CHAPTER 4:
It was a bright Sunday morning ng bumalik kami sa Manila. Ang agenda for today ay attend ako ng meeting sa isang client namin, sina Andy at Patty naman ay imemeet-up ang ibang mga suppliers sa next wedding na ioorganize namin. Halos wala na talaga kaming pahinga since December ngayon at fully booked talaga kami.
"Hey, oo papunta na ako sa client's meeting, sure. Ingat kayo diyan" Andy is always checking on me from time to time, madalas kasi akong nawawala sa sarili ko nung na broken ako. But I am getting better naman kaya kahit papaano ay nakakalimutan ko na ang mga nangyari.
Nang makarating na ako sa venue ng aming pagmemeetingan, pinark ko muna ang sasakyan, kinuha ang mga documents at saka pumasok sa restaurant. Pinatuloy naman ako ng staff at inihatid sa mismong function room. At laking gulat ko ng makita ko si Robert at Heidi na nakaupo sa loob.
"Hey, Alex. I am so sorry wala din akong alam na sila yung client for today" malungkot na paliwanag ni Alice ang may-ari ng restaurant.
"No it's okay" nakangiti kong sagot kay Alice, hindi naman ako iniwan ni Alice sa harap nila Robert and Heidi. Nakangiti naman akong bumati sa kanila at saka umupo sa harap nila.
"Alex, I want you to be our coordinator and host during the wedding? Okay lang ba sayo?" nakangiting sabi ni Heidi, hindi ko alam kung tatawa ba ako sa dalawang ito. Pero dahil sa professionalism ang paiiralin ko makikipag-usap ako sa kanila bilang isang event coordinator.
"Well if you are asking me to be your coordinator, I would love to pero I wanted to enjoy your wedding kaya I think Andy and Patty might handle your wedding on Sunday" nakangiti kong paliwanag sa kanilang dalawa. Bilang nakatanggap naman ako ng invitation bakit hindi na lang ako maging bisita at ma-witness ang kanilang pag-iisang dibdib.
"I think there's no point na kunin pa natin sila? we just wanted to see you lang talaga and check on you kung okay ka lang" pang-aasar na sabi ni Robert. Natawa naman ako sa kanya kaya di ko napigilang maiyak sa katatawa.
"You don't need to check on me! I am okay, I am so busy yesterday's wedding sa boracay. At isa pa I am okay naman na that you used my money, my suppliers and ideas para sa wedding ninyo" pang-aasar ko pabalik sa kanilang dalawa. Hindi na maipinta ang mukha ni Heidi dahil tulad nga ng sabi ko, akin lahat ng ito wedding ideas, the suppliers and everything, pero lahat ng 'yon pinaubaya ko na.
Nagmadaling tumayo si Heidi at kinuha ang kanyang bag, sinundan naman agad siya ni Robert habang nakangisi pa din sa aking na parang aso. Lumapit si Alice at tinanong kung okay lang ako. Lumapit naman agad si Ms. Alice at chineck ako.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.
Ibinaba ko ang kapeng iniinom ko at ngumiti sa kanya.
"Yes I am, Ms. Alice" nakangiti kong sagot sa kanya.
"You look better than last time, I am glad" masaya niyang sagot. Nagpaalam na ako sa kanya at sumunod na lamang sa lakad nila Andy at Patty.
KINABUKASAN
Naging busy kami nitong mga nakaraang araw gawa ng sunod-sunod na meetings na hawak namin. Halos di na kami masyadong nakakagala dahil sa trabaho namin. Nagsimula pala kami ng aming business seven years ago, kasama pa namin noon si Robert. Pero dahil sa nangyari sa amin kinuha ni Robert ang ininvest niya, nahirapan man kami nila Andy at Patty, nabawi pa din namin ang mga nawala sa amin dahil nag doble kayod kami sa pagkalap ng mga kliyente.
Ngayon, masasabi kong sa industriyang ito ay naka establish naman na kami ng pangalan. Marami na din ang kumokontak sa amin para sa kanilang mga darating na event, weddings at iba pang mahahalagang pangyayari sa kanilang mga buhay.
BINABASA MO ANG
RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)
RomanceNakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibi...