Napagdesisyunan na matapos kumain ng hapunan ay magmovie marathon. At dahil na rin sa aliw na aliw si Ira sa bago nyang kalaro na si Vaughn, ayaw ng anak kong sumama sa panonood kaya umakyat na lang sila sa kwarto.
Hindi naman talaga ako nakikialam sa pagpili nila ng line up sa movie, pero nang marinig ko na lahat eh horror, tumining ang utak ko.Yung pinsan talaga nya, tumakbo pa paakyat ng kwarto ata nila para lang kunin yung DVDs,
“Uy, nabasa ko yan sa internet! Maganda daw!” Bulong sakin ni Kyle. Alam naman nyang ayoko ng mga ganyang eksena at pangitain, bakit ba yun pa ang napili nila? Bakit lahat horror?
“Utang na loob ha.. Matutulog na lang ako.”
“Sige, umakyat kang mag-isa. Pero wag kang sumigaw 'pag may kumatok sa bintana..” Saka sya tumawa nang malakas.
Kibit-balikat lang ang naisagot ko sa kanya. Ako na pinagkaisahan. Ako na walang kakampi sa mga panahon ng katatakutan.. Hindi ko alam kung ano yang isasalang nila pero natatakot na agad ako.
Tumabi sya sa kinauupuan ko at tumingin sa’kin. “Janice..popcorn..” Alam mo yung pakiramdam mo talaga pinagkakaisahan ka talaga kasi hindi ka makatiis sa irtsura nya ngayon? Namimilog ang mata at..
“Hindi pa naman magsisimula di ba?” Sinipat ko yung dadaanan ko at titnantya kung ga’no kahaba ang tatakbuhin ko simula kusina hanggang dito sa kinalulugaran namin nang hawakan nya ang kamay ko at hinila papunta doon.
Nagsimula akong buksan ang mga cupboard para hanapin ang corn kernels nang magsalita ulit si Kyle. “Microwaveable popcorn nalang, baka bukas pa natin makain pag yung corn kernels pa talaga iluluto mo.”
Kinuha naman ni Kyle ang box sa isang cupboard at inabot sa’kin ang microwaveable popcorn. Binuksan ko naman yon at inilagay sa loob ng microwave kasama ng isang platito. Wala lang, baka kailangan eh. “Ga’no ba katagal?”
“10 minutes..”
I set it at the said time. “Tagal pa nito..” Baka kasi magsimula na sila nang wala kami.. bagay, pabor sa’kin yon.
“Di pa magsisimula hangga’t di pa tayo kumpleto..”
“Bakit kasi horror yung kinuha nyo?” Angil ko tapos sumandal sa counter.
“Don’t look at me like that, hindi ako ang nag-suggest nun! I was just kidding nung sinabi kong horror..may dala palang DVD si Vlad.”
Napabuntong hininga na lang ako. Sasakit na naman ang lalamunan ko kakasigaw, pa’no hindi ko naman mapigilan kahit anong gawin ko.. Hindi naman kasi nila alam na totoo naman talaga yung mga maligno na yan, ang dami kaya nyan sa lugar namin.
Nagulat na lang ako nang may kamay na marahang dumampi sa pisngi ko. Pagtingin ko, nakatitig sya sa mga mata ko.. pababa sa mga labi ko.
Napalunok na lang ako at napakunyapit sa counter habang papalapit nang papalapit ang mukha nya sa’kin.. Inawang ko ang mga labi ko para maging handa sa kanya nang..
Tumunog ang microwave.
Bigla kaming napalayo sa isa’t isa. “U-uhh, y-yung popcorn..tama..yung popcorn okay na..” sabi pa nya.
”A-aah, O-oo. Yung popcorn.” Hindi ko akalaing maisusumpa ‘ko ang isang microwave sa buong buhay ko. Yun na eh, oh? Andun na eh.. Tapos tumunog pa sya? Ang lapit na eh.. Sana pala nagluto na lang ako ng kare-kare para matagal, no? Ilang oras din magpakulo ng karne bago mo ilagay ang gulay at pampalasa. Saka ang kaldero hindi tumutunog, bahala akong tumingin.
Binuksan ko ang microwave at kinuha ang popcorn sa pamamagitan ng platito na inilagay ko kanina at napahiyaw na lang ako sa sakit nang maramdaman ko na sobrang init pala ng nahawakan ko. “Ang sakit..”