17

92 5 1
                                    

Chapter 17 

ANDRIETTE

Tahimik lamang kaming nakaupo ni Kuya Adrian habang pinapanood namin si Tita Diana na gumalaw sa kusina at nagluluto ng breakfast namin.

"Good morning, my dear Andy. How was your sleep? I came to visit because I heard that your brother came home," nakangiting kwento ni Tita habang sumusulyap sa kapatid ko. I was expecting to see hostility in her eyes lalo pa at alam nito ang kwento ko at kung ano ang mga bagay na ginawa ni Kuya noon para lang mapalayo ako sa pamilya ko but instead, I saw gentleness in her eyes na para bang nakatingin ito sa sarili nitong anak. Just like how she look at me. 

Para bang hindi marunong magalit si Tita Diana but when I look at my brother, I also saw how his hard expression soften with his eyes that was full of fondness which was a stranger to me. Kahit kailan ay hindi ako tinignan nang ganun ni Kuya. Just what is going on with this two? 

"Anyway, eat you two. Let's go shopping. Wala akong kasama at bumalik na si Beatrice sa Australia, si Theo naman ay busy sa trabaho." Aya ni Tita Diana. 

I was expecting kuya to turn her down dahil ayaw nito ng may kasama kaya laking gulat ko nang tumango ito bilang pagsang-ayon habang maganng kumakain. My curiosity is killing me so I couldn't help but ask, "I didn't know you two are close? Did you already knew each other before?" 

Alam ko ay nakita ni Tita Diana si kuya noong mga bata pa lamang kami but that was it. Kahit kailan ay hindi sila nagkaroon ng interaction noon dahil nga nasa bahay lang lagi si Kuya at kung minsan ay sinusundo niya ako sa bahay nila Theo habang nasa trabaho pa ang ginang. I wonder what happened between these two. 

"Oh, I met him in US when I was visiting. I didn't know that he was your brother at that time and he was kind enough to tour me while I was alone." Kuwento ng ginang. Pakiramdam ko ay may mas malalim pang dahilan kung bakit ganito kalapit ang dalaw ngunit hindi ko na ito inusisa pa at tumango na lang. 

Nagkuwentuhan pa kami habang kumakain at ito ang unang beses na nakita kong ngumiti at tumawa si Kuya Adrian. For some reason, nainggit ako kay Tita Diana. Long ago, pinangarap ko ring mapalapit sa kapatid ko. Well, wishes don't always come true.

MATAPOS ang agahan ay nagkanya-kanya na kaming balik sa mga kwarto namin habang si Tita ay bumalik sa bahay nito para magbihis. Parang kahapon lang ay inaya rin ako ni Tita mag-shopping tapos ngayon ay aalis na naman. Bukas ay babalik naman ako sa trabaho.

Bigla ko tuloy naalala si Diego. Hindi ko alam kung paano ito haharapin matapos ang nangyari kahapon. Thinking about what he said to me and how he comforted me made me realize kung gaano talaga kabait ang binata at kung gaano kaswerte ang babaeng makakatuluyan nito. And sadly, hindi ako iyon dahil mayroon nang lalaking nagmamay-ari sa puso ko. 

Pagkapasok ko sa kwarto ay agad kong nakita ang cellphone ko na nakapatong sa kama na umiilaw senyales na may tumatawag sa akin. Pagkatingin ko ay unknown number kaya hindi ko sinagot at naligo na lang since hindi talaga ako nagi-entertain ng number na hindi ko kilala. Pagkabihis ko ay inayos ko agad ang mga dadalhin ko sa sling bag na gagamit ko. When I was about to put my phone inside, I noticed my notification. Mayroong nag-text at nang tingnan ko ang mensahe ay nangunot na lamag ang noo ko. What the hell is this? 

Soon, that pretty smile that you have will vanish and I will make sure to ruin your life as a price for messing with me. 

There is also another text from the same number, 

I bet you didn't know what your father did. 

Father? My Dad? I tried calling the number but it was unattended. Ito rin iyong numero ng tumawag sa akin kanina. Just who the hell is this? Anong ginawa ng ama ko?

Stuck With You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon