Maaga kong sinundo si Nanay at Ira sa terminal ng bus para hindi ako malate sa klase ko saka kami dumiretso sa apartment. Mabilis na rin kasi mapagod si Nanay kaya iniuwi ko muna sya sa apartment.Saglit lang akong nag-ayos at nagbihis para pumasok, isasabay ko na rin sa pag-eenrol ni Ira sa preschool na malapit lang din sa tinitirhan ko.
“Ma’am, october na po. Hindi na po kami tumatanggap ng enrollees.” Heto ang bungad na sa’bi sa’kin ng cashier nang mag-inquire ako sa school.
“Pwede bang makausap yung teacher sandali?”
Sobrang kinulit at kinausap ko pa yung teacher bago ko sua napa-oo. Ang sabi ko isaling pusa muna sya, at yung kaya namang makipagsabayan ni Ira sa lesson ipasok na sya as preschooler.
Tumingin ako sa relo ko, sapat pa ang oras ko para maiuwi si Ira at makapasok ng school. Ang nakakabanas lang eh yung jeep na nasakyan namin.
Biruin mong lahat ng kanto hinintuan?! Naghihintay pa ng pasaherong hindi naman dumadating?! Kakahighblood! Nung hindi ako makatiis, bumaba na kami ng anak ko para sumakay ng tricycle. Nag-iisip na nga ako kung isasama ko si Ira sa school.
Hanggang sa makarating kammi sa apartment, inutusan ko na lang si Ira bumaba ng tricycle at pumasok ng bahay. Matalino naman yung anak ko,
Saka na 'ko nagpaderetso sa school. Pagbaba ko sa trayk, nag-abot ako ng 50 pesos.
“Miss, 100php po.”
“ANO?! MAY TUBO BA BAYAD SA’YO? Kaano-ano ka ng may-ari ng Tambunting?!”
“Ang layo kasi.”
Agad akong kumuha ng singkwenta pesos sa bulsa ko saka ibinigay kay manong, “Ayan, matapos lang!”
Hinihingal pa talaga ako sa sobrang takbo, hayop na hallway yan, ang haba. Pagdating ko sa classroom,
"--I'll mark her absent.." Narinig kong sabi ng teacher.
"SIR! SORRY I'M LATE!" Bongga lang yung pagkakasigaw ko. Malay mo hindi nya ko marinig? hehe.
"Who are you?" Tanong nya sa’kin.
"Janice Velasco po." I smiled at him.
"You're late, Ms. Velasco."
"Sorry po talaga Sir! Kasi yung nasakyan kong jeep lahat ng kanto hinintuan tapos nagkaroon pa ng agawan sa tricycle kaya nagkagulo sa terminal.. ang lakas pa ng loob ni Manong na singilin ako ng mahal.. " Pag naiisip ko.. Nakakaramdam ako ng bad vibes.. Grrr...
"This'll be the first and last warning Ms. Velasco. I don't tolerate late students in my class."
"Hindi na po mauulit."
"You may now take your seat."
Saka ako pumunta sa table namin nila Alice. "Please answer pages 34 to 40 on your Lab Manual and submit it before 9am tomorrow."
"--Ms. Velasco, since you are late, I want you to report Biochemistry next meeting. Make a presentation."
The fuck?! Isang beses lang ako nalate ah?
"Let this be a warning for all of you..be late, but never in my class." Dugtong pa nya..
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. "S-sir?! Teka lang! Ilang minuto lang ako nalate ha!"
"You're free to drop my class anytime, Ms. Velasco." At nakipaghamunan sya ng titig sa’kin.
Kundi lang dahil sa anak ko.. Ngumiti ako. "Next meeting Sir? Okay." Saka ako umupo.
"Be prepared." He smirked at me!
BADTRIP!
"--I shall see you next meeting, class. Goodbye." Saka nya inayos ang gamit nya at lumabas.