Ang buhay ko, bow.
Ang buhay ko ay maaliwalas, maayos at maganda.
Sabi ng nanay ko maganda daw ako kaya pinanindigan ko na.
At please lang, JAnice ang pangalan ko.. Sa mga mahirap umintindi, uulitin ko. JAAAnice, hindi JaNICE. Hindi ako si Janice De Belen.
Isa akong Dyosa, kaakit akit, diwatang isinugo mula sa kabundukan ng Mt. Olympus, para magkalat ng kagandahan sa mundo. Kaso hindi umiipekto ang kapangyarihan ko sa in-born ang kapangitan.. Chos. Haha. Hindi to fantasy, wag ka mag-alala. Maganda lang talaga ako.
Sabi din ng tatay ko, maganda rin daw ako.
Pati ng tito ko.
Saka ng tita ko.
Lahat sila..
MIinsan nga piniipigilan ko na silang puriin ako, naaawa na kasi ako sa kanila. Pa’no daw ipinanganak ang isang dyosa sa mundo..
Syempre via cesarian section, masyado akong maraming baong kagandahan kaya kailangan CS. Tapos nung nagsabog daw ng kagandahan sa mundo, hindi lang galon at nakabaliktad na payong ang dala ng nanay ko. Isang tanke daw para may reserba.
Eh ano kayang mangyayari kung mainlove ang Dyosa sa pangalawang pagkakataon?
(Erin: Pangalawa agad? Di ba pwedeng unang pag-ibig muna?)
(Maui: Wag ka na Janice.. Pangalawang pagkakataon na plesss.)
(Erin: Yummy na daw yung pangalawa.)
(Maui: Ay nako.. Pati ako tumutulo laway ko sa pangalawa..hahaha..)
Ayoko, Dyosa ako. Gusto ko pangalawa agad. Hudas yung una e. Hindi sya dapat inuungkat. Pero infairness may isang bagay sya na binigay sa’kin na hindi ko pinagsisihan kahit kailan..
Ano yon?
SECRET! :D
Kung makaintroduce naman ako sa pangalawa, parang ang simple lang. Happy ending agad. Choosy pa ko? Yummy na nga yung pangalawa, pasado na para maging Adonis ng Mt. Olympus, aangal pa ko?
Speaking of pangalawa, sino at nasaan na nga ba sya?
Mga Alipin, pakitawag ang pangalawa, pagsubmittin ng resume. DALI!
CHOS! Hahahaha!