Chapter 20
ANDRIETTE
Nang makauwi ako sa bahay ay tulala lamang ako at hindi na napansin si Kuya Adrian na nakatayo sa harap ng pinto at pinagmamasdan akong maglakad nang wala sa sarili.
He didn't even stopped me to question me or anything. He just observed me hanggang sa makarating ako sa hagdan. I was so in dazed that I didn't notice na may isa pa palang hagdan akong aakyatin bago tuluyang makarating sa second floor kaya huli na bago ko pa mabalanse ang sarili ko.
Tuluyan na sana akong babagsak nang biglang may humawak sa braso ko para hindi ako tuluyang madapa. Sa sobrang gulat ko ay nawala tuloy bigla lahat ng iniisip ko.
"That's what you get for not looking what's in front of you. What's your problem? If I'm not here, who knows what will happen to you?" Pagalit nitong sabi sa akin habang nananatili ang malamig na ekspresyon sa mukha.
If you're not here, eh 'di sana, masaya ako ngayon! Hindi ko sana kailangang mag-overthink mag-isa rito at makaka-usap ko nang maayos si Theo pero dahil sa'yo, hindi ko manlang makausap ang boyfriend ko!- ang gusto ko sanang sabihin ngunit mas pinili ko na lang manahimik dahil ayaw kong makipagtalo rito at pagod din ako mula sa trabaho at kakaisip buong maghapon kung bakit may litratong ganun si Theo.
Hindi naman ako tanga para maniwala agad doon at isiping nag-cheat sa akin agad si Theo pagkatapos nitong mag-confess sa akin. May tiwala ako sa kaniya pero I also need assurance from him lalo na at mag-isa lang ako and I tend to overthink a lot. Malaki ang tiwala ko kay Theo kaya mas natatakot ako dahil kapag totoo pala ang litrato na iyon at talagang may hinalikan itong iba pagkatapos ako nitong halikan, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin o kung ano ang magagawa ko.
I'm not some fragile woman, I know my worth and I know na hindi ko deserve na maloko. No one does. Kaya gusto kong makausap ang binata, gusto kong pahupain niya ang kaba na nararamdaman ko at sabihing ako pa rin ang gusto niya pero paano ko iyon magagawa kung hindi ko nga ito ma-contact? Wala pa rin ito sa bahay nila habang si Tita Diana ay nasa hotel na inuukopa nito kaya hindi ko rin makausap. Ayaw kasi nitong mag-stay sa bahay nila, ewan ko ba kung bakit.
Nang makarating ako sa kwarto ko ay binagsak ko agad ang sarili ko sa kama. Pagod na ako at gusto ko na lang matulog para mawala ang lahat ng iniisip ko. Pakiramdam ko kasi ay kapag nag-isip pa ako, kakainin ko na iyong sinabi kong tiwala kanina.
I was about to close my eyes to rest kahit na hindi pa ako nakakapag-bihis nang may kumatok sa pinto ko. I am certain na it was Kuya Adrian iyon dahil kami lang naman ang tao rito sa bahay so I just groaned before pushing myself up to open the door.
"What?" Walang gana kong tanong.
"I don't know if you noticed but you left your bag on the floor and your stuff scattered on the floor. I was picking it all up when someone texted you." He explained while handing me my phone.
I was really not in the mood but had no choice but to grab it. I knew Kuya Adrian noticed how my expression changed when I saw who texted. It was the same number again. That damn unknown number again!
What is it this time? Sinusubukan ata talaga nito ang pasensya ko dahil nang buksan ko ang message ay picture iyon ni Theo. Nasa isang beach ito habang nakayakap sa likod ng isang babae. Napaka-sweet nilang tignan sa litrato, parang masusunog ata ang mata ko sa nakikita ko.
I know I should trust Theo. I know there is a reason behind all these photos. I know there is but, I just found my self trembling and my eyes bawling in tears while looking at the photo. It feels like, my heart has been torn to pieces. Nakikita ko si Kuya Adrian na natataranta habang nilalapitan ako. Nagsasalita pa ata ito ngunit hindi ko na maintindihan ang sinasabi niya hanggang sa agawin nito ang telepono na hawak ko para tignan ang dahilan ng pag-iyak ko.
BINABASA MO ANG
Stuck With You ✔️
Teen Fiction[STAND-ALONE STORY] Andriette Shamara Ocampo thought that everything was finally going her way after her parent's death. She thought that it was finally time to go back to the house where she spent her childhood. Her home. She thought that she can...