Chapter 23
ANDRIETTE
Nagising ako na nasa tabi ko si Theo. Mukhang nakatulog ito habang hawak ang kamay ko. I was disoriented for a moment before the events of a while ago came flashing back.
Agad akong napaupo at chineck ang phone ko. Napakadaming texts at missed calls ni Axiel na siyang tanging tao na nakakaalam na kapatid ko si Kuya Adrian. Alalang-alala ito at tinatanong kung kumusta ang lagay ko. Hindi na ako nakapag-reply nang magising si Theo at agad akong dinamba ng yakap.
"Pinag-alala mo ako, Love." Bulong nito. Tinugon ko naman ang yakap nito tyaka hinagod ang likod para pakalmahin ito. I could tell how worried he was just by how he trembled in my embrace. Mukhang natakot talaga ito nang mawalan ako ng malay.
"I'm okay, I'm okay. I'm sorry." Bulong ko habang marahang hinahagod ang likod nito. Nang humiwalay ito sa yakap ay tyaka ko hinanap sa kwarto ang taong kanina ko pa gustong makita but it was just Theo and me in the room.
Mukhang nabasa naman nito ang iniisip ko dahil bigla itong nagsalita, "He went to your house for a bit." Sabi nito, tinutukoy si Kuya Adrian.
Somehow, I felt relieved knowing that he came to me when I needed him, though hindi ko ito nakita nang magising ako, umuwi pa rin ito para makita ang lagay ko.
Sabi ni Theo ay nawalan raw ako ng malay dahil sa mild asthma and too much stress. Hindi naman na raw ako kailangan dalhin sa ospital sabi ng doktor na tumingin sa akin which I prefer.
"I want to see my brother." Sabi ko kay Theo at agad naman itong tumango. Mukhang hindi naman seryoso ang nangyari sa akin because otherwise, Theo wouldn't let me. Mukhang alam din ng binata kung gaano ko gustong makausap ang kuya ko at makumpirma ang mga nalaman ko.
He just guided me hanggang sa makarating kami sa gate ng bahay ko.
"Call me if you need anything, okay?" Sabi ni Theo tyaka ako niyakap. Tumango naman ako agad bago tumingin kay Tita Diana na sumama sa pag-alalay sa akin bago ito niyakap din. She just whispered "good luck" to me nefore she urges me to go inside.
Agad naman akong pumasok at hindi rin ako nahirapang hanapin si Kuya Adrian dahil nasa sala ito at nakaupo sa couch. Nang makita ako nito ay hindi ko na ito hinayaang makapagsalita, bagkus ay nagtanong na agad ako.
"Was that true?"
Mukhang nakuha naman agad nito ang tinutukoy ko dahil mula sa nag-aalala, napalitan ng malamig ang ekspresyon nito. Para itong iyong Adrian na dumating dito sa bahay.
"Me not receiving inheritance? Yes. Me wanted to steal the company from you? No." Maikli nitong sagot.
He didn't receive inheritance? Eh, saan ito nakakuha ng pera para sa mga gastusin nito noon? When our parents died, graduating siya noon ah?
I have so many questions at mukhang nahalata naman iyon ni Kuya Adrian dahil ngumisi ito sa akin bago sinagot ang mga tanong sa utak ko, "I worked part time jobs."
"They didn't leave you any inheritance? Why?" Sunod ko agad na tanong. Iyon ang pinaka-nagtataka ako dahil alam ko kung gaano kamahal ng magulang namin si Kuya Adrian noong mga bata kami.
"They love you more, I guess?" Sagot nito na para bang wala lang ang lumabas sa bibig nito at bahagya pa itong natatawa.
"No, Kuya. Tell me. I know you know something. Why? They loved you. They loved you so much that even if you locked me in a room, they would turn a blind eye. Kahit magsumbong ako kay Mommy, she would just console me but will do nothing. Because she loved-"
Hindi na ako natapos sa pagsasalita nang galit itong tumayo, "Because she's afraid that I would snitch!" Sigaw nito. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito nang mga oras na iyon. Galit na ngayon ko lang nakita sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Jugendliteratur[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...