EPILOGUE
ANDRIETTE
I could still feel my head throbbing and I feel stiff when I woke up. Hindi muna ako dumilat nang maalala ang nangyari. I am too afraid to look around and see the person who kidnapped me.
Mukhang hindi rin ito nag-iisa dahil naririnig ko itong may kausap at nagtatalo pa ang dalawa. Mas lalo akong natakot na dumilat. Baka sa akin pa mabunton ang galit ng dalawang ito kung sakaling dumilat ako ngayon.
Nanginginig ang kalamnan ko sa isiping walang nakakaalam kung na saan ako ngayon o kung sino ang may kagagawan nito. Iniisip ko rin si Perez na naiwan sa parke. Nag-aalala ako na baka may ginawa ang mga taong ito sa aso dahil base sa huli kong pagkaka-alala ay humahabol ito sa amin. Nais siguro ako nitong pretektahan labas sa taong kumuha sa akin.
I wonder if Kuya Adrian notices that something is not right by now. Nakauwi na kaya si Theo? Kumusta na kaya si Tita Diana? I wanna go home so bad.
Hindi ko mapigilan ang mapahikbi lalo na sa isipin na baka hindi na ako makauwi. Sana pala I bonded with my Kuya Adrian more. Sana pala I told Theo how much I love him more often at sana pala ay niyakap ko kanina si Tita Diana.
I tried to sniffle my sobs but it didn't go unnoticed by the men who were just arguing a while ago. Sandali ang mga itong natahimik bago ko narinig ang yabag ng isa paalis. Nanatili akong nakapikit kahit pa halatang-halata nang gising naman ako.
Ang lalaking naiwan ay nagsimulang lumapit sa akin at hinawakan ang panga ko upang maiangat ang ulo ko.
"Dilat." Utos nito.
Kahit nanginginig ang labi at katawan sa kaba, kahit pa punung-puno ng luha ang mukha ko ay dahan-dahan akong dumilat. Natatakot ako na baka kung ano ang gawin nito sa akin kapag hindi ko ginawa ang gusto nito.
Nang makita ang itsura ng kaharap ay halos mapaatras ako sa takot. Napakalakinng katawan nito at puno iyon ng mga tattoo habang ang mukha nito ay may malaking peklat sa pagitan ng itaas ng kaliwang mata nito at sa ibaba ng kaliwang mata.
"W-what do you w-want?" Humihikbi kong tanong. Dama ko ang pagkaubos ng hininga ko lalo na at panay ang hikbi ko dahil sa pagpipigil ng iyak.
Nakita ko kung paano manlaki ang mata nito nang makitang nahihirapan akong huminga bago mabilis na tumakbo palayo. I don't know what happened but I kept on taking a deep breath because I couldn't breath. Para akong magpa-pass out sa tindi ng iyak ko at wala pa man din akong inhaler maliban sa nakatali pa ang mga kamay ko.
Just as I was about to pass out, nakita ko ang pagpasok ng tatlong tao sa warehouse na kinaroroonan ko.
Kuya Adrian, Theo, and Diego.
They all have the same expression on their faces as they approach me. When they reach me, Kuya Adrian kneeled in front of me while Theo started wiping my tears and Diego untying me. They are all trying to calm me down but to no avail.
Masyado kong na-releave na makita silang tatlo na hindi ko magawang itigil ang pag-iyak kahit pa masaya akong makita sila.
"Shh, baby, baby, calm down. Calm down. We're here. I'm sorry."
"Andriette, breath. Take a breath, sis. Oh god."
"Ands, calm down."
Halu-halo ang mga sinasabi nito na halos hindi ko na maintindihan pa pero alam kong puro iyon pagpapatahan sa akin.
"Love, it's okay. We're sorry." Sabi pa ni Theo habang patuloy na pinupunasan ang luha ko at hinahalikan ang tuktok ng ulo ko.
Ilang minuto pa ang lumipas nang tuluyan akong kumalma at doon ko napansin na para bang ayos na ayos ang mga ito lalo na si Diego na nakasuit pa.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Teen Fiction[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...