Bigla akong napatayo sa pagkakahiga dahil naalala kong gumagawa pala ako ng assignment.
Ay, bakit ako napabangon? Di ba nakatungo ako sa mesa?
Bakit nasa kwarto ako?
Lumingon ako sa gilid ko at nakita ko si Ira na mahimbing na natutulog. Inabot ko naman yung phone ko sa side desk at tinignan ang oras: 3: 47 AM.
medyo nag-inat ako at lumabas ng kwarto. kailangan ko pang tapusin yung assignment ko.. maingat na nakaayos yung notebook at gamit ko sa mesa. nang buklatin ko yung notebook ko..
Tapos na yung assignment ko. Tinitigan ko pa mabuti, baka nagkakamali lang ko ng tingin.
Shet. tapos talaga eh. Pagkarating ko sa last question,
You have to cook Kare-kare for me as a payment for doing your assignment. :)
- Kyle
Ayy... Buti na lang at nabasa ko agad..
Agad akong pumunta ng palengke at namili ng ingredients para sa kare-kare. Naisip ko rin sanang ayain si Kyle sa La Mesa Ecopark. Pa-thankyou na rin sa paggawa nya ng assignment ko at pasorry na rin kahit ang alam ko eh ang kasalanan ko lang talaga ay naiwanan ko yung pinto na hindi nakalock at hindi pa nya inuuwi yung aircon nya. nagulat talaga ako sa ‘security’ part. Ano to, magtatayo sya ng sarili nyang PSG? hahaha.
Nagmadali na kong umuwi para mapakuluan ko na tong laman at syempre baka gising na rin si Ira.
Agad akong naghanda at nagpakulo ng laman. Saka ako naghiwa ng mga gulay. Nang maramdaman kong nagvibrate yung phone ko sa bulsa ko, agad ko namang tinignan iyon.
Kyle
Let’s go to church, get ready. Sunduin ko kayo by 7:30. :D
Ang taray ng lolo mo, may smiley. haha. Parang ang ganda ng gising ha?
TO: Kyle
Anong gagawin mo after mass? Picnic with Ira? Pa-thank you na din sa kagabi. :)
Sinilip ko naman yung pinapakuluan ko.. malapit na syang maluto.. Yehey. Umilaw ulit yung phone ko.
Kyle
I thought about going to the mall, pero mas okay narin siguro ang picnic. Where?
TO: Kyle
La Mesa Ecopark?
Kyle
Ah, sure, maganda nga sa park na yan..Ira will surely enjoy.
Baka namimiss na rin ni Ira yung probinsya kaya dun ko rin naisipan magpicnic.
TO: Kyle
Oo nga eh.. So, 7:30?
Kyle
Yeah, and one more thing; can I ask for something pala?
Parang alam ko na to.. hehe.
TO: Kyle
Sure. Ano yon?
Kyle
Kare-kare.. :D
Akala ko kung ano na, sayang. haha! De, joke lang. Kare-kare talaga yung nasa isip ko.
TO: Kyle
Niluluto ko na po.. :)
Kyle
Wow, thanks! See you later. :)
Maya-maya nagising na si Ira, buti nakapag-ayos na ko ng kakainin namin. Nilagay ko sa picnic basket yung Kare-kare na niluto ko kasama na rin ng iba ko pang hinanda.. mamaya ko na sasabihin kung ano. Para may thrill. haha.