Chapter 21
ANDRIETTE
Ilang araw mula nang huli kong makita si Theo, pakiramdam ko ay unti-unti na akong nasasanay na wala ito. Na papasok ako sa umaga at uuwi sa gabi para magpahinga. Hindi na ako panay sulyap sa bahay nila katulad noong una, hindi na rin ako umaasa na tatawag siya, pero kahit kahit kailan ay hindi nawala iyong pagmamahal ko.
Siguro, tinanggap ko lang na hindi pa muna ngayon. Na baka may kailangan pa siyang tapusin, kailangang gawin. I will just wait for him to come back. I chose to trust him.
Talking to Kuya Adrian woke me up. Hindi porke may gustong sumira sa amin, hahayaan ko na sila. Yeah, sure, siguro nga may nahalikan na si Theo, may iba na siyang minahal. Pero imposible na ngayon niya ginawa ang mga bagay na iyon. I could still remember how Theo pleaded me to take risk and I trust him not to betray my trust.
I decided to think rationally at those situations and promised myself not to be swayed no matter what that unknown number sends me. I will just ask Theo to avoid confusion. Communication is the key nga naman. I just have to wait a little longer but a few weeks have passed, hindi na nagparamdam ang nag-text sa akin mula noong huling send nito last last week.
Hindi ko mapigilang hindi kabahan, pakiramdam ko kasi ay may ibang pinaplano ang nagpapadala sa akin ng mga messages na iyon at hindi ako makapaghanda dahil hindi ko naman kilala ang nasa likod nito. I have no choice but to wait.
Pero sa tingin ko, ang magandang bagay sa sitwasyon na ito ay nararamdaman ko ang concern sa akin ng kapatid ko. Madalas siyang pumunta sa kwarto para tanungin ako kung kumusta ako o kung minsan ay nags-stay ito para manood kami ng movie. Hindi kami masyadong nagkakausap at may awkwardness pa rin sa pagitan namin but I could see hope sa relationship namin bilang magkapatid. Just a little push.
"Andriette, you ready?" Tanong ni Kuya Adrian habang nakasilip ang ulo sa may pintuan. May pupuntahan kasi kami ngayon. Ito rin siguro ang isa sa mga naging pagbabago sa relasyon namin simula noong gabi na iyon. Nagagawa na namin lumabas magkasama at pumunta sa kung saan-saan tuwing wala akong pasok at hindi ito busy sa trabaho niya.
Wala naman kaming espesyal na ginagawa. Kung hindi kumakain nang kumakain, nagro-road trip lang kami. Minsan naman ay ipagsha-shopping ako nito ng kung anu-ano at sasabihing kailangan nitong bawasan ang pera nito. Napakayabang.
Ngayon naman ay balak naming magsimba dahil nalaman ko na hindi pa ito nakakapasok sa simbahan mula noong bumukod ako. Buti at agad itong pumayag agad ito nang hindi nagre-reklamo, kapalit ng pagsama ko rito sa kompanya nito sa susunod na linggo dahil wala ang sekretarya nito. Malay ko naman sa trabaho ng sekretarya nito pero pumayag na rin ako para lang mapasama ito sa akin ngayon.
"Yeah, I'll just get my shoes and then I'll go downstairs na." Sagot ko dito habang nilalagay ang maliit na hikaw sa tenga ko. I wore a simple beige dress and light make-up for today. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko at nang makitang desente na ang itsura ko, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba para makaalis na.
Nauna na si Kuya Adrian sa ibaba dahil ihahanda raw nito ang kotse para sa pag-alis namin. I was unplugging every appliances and turning off all the lights when I heard my brother talking to someone outside.
Akala ko ay may kausap ito sa telepono kaya hinayaan ko na lamang ito at pinagpatuloy ang ginagawa ko at nang matapos ay ni-lock ko na ang pinto para makaalis na kami.
Nasa labas na ng gate si Kuya Adrian kaya lalapit na sana ako rito nang makita ko ang lalaking nakatayo sa harapan nito at nakikipag-usap sa kapatid ko.
"Theo."
Sabay na lumingon ang dalawa sa gawi ko pero nakatutok lang ang mata ko kay Theo na ang laki ng ipinayat mula noong huli kong kita rito.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Teen Fiction[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...