Give it to me!

945 35 13
                                    




May yumuyugyog sa’kin kaya bumaling ako sa ibang posisyon.  Anong oras na nga ako nakatulog kakaisip kung pa’no ako matutulog tapos mang-iistorbo? Naulinigan kong may tumatawag sa pangalan ko.

 

“Janice, gising na..”

 

Medyo nagpunas pa ‘ko ng laway dahil naramdaman kong basa ang bandang pisngi ko.

 

“Tayo na dyan.”

 

Parang naging urgent yung tunog ng boses kaya dumilat ako ng konti. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita si Luke. Kinusot ko agad ang mga mata ko para magising sa karumaldumal na bangungot at nang dumilat ulit ako, napangiti na lang ako. “Oy, Kyle.”

 

Gumanti naman sya ng ngiti pero parang hindi maganda ang timpla ng umaga nya. “Sarap ng tulog mo ah..napagkamalan mo pa akong ‘sya’. Tayo na dyan.. Puntahan ko na si Ira, kakain na.” Saka sya deretsong lumabas ng kwarto.

 

Umupo ako sa kama. Anong nangyari? Teka, ano ulit yung sinabi nya?




Sarap ng tulog mo ah..napagkamalan mo pa akong ‘sya’. Tayo na dyan.. Puntahan ko na si Ira, kakain na.




Hala?! Pa’no nya nalamang napagkamalan ko syang si Luke? Nabasa nya ang utak ko?




Pagbaba ko sa dining area, pinakilala nya ako sa mga pinsan nya saka umupo sa tabi ni Kyle at Ira.

 

“You should try this, Daddy cooked this..” Naglagay sya ng fried rice at omelette sa plato ni Ira. Marunong pala sya magluto? Bakit ako lang ang lagi nyang kinukulit na magluto? Ayaw ba nya magpa-impress sa’kin?

 

Kumuha ako ng serving ng fried rice at omelette at isinubo kay Ira.  “Masarap?”

 

Tumango naman ang anak ko habang ngumunguya.

 

“I know..Daddy cooks well, right Princess?”

 

Tumango ulit si Ira. Minsan talaga nagseselos na ko dito kay Kyle dahil sa pinakita ni Ira sa kanya. Laging attentive ang anak ko kapag sya ang nagsasalita tapos kapag ako, parang wala lang.

 

“Ikaw nagluto lahat?” Tanong ko kay Kyle.

 

“Masarap ba? I was able to get a little help from the boys..”

 

Ohh.. so, kanina pa sila gising? Medyo maayos na ang tono ng boses nya kaya siguro okay na sya. Kalimutan na rin nya siguro kung ano man yung nangyari kanina, hindi ko rin naman maalala kung ano yon.

 

Biglang sumilip si Vlad sa usapan namin. “A little ka dyan?”

 

The Proxy Dad - Janice VelascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon