Chapter 6: My dear old friend

77 7 0
                                    

CHAPTER 6:

ALEX'S POV

"Halos tumulo laway ko sa pagkakakita kay Sir Scotty na bumaba sa sasakyan na magara mars!" kinikilig na kuwento ni Andy. Nakatingin naman si Patty sa akin at saka ito lumipat sa tabi ko. Tahimik lang ako habang pinakikinggan ang kinukwento ni Andy. Ilang beses akong bumuntong hininga at nireplay sa utak ko ang mga nangyari nung isang araw.

"Anong iisipin ng pamilya non, pagkakita nila kay Sir Scotty and how they mocked the person? Sobrang below the belt, di ko akalaing ganon kagrabe yung hate nila sa akin" malungkot kong sabi kala Andy at Patty.

"Ano naman kung body guard? Do they think na anak lang nila magaling sa mundong ito?" naiinis kong pagpapatuloy sa paglabas ng sama ng loob ko. Napatingin naman ako sa kanila at tinignan ng masama.

"And how dare you two na itago sa akin ang pagpunta ni Sir Scotty?!" naiinis kong sigaw.

"Sorry na okay? It was Andy's idea, umoo na lang si Sir Scotty. Best Actress kasi itong baklitang ito!" nahihiyang paliwanag ni Patty. Umirap naman si Andy at tumingin sa akin.

"Alam mo bes, after sana nito no more kitaan na with Robert and the wifey no? Let's focus on our growth, focus tayo sa pera! pera! pera!" natatawang sabi ni Andy. Niyakap ko naman sila ng mahigpit. It was nice to have someone na makakasama mo sa hirap at ginhawa. Habang nag-eemote kami ay bigla namang may nag-buzzer. Nagulat kami ng makita naming sila Sir Brent na naghihintay sa pintuan ng office namin. Mabilis namang tumakbo si Patty at pinagbuksan sila ng pintuan.

"Hi mga sir! kumusta kayo?!" galak na galak na pangungumusta ni Patty. Napairap naman si Andy at saka siya tumayo para bumati sa kanila, sumunod naman ako sa kanya.

"Wow ang laki pala ng office niyo ah?" nakangiting bati ni Sir Brent.

"May malapit kaming event dito, naisipan naming dumaan habang kumakain pa ang mga VIPs" paliwanag naman ni Sir Marcus. Napansin ko namang nagniningning ang mga mata ng kaibigan ko sa mga nakikita nila.

"Buti Sir natandaan niyo dito. Coffee? Juice? Water?" alok ko sa kanila.

"Water" sabay na sinabi ng dalawa, feel at home naman sila sa office at umupo sila sa sofa. Kumuha naman ako ng tubig at saka binigay sa kanila.

"Ano ibig sabihin ng Anty'lex" nagtatakang tanong ni Marcus.

Bigla namang tumawa sila Patty at Andy, takang taka naman ang dalawa.

"Name namin na pinagsama-sama sir" sagot ko.

"Nasaan pala si Sir Adam at Sir Scotty?" tanong ni Andy at sabay tingin sa akin.

"Si Sir Scotty na sa event din, si Sir Adam nasa boracay pa diba? Honeymoon stage" nakangiting paliwanag ni Brent.

"Huwag niyo na kaming tawaging sir, Brent at Marcus na lang!" paliwanag ni Marcus.

"Bet ko yan, Marcus" sabay kilig naman itong si Andy. Tumayo naman ang dalawa at nagpaalam na babalik na sila sa event na malapit dito sa office, hinatid naman sila nila Patty at Andy sa pintuan. Bigla namang nag-vibrate ang phone ko at nakita kong isang private number ang tumatawag. Kinabahan naman ako ng makita ito dahil baka si Robert na naman ito.

"Hello?" mahina kong sagot.

"Alex?" malalim ang boses ng lalaking kausap ko ngayon.

"Who's this?" napatingin naman sila Patty and Andy.

"This is Andrew Reyes, remember?" Andrew Reyes....

Agad akong napatalon sa kinauupuan ko at tinakpan ang speaker ng phone.

"Oh my god! Andrew Reyes?!" mahinang sabi ko kala Patty at Andy habang kinikilig sa sobrang saya.

"Of course, I remember you! Kumusta na?" masaya kong sagot sa kanya.

