tuwing umaga kaya hindi na rin bago para sa akin na ihatid ito sa bahay ni Theo. I don't know how he manage to escape pero walang palya ito sa pagbisita sa akin araw-araw.
"Hey, Perez, good morning." Bati ko dito habang hinahaplos ang ulo at tenga nito. "Busy na naman ba ang amo mo? Come. Let's go home sa bahay mo." Aya ko dito at pumalakpak para sumunod ito sa akin dahil wala namang leash o collar ito. Buti nalang nga at sumusunod ito sa akin na para bang amo din niya ako. Kaunti nalang ay aagawin ko na 'to sa amo niya. O kaya agawin ko nalang amo niya kung ayaw, niya. heh.
Nang makarating sa gate ng bahay ni Theo ay nagdoorbell ako at ilang segundo lang ay bumukas agad iyon. Hindi ko napigilang mapatitig sa binatang nasa harapan ko. He was wearing a simple black sando and shorts but he looks hot. Well, never naman siyang nagmukhang dugyot. Kahit ano ata ang suotin niya ay maglalaway pa rin ako.
"Good morning, Andy. Gumala na naman sa bahay mo?" Natatawa nitong bati habang nakatingin sa aso niyang nasa likuran ko.
"Good morning. Yeah, mas bet niya ata akong amo kaysa sa'yo, pa'no ba 'yan?" Pang-aasar ko na tinawanan lang ng kaharap. Isa pang nagbago ay ang pakikitungo namin ni Theo sa isa't isa. We became closer after that day and more comfortable na nagagawa na naming mag-asaran at barahan. Siya na rin halos ang kausap ko sa chat tuwing gabi kahit magkaharap lang ang bahay namin. Late night talks ft. No label. Charot.
"Pasok ka muna? I cooked breakfast. I know you just drink coffee." Aya nito kaya pumasok din ako sa loob kasabay ni Perez. At this point, para lang talaga akong sinusundo ni Perez tuwing umaga dahil pagkahatid ko dito ay pumapasok din ako para kumain ng breakfast maliban nalang kapag late na ako at nagmamadali.
Lagi kasing nagluluto si Theo ng breakfast dahil ayon sa kaniya ay 'yun ang pinaka-importanteng parte ng meal. Dami niya lang knows.
"Anong almusal natin?" Casual kong tanong at nanguna pa sa kusina. Hindi ko alam kung mabilis lang akong mag-adjust o makapal lang talaga mukha ko dahil feel at home na feel at home agad ako sa bahay niya. Ganun din naman siya so it's only fair. Madalas pa nga itong pumunta sa bahay para maglaro ng video games dahil bored ito sa bahay niya.
"Bacon, hatdog, egg, tocino and fried rice. Takaw mo eh, kala mo may patago." Sagot niya habang inihahain ang mga pagkain sa harapan ko. Dahil hindi ko naubos ang kape ko ay balak ko sanang tumayo at magtimpla ulit ng kape ngunit pinaupo lang ako ng binata at sinabing siya na ang magtitimpla kahit wala pa akong sinasabi.
Ito rin ang gusto ko kay Theo, eh. Not only is he a gentleman but he's also very attentive to me. He will always do all the work and even serve me my food. Kaunti nalang ay subuan niya ako. One time, he noticed that I didn't eat the fried rice because it has garlic, when I told him that I hate garlic, hindi na siya nagluluto ng kahit ano na may bawang. Tinanggal din niya ang orange juice nang malaman niyang hindi ako umiinom nun at pinalitan ng apple which is my favorite. Hindi mahirap magustuhan si Theo pero mahirap kung magkakagusto ako sa kaniya dahil nga magkaibigan kami. I prefer it that way.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Teen Fiction[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...