Chapter 16
ANDRIETTE
"Do you want me to go inside with you?" Tanong ni Theo nang mag-dalawang minuto na at hindi pa ako bumababa ng sasakyan kahit pa nasa tapat na kami ng bahay ko.
I wanted to say yes. Gustung-gusto ko na magpasama kay Theo dahil hindi ko ata kakayanin na makita si Kuya Adrian. I never saw since I moved out when I was in college. Tinulungan niya akong maglipat sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tauhan niya nang malaman niya na lilipat ako ng bahay but he wasn't aware na sa bahay namin dati ako lilipat.
I guess that was the reason why he came home. The last time I saw him smiled was when I moved out and now I came back and so was he.
"I... I can do it. I was just gathering my strength." I answered while looking in front of my house. Bukas ang mga ilaw sinyales na may tao sa loob at hinihintay na ako ni Kuya Adrian umuwi.
Huminga ako ng malalim at lalabas na sana nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Theo na humawak sa kamay ko. Agad akong napatingin sa binata dahil doon at halos manghina ako nang makita ang matiim nitong titig sa akin.
"You know, we can run away. Just tell me and we'll get out of here." Seryoso nitong sabi habang matiim na nakatitig sa akin na para bang binabasa ang nasa isipan ko.
I know he will really do it if I say yes and I want to! God knows, I wanted to run away again. But I can't. Walang mareresolba kung tatakbo ako at alam ko naman na malalaman at malalaman ni Kuya kung na saan ako.
Ngumiti na lang ako at umiling bago huminga nang malalim. Sumulyap ako muli sa malaking bahay bago napagpasyahan na lumabas ng kotss upang harapin si Kuya. Walang mareresolba kung patuloy akong tatakas kaya naman kailangan kong lakasan ang loob ko.
Pagkababa ko sa sasakyan ay bumaba rin si Theo. Gulat na lang akong napatingin sa binata. Just what is he thinking?
"What are you doing?" I asked.
"Following you," He smiled. "Kahit sa harapan lang ng gate. Please let me."
Hindi ko alam pero mas bumilis ata ang tibok ng puso ko. Iba ang epekto na binibigay ni Theo sa akin at sa mga oras na iyon, nawala ang kaba at kahit ano mang pangamba na mayroon ako kanina. He really did gave me strength.
Sabay kaming naglakad papunta sa tapat ng bahay at nang buksan ko na ang gate ay nakapamulsa lamang itong nakatitig sa akin na para bang hinihintay akong pumasok.
Nang magtama ang mga mata namin ay binigyan ako nito muli ng isang napakagandang ngiti bago itinaas ang kamao sabay buka ng labi, "Fighting." He mouthed.
I smiled and also mouthed a thanks before finally closing the gate. I turned around to see Kuya Adrian standing at the front door; wearing a serious face like he saw everything just now.
Agad bumalik ang kabang nararamdaman ko kanina. Mas malala pa ata ngayon! Ngayong nakita ko na ulit si Kuya, masasabi ko na maraming nagbago rito. Mula sa pangangatawan na mas nadagdagan ata ang muscles, sa mukha nito na mas nag-mature at naging seryoso na para bang ilang taon itong hindi ngumingiti, hanggang sa height nito na mas nadagdagan at ngayon.
"Where were you?" Seryoso nitong tanong habang naka-krus pa ang dalawang braso. Halata ang inip sa mukha nito habang nakatitig sa akin.
Pakiramdam ko ay para akong teen ager na nahuli ng magulang na late umuwi dahil nasa galaan ako.
"My friend. Bakit hindi mo sinabi na ngayon ang uwi mo? Akala ko ba ay next week pa?" Pag-iiba ko ng usapan habang nilalapag ang sling bag ko sa may couch at umaaktong para bang wala lang ang presensya ni kuya sa akin.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Teen Fiction[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...