The Gift

1.1K 33 10
                                    

What a fucking douchebag.

I want to punch him in the face but I can’t. Because I can’t find him anywhere. Simula nung araw na sinabi kong buntis ako, hindi na sya nagpakita.

Natulala lang sya sa’kin noon tapos sabi nya, “Pag-usapan natin bukas, ha?” Ang lambing pa nung pagkakasabi nya sa’kin kaya umuwi na kami. I was four weeks pregnant back then. Pagpasok ko sa kwarto sabi nya mauna na lang daw ako matulog.. Iniisip ko na baka kailangan nyang mag-isip ng mag-isa kaya pinabayaan ko sya.

Pero kinabukasan, wala akong nakitang Luke sa apartment. Tinatawagan ko sya sa cellphone pero walang sumasagot, ring lang nang ring.

Isang linggo ko sya hinanap.. Sa mga pinupuntahan namin.. Hindi na rin sya pumapasok sa school.. Tinawagan ko na rin yung mga barkada nya pero ni isa sa kanila walang sumagot kung nasa’n si Luke. Nung pumunta na ko ng bahay nila, humiwalay ata yung kaluluwa ko sa katawan ko sa sinabi ni manang sa’kin..

“Umalis na po si Sir Luke kasama ng mga magulang nya papuntang Australia.”

Para akong adik na may hangover sa sigarilyo. Naintindihan nyo? Ganun yung feeling. Yung hindi mo maintindihan.

Umalis na po si Sir Luke kasama ng mga magulang nya papuntang Australia.

Ano? Kinain ng kamel yung San Marino corned tuna kaya traffic sa Niagara Falls?

Hindi ka makapaniwala sa pagkakaintindi ko no? Ako rin, hindi makapaniwala sa sinabi ni Manang. Pa’no nagawa sa’kin ni Luke ‘to? Pa’no nya ako nagawang iwan sa kalagitnaan ng sitwasyon na ‘to?

Habang naglalakad ako pauwi.. nakatulala lang ako habang umiiyak.

Hindi ko akalaing magagawa sa’kin ni Luke na iwan ako..

Iwan ako sa ere..

Sa’n napunta yung mga pangako nya?

Sabi nya magiging Janice Velasce-Alvarez ang pangalan ko?

Wala lang ba sa kanya yung apat na taon naming pinagsamahan?

Pa’no na ko ngayon?

Pa’no ko sasabihin sa Nanay at Tatay ko ‘to? Pag naiisip ko yung reaksyon nila..

Ipalaglag ko kaya ‘tong batang ‘to?

o kaya, magpakamatay na lang kaya ako para wala nang problema?

Yan yung mga bagay na tumatakbo sa isip ko nung mga panahon na yon..

Paulit-ulit..

Paikot-ikot..

Pagdating ko ng bahay, Napatingin si Nanay sa’kin.

“Nag-away ba kayo ni Luke? Kasi naman anak, magpatalo ka naman paminsan-minsan..” Pag nag-aaway kasi kami ni Luke, kay Nanay ako tumatakbo.

Natalo na ‘ko, ‘Nay. Talong-talo ako.

Hindi ko magawang yumakap kay Nanay nun katulad ng ginagawa ko dati. Sobrang hiyang hiya ako sa kanya.. sa kanilang dalawa ni Tatay. Buong buhay ko, sinuportahan nila ko kahit na minsan ayaw nila nung desisyon ko.. Lalo na nang sagutin ko si Luke. Sana pala nakinig ako sa kanila. Sana pala sinunod ko sila nung paaalalahanan nila akong magdahan-dahan sa pakikipagrelasyon.. Sana nag-aral na lang muna ako katulad nang lagi nilang bilin sa’kin.. Nagtiwala sila sa’kin, pero anong ginawa ko?

The Proxy Dad - Janice VelascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon