25

164 5 1
                                    

Chapter 25

ANDRIETTE

"Andriette, have you packed all your things?" Kuya Adrian asked nang sumilip ito sa kwarto ko. Patapos na ako sa pagi-empake kaya naman itinaas ko ang hinliliit ko bago bumalik sa pagtitiklop. Lumapit naman ito sa akin para halikan ang tuktok ng ulo ko bago guluhin ang buhok ko at sinabing gagawa ito ng meryenda ko.

Napangiti na lang ako. I didn't expect Kuya Adrian to be this affectionate. Simula nang pumayag akong sumama sa ibang bansa kasama ito ay mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Nagagawa ko na itong yakapin at lambingin habang mas naging expressive ito sa nararamdaman nito tuwing kasama ako dahil lang sa sinabi kong ayoko na palagi itong nakabusangot o walang ekspresyon sa mukha. Madalas din ako nitong hinahalikan sa tuktok ng ulo tyaka guguluhin ang buhok ko tuwing natutuwa ito sa akin. I think it's cute but Theo think otherwise. Nagseselos daw ito at hindi na lang siya ang nakakahalik sa akin sa tuktok ng ulo at hindi pa niya magawang magalit dahil kapatid ko naman daw iyon.

Tawang-tawa nga ako sa dalawang iyon. Walang araw na hindi sila nagtatalo. Nalaman ko rin ang sinabi ni Kuya Adrian kay Theo noon kaya nawala ito nang isang linggo.

Inutusan pala nito itong pumunta sa Australia dahil nandoon ang taong may binabalak na masama sa kanila. Kuya Adrian makes good use of his power and money that he was able to know those information just by tracking my surroundings. Alam ni Kuya kung sino ang taong iyon pero hindi nito sinabi kay Theo upang i-challenge ang kakayahan nito pero hindi rin naman nahirapan ang binata dahil pagkaalam pa lang nito na nasa Australia ang taong may binabalak na masama sa amin ay alam na agad nito kung sino iyon.

Well, he's right. Pagkadating pa lang niya sa bahay ng mga ito ay saktong pagkarelease ng information sa mga reporters sa Pinas. Agad na pinahuli ang mga taong iyon at ilang araw ring humaharap sa trial sa ibang bansa na siyang inaasikaso ni Theo at ng kaibigan nitong lawyer.

Nalaman ko rin na kasama sa mga nahuli ay si Beatrice na agad napawalangsala dahil umappeal agad ang mga magulang nito na wala sa tamang pag-iisip ang anak at nangakong ipapasok ito sa asylum. Though hindi naniniwala sila Theo, pinayagan ito ng judge at ang mga kasabwat na lamang nito ang humarap at naparusahan.

Beatrice was promised into marriage with Theo when they were younger. Ito ang nakasama ni Theo noong bagong lipat sila sa Australia at umasa talaga si Beatrice na sila ang magkakatuluyan kaya naman sa bawat babaeng lalapit sa binata ay gumagawa agad ng paraan ang babae para lumayo ang mga ito. Kahit pa ilegal ang gagawin niya.

Nagulat ako nang malaman ko na may isang beses na muntik pang makapatay si Beatrice ng babaeng nagustuhan umano ni Theo at binalak na ligawan. Nawala na lang daw itong parang bula pero iyon pala ay inimbalido ni Beatrice na siyang pinagtakpan ng mga magulang nito.

Marami pa itong ginawa sa mga tao sa paligid ni Theo at muntik nang gawin din sa akin kung hindi pa ito nahuli. Kinuwento iyon lahat ng mga magulang nito sa kasunduan na hindi na ilalabas sa publiko ang nangyari. Ayon pa sa mga tauhan ni Beatrice ay balak pa raw akong kidnappin ng babae at ipagang-rape sa mga tauhan nito na siya namang nagpakilabot sa akin. Halos magwala rin si Kuya Adrian nang marinig iyon at halos pumunta ito sa Australia para sugurin ang babae.

Madami pang kinuwento si Theo pero wala nang akong pakielam. Tapos na iyon. I don't think may magagawa pa sa akin si Beatrice dahil ipinatapon ito sa isang asylum sa France at siniguradong hindi ito makakaalis doon kahit anong mangyari or Tita Diana and Kuya Adrian's companies will crush theirs.

Though na-release pa rin ang issue at nagkagulo pa rin, I am thankful na wala nang iba pang nangyari sa amin o kay Theo. They handled it well kaya naman tinawagan ko si Diego na 'wag nang ituloy ang imbestigasyon dahil nalaman ko na naman ang gusto kong malaman at kahit sa palagay ko ay kulang pa, natanggap na rin ni Beatrice ang parusa niya sa lahat ng ginawa niya. I just want to move forward with the people I care about and be happy.

Stuck With You ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon