Nakaupo ngayon sa bus ang dyosa at paluwas sa Maynila para mag-aral ngayong second semester. Kailangan daw maranasan ng dyosa ang hirap ng mga taga lupa para makisimpatya sa mga ito, chos ulet. Haha. Umuuwi talaga ako every end ng semester para magbakasyon at mapag-unwind dahil nakakastress sa maynila dahil sa dami ng tao at grabe ng polusyon.
Sa probinsya, sariwa ang hangin dahil sa mga malalaking puno na lumilinis sa hangin, isabay na rin ang mga ligaw na damong nagkalat sa paligid. Ayoko nang magdiscuss ng photosynthesis, baka nagdudugo na ilong nyo sa kagandahan ko, lalakas pa yung agos nyan sa ididiscuss ko.
Pagdating ko sa bago kong apartment nilapag ko lang sa sahig yung mga gamit ko saka humilata sa sofa. Napagod ang dyosa sa byahe. Kailangan kong lumipat ng apartment dahil na phase ako ng cost-cutting. Ayokong lumaki yung binabayaran ko dahil ilalaan ko syempre yung pera sa pag-aaral ko. Nakakahiya naman sa Nanay at Tatay ko kung magpapakasasa ako sa perang ipinapadala nila.
Mag-aayos pa yan ng mga gamit bago makapagpahinga nang tunay. mas malayo ‘to ng konti kaysa sa dati kong tinutuluyan pero okay lang, kasasabi ko lang. Kailangang makisimpatya sa mga tagalupa.
Nagdesisyon na kong bumangon para maghanda ng pagkain.. Syempre para sa sarili ko lang. Malungkot akong nakatira dito sa apartment kaya.. ayon. Tigang ang dyosa mo. Hahaha!
Nadaan ako sa malaking salamin na inilagay ko sa dingding.. Bigla akong nagulat.
Ganito pala ako kaganda?
Akalain mo yon?
Naniniwala rin akong nakakahawa ang kapangitan. Kaya nga hindi ako lumalapit masyado sa mga tagalupa, pili lang ang nilalapitan ko. Pero ang aking kagandahan--di rin pwedeng ipamudmod. Wag kang inggitera. Ako na talaga ang maganda. Alam ko na yon, matagal na, nakakainis na nga minsan eh..alam ko na ngang maganda ako, pero pinapamukha pa talaga nila.
Lalo nga daw akong gumaganda araw araw pero tinatanggap ko na lang. No choice.
Dumiretso na ko sa kusina nang magring ang phone ko.
♩♪♫ Ayan ka na naman.. tinutukso-tukso.. ang aking puso.. ♩♪♫
Ringtone ko yon, kyot di ba? Ang sexy lang pakinggan? hehe. Sinabayan ko pa ng kanta. “Ilang ulit na bang iniiwasan ka.. Di na natuto..” Saka ko sinagot yung phone.
“Hello? ‘Nay?”
[Janice, Dyan muna si Ira ha?]
“Okay lang ‘Nay. May pupuntahan ka ba?”
[Nako, hindi. Alam mo namang ilang araw nang nangungulit si Luke na makita kayo di ba?]
Pinasabi ko kay Nanay na hindi nabuhay yung bata pero nangungulit pa rin sya na magkausap daw kami. Sabi nang ayoko na syang makita. Baka mapatay ko lang sya. “Bukas kayo pumunta dito. I-eenroll ko na rin sa preschool si Ira para kapag may pasok ako, may mag-aalaga.”
[Dyan na kayo titira ni Ira?]
“Oo ‘Nay. Pero pwede naman kayong magbakasyon dito o kaya kunin nyo si Ira kung namimiss nyo.. Pero wag ngayon. Nandyan ang hudas sa Pangasinan. Ang kapal ng mukhang magpakita.”
[Gusto ko ngang sakalin nung nakita ko.]
Natawa ako. “Sana pinalapa nyo na sa aso natin, Nay.”
Natawa rin si nanay. [Oh sige, may pasok ka bukas di ba?]
“Umaga na kayo umalis para masundo ko kayo.”
[Oh sya, mag-eempake na kami’t magpapahinga. Mag-ingat ka dyan, anak. Malapit ka lang naman sa palengke di ba? Kumain ng maraming gulay.. Matulog sa oras.. Mag-aral, ha?]
“Oo naman ‘Nay. Kayo din, mag-ingat bukas.”
[I love you, Janice.]
“I love you too, ‘Nay.”
Napangiti ako. Si nanay talaga. Bente dos anyos na ko pero kung makapagpaalala, parang disisyete lang ako.
May palayan kami sa Pangasinan kaya nakakapag-aral ako dito sa Maynila. Magaling magpaikot ng pera ang Tatay ko kaya nakakaalis din kami nila Nanay paminsan-minsan. Hindi katulad ng unang impresyon ng mga tao, nag-iisang anak lang ako. Hindi na raw kasi kaya ni Nanay na magkaanak pa dahil matanda na sila nang mabuntis si Nanay sa’kin.
Siguro nagtataka kayo kung bakit second year college pa lang ako pero bente dos na ko..
Pangalawang kurso ko na ‘tong nursing. Una business course ang kinuha ko. Natapos ko naman sya pero gusto ko kasi mangibang-bansa. Gusto ko ng mag-ipon para hindi na mahirapan ang mga magulang ko. Saka ang tanda ko na para pumisan pa sa kanila. Gusto ko ring pag-ipunan yung kinabukasan ni Ira. Kundi dahil kay Ira, I wouldn’t realize how douchebag Luke is. I mean that fucking asshole?
Anyway, May palayan kami, pero hindi kami mayaman. Sapat lang para mabuhay at makapag-aral ako sa isang pribadong eskewlahan, simula elementary hanggang highschool. At dahil maganda nga ako, lumuluhod talaga sa tapat ko yung mga lalaki para lang makapanligaw sa’kin.
Yes. manliligaw pa lang yon, hindi pa boyfriend. Batch sila kung pumunta sa bahay pero sinasaraduhan ko sila ng pinto dahil hindi pumapatol ang dyosa sa mga taga-lupa. Lagi akong may chocolates at flowers sa ibabaw ng desk ko.. take note, araw-araw yon, iba iba pa ang nagbibigay.
Wala e, dyosa ako.
Pero nayanig ang katawang lupa ng dyosa nang manligaw ang isa sa varsity ng eskewlahang pinapasukan ko.
Si Luke Alvarez.