Chapter 2: What's up Boracay!

93 5 0
                                    

CHAPTER 2:

ALEX'S POV

Nang matapos ang kasal sa simbahan nina Mr. and Mrs. Cruz nagsimula na ang pagdagsa ng mga bisita sa reception, nakaatas ako sa pag check ng mga bisita at kung saang table sila. Nung una ay maayos pa ang pag-aasikaso ko dito pero bigla na lamang may nag buga ng usok ng sigarilyo sa mukha ko. Halos maubo ako sa usok na 'yon bukod sa ayoko talaga sa sigarilyo ay may asthma din ako.

"Hey, where's my seat? maangas na tanong ng foreigner.

"Do you have your invitation?" nakangiti kong tanong sa kanya.

Napaismid ito at humithit ulit ng sigarilyo at pinausukan ako, sa oras na ito ay nakalanghap ako ng usok at halos maubo ako. Pinagdadasal ko na hindi matrigger ang aking asthma dito dahil sakit ito sa ulo na mangyari sa reception.

"Sir, please if you don't have your invitation then I guess you're not on the lists" matigas kong pagpapaliwanag sa kanya pero ngumiti lang siya at humithit ulit ng sigarilyo, tinulak niya ako kaya napaupo ako sa upuan.

"You are just a mere fucking staff here!" binugahan niya ako ulit at tila susundan pa ng sampal, napapapikit na lamang ako, pero nagtataka ako dahil walang dumapi sa pisngi ko. Sa pagmulat sa mga mata ko nakita ko na lamang na nakadapa na ito at hawak hawak ng isang lalaki ang kanyang mga kamay. Nakita ko namang nakatayo sina Mr. and Mrs. Cruz sa harap ko. Agad naman akong chineck nila Andy at Patty kung okay lang ako.

"Tell me, do you have your invitation?" matikas na tanong ng lalaki. Umaray ang foreigner sa sakit siguro na nararamdaman niya.

"No, no, no! I am not invited, I am so sorry!" naiiyak na paliwanag nito, agad naman siyang tinayo ng lalaki at inilapit sa akin.

"Apologize" seryoso niyang sabi. Agad naman itong humingi ng sorry at saka umalis. At sa pagkakataon na 'yon ay inatake na ako ng aking asthma. Nagmadali namang kinuha ni Patty ang aking inhaler, nakakahiya sa lahat ng ayokong mangyari ay atakihin ako ng aking asthma.

"Sige na nakakahiya kala Ms. Bettina, kaya ko na 'to" habang umiinhale ng nebulizer. Habang busy ako sa pag-inhale ng gamot ay di ko napansing may nakatayo sa harapan ko, yung lalaking tumulong sa akin kanina. Binigyan niya ako ng tubig, nagulat din ako ng siya na ang umasikaso sa mga bisitang naghihintay para makapasok sa reception.

"Please just go straight ahead and kanan po. Thank you" nakangiting paliwanag nito sa mga bisita. Nang maramdaman kong okay na ako ay lumapit ako sa kanya.

"Maraming salamat, ako nang bahala dito" nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin lang siya at saka pumasok sa loob. Napaupo naman ako at nag-inat inat ng kaunti. Pumasok na ako sa loob dahil wala naman ng bisita ang dumadating, halos lahat ay nakapasok naman na. Agad kong tinulungan si Andy sa mga regalong binibigay sa couple.

"Okay ka na ba, girl?" tanong niya sa akin.

"Oo okay na ako, pasensya na kayo ngayon na lang ulit nangyari 'to" naiinis kong sagot sa kanya. Niyakap naman niya ako at kiniss sa noo. Naging maayos ang kasal ng couple. Naging masaya din ang program sa reception, at halos umuwi sa kani-kanilang hotel ng may ngiti ang mga bisita. 

Habang nag-aayos ng ibang mga gamit napansin ni Andy at Patty ang mga kasama ni Mr. Adam. Dahil sa dakilang marites itong mga ito ay lumapit sila sa mga ito. Agad naman silang napansin ni Mr. Adam at agad pinakilala sa mga kasamahan niya.

"Oh I would like you to meet our wedding coordinators. This is Andy, Patty and.." at sinipat sipat ako ni Mr. Adam, pinalapit niya din ako para maipakilala.

"And this is Alex" nakangiti niyang pagpapakilala sa mga kasamahan niya. Nakita ko naman yung lalaking tumulong sa akin na may kausap sa cellphone. Siniko ako ni Andy at bumulong.

"Friend ang yuyummy! Ang lalaki ng mga tattoo" kinikilig na sabi niya. Natawa naman ako at kinamayan ang mga kasamahan ni Mr. Adam. Nagpaalam na ako at nag-ayos muli ng mga ilang gamit. Nang matapos na kaming mag-ayos ay dumiretso na kami sa aming hotel room. Humiga muna ako at di ko namalayang nakatulog na ako.

Pag gising ko ay di ko na mahagilap sina Andy at Patty, nakita ko na lang ang kanilang note na nauna na silang maglagalag at kontakin ko na lamang daw sila once na nagising na ako. Nagpalit ako ng damit at lumabas na ng hotel. Bigla ako nakaramdam ng saya, saya na makakita ng mga ilaw, ingay ng mga tao sa paligid at higit sa lahat ang tunog ng alon.

Naisip kong hayaan na lang muna sina Andy at Patty na magsaya, umupo ako sa tabi ng dalampasigan. Doon tinamaan ako ng pagiging emosyonal. Minsan nagtatanong ako kung bakit nangyayari yung mga ganong bagay sa akin, pero mas marami naman akong ipinagpapasalamat. Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ko, siguro nga inilayo lang ako ng panginoon sa maling tao.

"I can go through this, ako pa ba? Strong ka Alex!" sinabi ko sa sarili ko habang umiiyak. Maya maya pa'y may umakap sa akin.

"Hey!" sigaw ko. Nagtawanan sila Andy at Patty, nang makita ko silang dalawa ay mas lalo akong naging emosyonal.

"Hoy! Anong nangyari, akala ko ba move on na tayo?" natatawang tanong ni Andy, pero nakiiyak na din siya sa akin. Niyakap nila ako ng mahigpit.

"Sorry! Iba yung dating ng dagat! Nakakaiyak" umiiyak kong sabi sa kanila. Napatigil naman ako sa pag-iyak ng makita kong may mga kasama sila. Hayop 'tong dalawang ito di man lang sinabi na may kasama, emote-emote pa ako ng malala.

"Napakagag* niyo talaga" nagmadali akong tumayo at nagpunas ng mga mata. Nakangiti naman si Andy at pinakilala ang mga kasama nila.

"Alex this is Sir Brent, Sir Marcus, Sir Andrei and Sir Scotty" masayang pagpapakilala nito. Ngumiti naman ako at nakipagkamay sa kanila. Nagkayaan sila na magpunta sa isang bar para mag-inuman. Sa totoo lang di ako mahilig sa ganitong mga lakad pero dahil na sa boracay ako, wala na akong pakielam magpapakasaya ako.

Habang naglalakad napansin ko kung gaano naging close sina Patty at Andy sa mga kasamahan ni Sir Adam sa trabaho, lalong lalo na si Andy sobrang saya niya talaga. Ang buong akala ko naman ay ako lang ang nahuhuli sa kanila pagtingin ko sa aking likuran ay naroon si Sir Scotty tahimik na nagmamasidmasid sa kapaligiran.

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon