Second Sunday

1K 30 5
                                    

Naging daily routine na namin ni Ira ang paghatid ko sa kanya sa preschool at pagsundo ko ng late dahil nga nag-aaral ako. Sinabi ko naman dun sa teacher nya na malelate ako lagi ng sundo sa kanya at naiintidihan naman daw nya.

Sa gabi, sabay kaming gumagawa ng homework ni Ira, madali lang naman syang turuan saka nakikinig naman sya sa’kin.

Saturday night, tinawagan ako ni nanay.

“Okay lang ba kayo dyan?”

“Opo ‘Nay, wag kayong mag-alala.”

“Si Ira? Hinahanap pa rin ba yung tatay nya?”

Ayon, sapul. Aahh, patay.. “Nay,”

“Oh? kung hindi mo kayang patahanin--”

“Nay. A-ano..” Sasabihin ko ba?

“Ano?”

Medyo lumayo ako kay Ira na nanonood ng TV. “E kasi Nay.. Dumating yung Prof ko nung linggo para bisitahin si Ira.”

Oh, eh di speechless din ang nanay ko. “O-oh..?”

“Anong ‘Oh’ ‘Nay?”

“A-ano daw sabi?”

“Ewan ko nga ‘Nay eh. parang okay lang naman sa kanya. Masaya pa nga sya nung kausap si Ira.”

“Eh baka naman may pamilya yang Prof mo, lumayo ka dyan, Janice.”

“Parang wala naman, Nay. Kasi hindi naman yun pupunta ng linggo nang may pamilya yun. Saka buong araw sya nandito, hindi ko sya nakitang tumingin sa phone nya.” Yung bandang huli lang.. Yung..pag sinabi ko kay Nanay, tyak, luluwas yun para lang sabunutan ako.

“Anak..”

“Eh anong gagawin ko Nay? Kung nakita nyo lang kung gaano kasaya si Ira nung makita nya yung Prof ko.. Binibigyan ko lang ng kasiyahan si Ira, Nay.”

“Tapos ano? Pa’no mo sasabihin sa bata na hindi naman sya ang tunay na ama? Pa’no pag bigla na lang sabihin ng Prof mo na hindi na sya magpapakita kay Ira ulit? Mas masasaktan lang yung bata sa ginagawa mo.”


“Nay..”


“Mag-isip ka nang ilang milyong beses, Janice. Dahil sa pagkakataong ito, hindi lang ikaw ang masasaktan, dalawa na kayo ng anak mo.”

___________________________________________________________________



Pagsapit ng linggo, habang kumakain kami ni Ira, nagtext si Kyle.



Kyle

Magprepare kayo ni Ira. We’ll be going out. Daanan ko kayo 9 sharp.



Naligo na kami ni Ira bago pa man sya magtext kaya nagbihis na lang kami at nag-ayos ng gamit para dalhin. Saktong 9am dumating sya at umalis na kami.

Sya na may dalang yaya pag aalis. Haha.

Pagdating ng SLEX, nagtanong si Kyle kay Ira. “Are you ready, Princess?”

“San tayo pupunta, Daddy?” Tanong ni Ira.

“Uhm, hulaan mo..”

“Hmm.. Are we going to school?”

“It’s Sunday, Princess..walang pasok..” Sagot ko naman

“I could give you clue, hmm of course masaya sa pupuntahan natin.”

“Masaya??” Parang nagkastar yung mga mata ni Ira at pabalik-balik yung tingin nya sa’ming dalawa.

“Well I’m sure mageenjoy ka dun!” --Kyle





Akalain mung sa Enchanted Kingdom pala kami pupunta?! Haha. Kung saan-saan kami hinatak ni Ira. Sa Carousel, Hot Air balloon, Swan Lake, wheel of fate, bump car.. basta ang dami. Sumakay pa kami sa tren na maliit., hindi ko alam kung anong tawag dun. Sa sobrang hyper ni Ira, alam kong sobrang saya nya.

Tapos nun kumain kami ng lunch at nagpahinga ng konti tapos gora na naman ang anak ko. Buti na lang talaga may yayang dala si Kyle, kundi sasakit ang lalamunan ko kakasigaw kay Ira. Nag-ikot pa kami para bumili ng mga souvenirs, sana walang makapansin ng--


“Uy, may haunted house na pala dito..tara try natin kung nakakatakot nga?”

The Proxy Dad - Janice VelascoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon