IRA

1K 31 5
                                    



Pagdating ko sa classroom, sakto lang din yung Prof na dumating. Nakacorporate attire akong pumasok, magbibihis na lang ako after class.

“Good afternoon class, shall we proceed to the reporting now?” Tumayo naman ako para ayusin ang projector na gagamitin ko sa report ko. Pumunta sa pinakalikod ng classroom Si Prof at  saka umupo sa siang bakanteng upuan doon.

“Ms. Velasco, you should’ve prepared that earlier. I believe lunch niyo lang naman before my class.”

Pag sinabi ko bang first class ko ‘to at may anak pa kong inasikaso para pumasok aside dyan sa punyetang report nya, excuse ba ko? Malamang hindi, walang puso ‘tong Prof na ‘to eh. “I’m sorry Sir..” Pag sumagot pa ko, baka hindi na talaga ako makapagpigil.

“Submit a softcopy of your report after class.”

“Yes, Sir.“ Naghanda na talaga ako ng soft copy.

“Please proceed with the reporting now.”


Tumayo na ako sa platform at sinimulan ang report. “Good afternoon classmates, Sir Buenaventura. I’m Janice Velasco and I’m here to report about Biochemistry.” Nagbuntong hininga ako ng konti tapos ngumiti. Yeah.

“Biochemistry, sometimes called biological chemistry, is the study of chemical processes in living organisms, including, but not limited to, living matter. The laws of biochemistry govern all living organisms and living processes.” At dahil wala naman syang hand-out na binigay, san pa ba ako kukuha? Eh di sa legendary wikipedia. Although nagbasa rin naman ako ng ibang reference, mas madaling intindihin yung nasa net.

“Without the aid of wikipedia, what is Biochemistry for you, Ms. Velasco?”


“A-aahh.. Sir, I believe that Biochemistry is the study of structure, composition and chemical reactions of substances in living organisms, Sir.” Paksyet. Aaga yata buwanang dalaw ko dito.

“You just rephrased your statement a while ago.”

MALAMANG! Alangang meaning ng Biology ang ibigay ko sa kanya. Syempre irerephrased ko lang yun base sa pagkakaintindi ko. “Para po mas mababaw at madaling maintindihan ng mga classmates ko. Syempre sila po yung makikinabang sa mga pinagsasasabi ko.” Totoo naman.

“In english..translate everything in english.”

Napatingin ng mataimtim sa Prof ko.. Magtimpi Janice, hindi nya alam ang kanyang ginagawa.. “For the benefit of my classmates, I rephrased my statement in an apprehendable manner, Sir.”

“Apprehendable? Whom are you gonna take into custody?” With that fucking evil smile, I knew can't win.

Yung anak ko? Haha. Napalingon kila sa table nila Vincent. Napatango lang si Alice na parang pinapalakas ang loob ko. “Apprehendable.. I mean in an understandable manner.”

“Okay, you’ve wasted enough of my time here. Better submit your softcopy after class. And I’m sorry but you didn’t pass on this one.”

Isa-isa nang nagsilabasan yung mga studyante. Given naman yun, halata namang nagtotroll lang sya kaya kahit anong gawin at paliwanag ko, hahanpa at hahanap sya ng butas para ibaon ako.

I quickly fixed my things nang lumapit sa’kin si Sir. “By the way Ms. Velasco--your attire is kinda formal for just a report that you’ll gonna fail.”

Kahit asar na asar ako, ngumiti pa rin ako sa kanya. “Thank you for appreciating my attire, Sir. Good day,” Saka ako tumalikod at umalis.

“I hope you won’t flank Anatomy and Physiology.”

Narinig ko ang sabi nya kasabay ng mahinang pagtawa.

Sarap pektusan sa ngala-ngala.

Paglabas ko, hinihintay na 'ko nila Zeke.

"Ano? Kaya pa?" Tanong sa'kin ni Vincent.

"Ang tagal ni L dispatsahin, sabi nang unahin na sa listahan yang Prof na yan."

The Proxy Dad - Janice VelascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon