Mall

1K 28 4
                                    

 A/N: pasensya na, Hyper ko masyado kaya pati si Janice kinausap ko. hahaha!

Pag sinabing ‘Father’ dapat kinikilig ang mga readers? Hindi pwedeng ‘Father’ sya sa anak ko pero parang ang labo maging ‘Husband’?

Nagsabi lang ako ng konti, biglang lumaki.. parang mga labandera sa batis na walang ginawa kundi magchismisan. Haha!

Oh sige! Ako na KJ! Wag ka na magbasa! haha. Kikibasa ka na nga lang, magrereklamo ka pa.

Masama loob ko!

Tigang kasi ako! HAHAHA!

Yun pala yung dahilan eh no? Nako, Ayoko maging asyumerang palaka dahil dyosa ako. Pag na-carried away ako, kasalanan nyo. Isang beses na kong na-carried-away, nadisgrasya pa. Okay na ‘tong pamanyak-manyak paminsan-minsan, kahit bitin at least in my dreams, satisfied. hahaha! Saka ang pinakaperks nun, walang mabubuo. Tama di ba? Sino disagree?

Oh sige, try nyo mabuntis at manganak. Dagdag mo pa yung responsibilidad ng pagpapalaki ng bata, tignan natin kung hindi ka mataranta.

Ano bang pinagsasasabi ko? Etong si author parang tanga. Hindi ko nga alam kung bakit sinusunod ko yang si Erin, eh di hamak na mas matanda ako sa kanya.

*ANO TO? BASTUSAN JANICE?! HIndi na kita itutuloy, makatanga ‘kala mo matalino sya. Ako ba nagkaanak na? --Erin*

HAHA! Etong si Author, hindi na mabiro, ang ganda nito eh. Pero syempre mas maganda pa rin ako. Pero isang paligo lang. Oh yan, idinikit na kita sa dyosa, baka magreklamo ka pa.

Pa'no palabas na lang ako galing sa classroom, kung ano-ano pa kasi pinapagawa mo sa’kin. Ang sabi ba naman, halayin ko na daw si Kyle,

MAY GAWD! 

AKO PA?

ANG DYOSA PA?!

Halayin yer face. Ako pa first move? Pwede ako muna halayin nya tapos saka na ko aangal pag tapos na? HAHAHA!

TEKA NGA! Walang halay-halay. Kakasabi ko lang na ayoko mag-carried away, tapos may halayang magaganap?

“Ay HALAYIN!” Napatalon pa ‘ko sa gitna ng paglalakad ko. Nagvibrate kasi yung phone.

Nang tignan ko,

Kyle

Janice okay lang ba kung ayain ko kayo this coming Oct. 31 to Nov. 4?

Napaisip ko. May pupuntahan ba kami sa undas? parang wala naman.

TO: Kyle

Hmm.. Magpapaalam ako kay nanay. Sa’n ba?

Text ko habang naglalakad. Malayo-layo pa yung lalakarin ko kaya hindi pwedeng tumambay. Haha. Nagvibrate ulit ang phone ko.

Kyle

May small island ang mga Zaldivar, baka doon tayo pumunta.

Nanlaki yung mata ko sa ‘island ng mga Zaldivar.’ Grabe lungs.. Kung nagtataka kayo, middle name ni Kyle yung Zaldivar. Pa’no ko nalaman? Well, I have my sources.. <Insert evil laugh here.>

TO: Kyle

Tatawagan ko lang si nanay.

Kyle

hope pwede kayo nun ni Ira, she’ll surely have loads of fun, para makakilala narin sya ng bagong kalaro..hehe.

Agad akong tumawag kay Nanay.

“NAY!”

[DYASKENG BATA ITO! Bakit ka ba sumigaw?]

“Hehe. Nay, aalis kami ni Ira sa undas.”

The Proxy Dad - Janice VelascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon