A/N: Si Luke----->
*********************************************************************
Since hindi pala maiiwasang mapag-usapan yung hudas na yon, ikukwento ko na rin.Sayang lang yung laway ko.. pero alam kong chismosa kayo kaya ikukwento ko na nga.
Si Luke Alvarez.
Varsity ng Basketball nung highschool.
Pasado sa panlasa ng Dyosa.
Douchebag, asshole, dumb ass.
The End. NEXT CHAPTER!!
Kaw naman, bitin? Haha. Wala kasi akong magandang maikwento sa kanya kasi wala naman talagang maganda sa kanya kundi itsura lang nya. Pag naaalala ko sya, kumukulo yung dugo ko.. gusto ko sya ibaon sa ilalim ng impyerno. Ilalim talaga.
Yung nangyari kasi noong highschool.. Para kasi syang fairytale.. Varsity meets the Goddess, taray di ba?
Naalala ko nun, nagulat na lang ako nung pumunta sya sa bahay sa unang pagkakataon. Kilala ko sya bilang Varsity pero hindi ko akalaing kilala nya rin ako..
Duh? Like Varsity sa Dyosa ng kagandahan di ba? Syempre mataas ang dyosa, CHOS. Hahaha.
Medyo alangan pa yung ngiti nya tapos tinanong nya kung nandun daw ba yung mga magulang ko. Syempre ang dyosa sumimangot kasi magulang ko pala ang hanap, hindi ako. Yun pala hihingin nya yung basbas ng Nanay at Tatay ko para lang ligawan ako. Talagang tatlo kaming napanganga ni Luke nun..
Mayaman kasi sila Luke. Kilala yung pamilya nila sa lugar namin.. Sa hacienda nakatira yun, tapos maraming maids.. Walang nagawa si Tatay kundi umoo kasi nahiya sya sa pamilya ni Luke.. Kahit alam kong ayaw pa ng tatay ko kasi bata pa ‘ko.
Isang taon syang nanligaw sa’kin. Araw-araw nya akong hinahatid-sundo sa bahay namin.. Tumutulong din sya sa Tatay ko pag wala silang practice. Madalas aayain nya ko sa batis na malapit sa hacienda nila.. Picnic.. Madalas din syang pumunta sa bahay para makipagkwentuhan sa Nanay at Tatay ko. Naging bestfriend ko na rin si Luke dahil sya na yung lagi ko ng kasama. Binakuran na nya talaga ako sa iba na gusto pang dumiskarte sa’kin. Pinagkalat nya na rin sa buong eskwelahan na nililigawan nya ko kaya.. kinilig talaga ako. HAHA. :”> Yun nga lang, lalong dumami yung nainggit sa kagandahan ko.
Sinagot ko sya noon sa ilalim ng punong mangga.Nagpipicnic kami noon..
Nagtatawanan na parang walang bukas..
Inukit pa nga namin yung mga pangalan namin sa puno.
Luke ❤ Janice
Sa ilalim noon, inukit din nya yung pangalan ko.. kadugtong ng surname nya.
Janice Velasco-Alvarez
“Someday, ganyan na ang magiging pangalan mo.” Tapos nakangiti pa sya sa’kin ng pagkatamis-tamis.
Sobrang saya ko nun, sa totoo lang. Ako kasi yung unang babaeng niligawan nya.. At yung effort nya, grabe talaga. As in sobrang attentive nya..
Nung minsang nag-usap kami, he confessed something to me.“Matagal na kitang gusto kaso.. hindi ko alam kung pa’no ka kakausapin.. Nabablanko ang utak ko pag malapit na ko sa’yo.. Kaya nagdesisyon akong pumunta na lang sa bahay nyo. At least nandun sina Tito at Tita, makakapagfocus ako kahit konti.. Hindi puro kaba yung inaatupag ko.”
Syempre kinilig ang dyosa.. :”>
Hindi kami masyadong nag-aaway kasi kabisado na namin yung ugali ng isa’t isa.. Kuntento na kami sa araw-araw, basta magkasama kami at nagtatawanan.
Ang saya di ba? Nakahanap ng Prince Charming ang Dyosa?
Happy ending na?
hindi pa..
Fourth year highschool na kami, isang taon nang magkasintahan.. pero kahit kailan hindi pa nya ako pinapakilala sa mga magulang nya.. Hindi ko din naman tinatanong kasi nahihiya ako..
It turns out na hindi pala ako gusto ng mga magulang nya..Naiintindihan ko, dyosa ako sa kagandahan pero wala pa kaming sapat na pera sa point of view ng pamilya nila Luke. Sabi ko nga kay Luke, simpleng buhay lang naman ang gusto ko, hindi ko naman kasi kailangan ng malalaking bahay at maraming tauhan. Gusto ko ako gumagawa lahat kasi mas gamay ko yung mga bagay-bagay kapag ganun. Pinalaki kasi akong taong bahay ng nanay ko. Ako nagluluto, naglilinis, naglalaba.. lahat. Eto ang sabi nya,
“E di pwede ka na palang maybahay?”
Sumagot naman ako. “Oo naman!”
Ayon kinarir namin ang magbahay-bahayan. Nanay ako, Tatay sya.. tapos pulot gata. Minsan sa’min.. Minsan sa kanila.. Depende kung sa’n konti tao..
Bakit ako pumayag kahit na ang bata pa namin? Ang tangang sagot pero eto yung totoo.
Kasi mahal ko sya.
Mahal na mahal ko sya.
Saka gusto ko rin naman yung nangyari, bakit ko pa ikakaila? Hindi naman ako ipokrita para sabihing pinilit ako o ano.. Kasi ginusto ko rin naman talaga. I loved it. Because I loved him.
Hanggang magcollege, magkasama pa rin kami. Napagdesisyunan kasi ng mga magulang ni Luke na pag-aralin sya sa maynila.. At ganun din ang mga magulang ko sa’kin. Nakatira kami sa isang apartment, lingid sa kaalaman ng mga magulang namin.. para na rin makatipid ako. Sabay na pumapasok at umuuwi. Lumalabas paminsan-minsan.. Ganun na yung daily habit naming dalawa.
Pero hindi ko akalaing makikita ko yung tunay na ugali nya. HIndi pala sapat yung halos apat na taon naming pagsasama para makita ko yung ugaling yon..
Kung kailan ko sya kailangang-kailangan saka sya nawalang parang bula.Kung kailan gulong gulo ako.. Hindi ko alam kung anong gagawin ko..
Kung kailan kailangan ko ng sandalan, ng lakas..
Saka nya ko iniwan.
After four years.. Isama na yung isang taong panliligaw nya..
He dropped me like a fucking hot potato.
And the cause?
He got me pregnant.