A/N: Sabi ko sa inyo, spoiler to ng Viper eh.. Yun nga lang bitin. hahaha! ngayon ko lang nasort out yung timeline ng Viper at TPD kaya ngayon ko lang din nalaman ang mga rekasyon nila.. Saree. haha.
Si Alice, Vincent at Avery ay makikita nyo sa Viper.. Gawa ko din po yun.
Erin ★
**************************************************
Pagdating ng Wednesday, inimbitahan ko sila Alice, Vincent, Avery at Zeke sa bahay para makita si Ira. Nagkataong may lakad si Zeke kaya tatlo lang silang nakapunta.
Dinaanan pa kami sa grocery store para bumili ng mga chichiria at kutkutin dahil balak naming manood ng movie, saka namin pinuntahan si Ira sa preschool.
“Who’s them?” Tanong ng anak ko nang makita sila Alice. Ala-singko nang hapon ko na rin nasundo si Ira.
“Friends ni Mommy.. Si Ate Alice,” Kumaway naman si Alice. “.. Si Ate Avery,” Ngumiti lang si Avery, “At ang future daddy mo, si Papa Vincent.” Natawa naman si Vincent sa’kin.
“Future Daddy?” Napasimangot si Ira.
Kinuha naman ni Vincent si Ira sa’kin.. Surprisingly, sumama ang anak ko. “Nagbibiro lang ang Mommy mo. I’m Kuya Vincent. What’s your name?” Parang.. mas okay tignan pag si Kyle ang may buhat sa anak ko.
Ano ba tong naiisip ko?
“My name.. is.. Ira Lynn.. Velasco.” Tapos ngumiti yung anak ko. Magtigil ka nga Janice. Kung ano ano ang iniisip mo. Haha.
“ANG KYOT!” Sabi naman ni Alice.
Para kasing mas tatay tignan si Kyle kaysa kay Vincent. Sa bagay, bata pa ‘tong si Vincent.. Pero yummy ah. Ayaw ng lang talaga ako patulan nito. Hahaha! Di bale, okay lang. Hindi na sya type ko. HAHAHA!
Habang naglalakad kami papunta sa apartment, tanong ng tanong si Vincent kay Ira. Sagot naman ng sagot yung anak ko.. Hindi ko akalaing mahilig din sa bata si Vincent.
Pagdating namin sa apartment, agad kong inayos yung kakainin namin para sa hapunan. At dahil kasama si Ira, Happy Feet ang pinanood namin. “Ayusin nyo na yung DVD dyan. Walang magkakalat ha?”
Lumalabas talaga yung motherly instincts ko pag mga bata ang kasama ko.
Pagdating ko sa sala, kanya kanya na silang upo sa sofa. Si Vincent, nasa gitna nila Alice at Avery, hawak si Ira. Si Avery naman hawak yung Cheese Ring. Hindi pa nga nagsisimula yung palabas, kumakain na. Si Alice naman busy sa pagkikipaglaro kay Ira.
Ako yung may ari ng bahay, ako yung nawalang ng upuan. Nilapitan ko si Vincent, “Hoy, sa lapag ka umupo. bahay ko ‘to.”
Lumipat naman sa sahig si Vincent at sinimulang i-play ang movie saka sumandal sa mga binti ni Alice pero dala pa rin nya si Ira. Yumuko naman si Alice para laruin si Ira mula sa likod ni Vincent...
Ang kyot nila! haha. Para silang pamilya. Ang ganda talaga ng anak ko, parang ako lang.
Sa kalagitnaan ng movie, sinipat ko yung anak ko.. Napagod ata sa school. Natulog na kay Vincent eh. haha. Nakahilig na sa’kin ni Avery habang nakataas na yung binti ni Alice. Bale sa sofa na lang nakasandal si Vincent pero nakalapat yung ulo nya sa binti ni Alice.
Malapit na yung katapusan ng movie nang mapansin kong natutulog na rin si Vincent. Nang tignan ko si Alice, “Hindi ka ba nahihirapan dyan?” Kasi nga kanina pa nakasandal sa binti nya si Vincent.
“Eto na nga lang yung magagawa ko para sa kanya..”
Sa bagay, sa dami ng ginawa ni Vincent para kay Alice, wala pa yang pagkakangawit ni Alice. haha.