"I'm doing good, I'm here now in the Philippines! Do you have time today? Can we meet?" yaya sa akin ni Andrew.

Agad naman akong umoo, binigay niya sa akin ang detalye kung saan kami magkikita. Masaya akong makitang muli si Andrew, kaibigan namin siya ni Robert simula pa nung college pero umalis din papuntang America after ng graduation. Nagpaalam ako kala Patty at Andy na aalis lang saglit para kitain si Andrew, masaya naman nila akong pinayagan at ibinigay ang susi ng aking sasakyan.

Pagdating sa nasabing restaurant ay tila parang nasipat ko ang awra ng isang Sir Scotty pero dahil sa nagmamadali na ako ay di ko na ito muling tinignan. Agad namang tinuro ng staff kung nasaan si Andrew, isang matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. Sa sobrang pagkamiss ko sakanya ay di ko napigilang hindi siya yakapin. Pinaupo naman niya ako at tumawag agad ng waiter.

"Kumusta ka, Alex? You look so beautiful mula noon naman hanggang ngayon" nakangiting biro nito sa akin. Binigay niya sa akin ang menu, pero sinabi ko na siya na lamang ang umorder ng makakakain namin.

"We'll have this and this one, Sir. Thank you" nakangiting sabi niya sa waiter.

"Kumusta ang pag-aasawa?" nakangiti niyang tanong sa akin.

Pero bigla naman akong napaubo sa iniinom kong tubig.

"We broke up, few months ago..." paliwanag ko sa kanya habang pinipilit na ngumiti sa kabila ng awkwardness.

Napakunot naman ang mga noo ni Andrew at napailing.

"I thought you and Robert will get married this year.." hindi pa rin makapaniwala si Andrew sa nalaman niya.

"Actually he got married two days ago with Heidi" sagot ko sa kanya.

"Heidi? our college friend? your friend?!" naiinis niyang tanong.

"Yes..." sagot ko.

"Kung alam ko lang hindi ko na sana siya ininvite today, Alex.. I am so sorry" malungkot niyan sabi sa akin. Ngumiti naman ako at sinabing hindi magiging probleman ang pagkikita naming dalawa.

"Andrew?! Man!" sigaw ng isang lalaki. Paglingon naman namin ay nakita kong si Robert 'yon  Agad naman akong pinalipat ni Andrew sa tabi niya. Tumayo kami para salubungin at batiin siya.

"So good to see you man, and oh hello, Alex" nakangiting bati ni Robert.

Pinaupo na kami ni Andrew at nagsabing kumain na kami.

"Man, you look so great! Tamang tama I have something to propose to you! Because your company keeps on declining our proposal, baka mas mabuting dumirekta na ako sayo.." natatawa niyang bungad kay Andrew. Tahimik lang akong kumakain habang nagbabasa ng mga emails sa cellphone ko.

"So bakit di mo kasama ang fiancee mo, Alex?" nakangiting tanong ni Robert.

Napatingin naman sa akin si Andrew.

"I'll explain later, Andrew" nakangiti kong sabi sa kanya.

"What's his name again?" nag-iisip naman si Robert kung anong pangalan ng aking perfect fiancee.

"Oh wait, I need to answer this call, it's my brother" tumayo si Andrew at lumabas ng Restaurant.

"Alex, how are you? I missed you" nakangiting sabi ni Robert. 

"Dati ka bang g*g* Robert?" seryoso kong sagot sa kanya. Natawa naman siya sa akin at tinitigan ako mula ulo hanggang paa. Magsasalita pa sana siya pero dumating na sila Andrew. 

"Sorry, but I want you all to meet my brother" bungad ni Andrew. Habang busy ako sa pagscroll ng email ay kinatok ako ni Robert, kaya naman binaba ko ang cellphone at tumingin kung nasaan sila Andrew at ang kanyang kapatid. Nanglaki ang aking mga mata ng makita kong kasama ni Andrew si Sir Scotty.

"This is my younger brother, Scotty Reyes" bigla namang napatayo si Robert at tumingin sa akin.

"Scotty? Fiancee mo right?" sigaw niya habang nakaturo ang mga daliri nito kay Scotty.

Ang nais ko lang sa mga oras na iyon ay lamunin ako ng upuan.

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon