Chapter 11: The day we met again

82 4 0
                                    

CHAPTER 11

SCOTTY'S POV

THE DAY BEFORE ADAM & BETTINA'S WEDDING AT BORACAY..

After ng isang political event sa may Manila Pen, agad kaming nagtungo nila Brent, Marcus at Andrei sa airport papuntang Boracay. I was really having a headache na di ko malaman ang dahilan kaya natulog lang ako buong flight at ginising na lang ako ng mga ito nung nag-land na ang eroplano.

Pagdating sa hotel gusto ko sana magpahinga muna bago pumunta sa function hall para makita sila Adam at Bettina. Kaso hindi ko talaga kaya, kaya nagsabi ako na magpapahinga na lang muna ako. Nakatulog din ako ng ilang oras, nagtext naman sila Brent na nasa isang bar sila para mag-relax.

"Boss! Ano na nangyare sayo?" natatawang tanong ni Brent sa akin. Natawa na lang ako at tinapik sila sa mga kani-kanilang balikat. Binigay naman nila sa akin ang isang bote ng beer.

"Anong nangyare kanina?" tanong ko sa kanila.

"Nag-briefing lang yung mga wedding coordinators. Mabilis lang din naman kaya di ka na namin ginising.." tumungo naman ako at uminom ng beer. Napag-usapan naman namin ang mga susunod na darating na mga events.

"Yung next client boss koreano diba?" tanong ni Andrei. Tumungo naman ako at ibinaba ang iniinom na beer.

"Oo si Kim Seon Ho.." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Medyo mahigpit lang since sikat na sikat dito sa Pinas. Fan meet sa may MOLA Arena.." patuloy kong pagkukwento sa kanila. Napatitig naman ako sa dagat at nilanghap ang sariwang hangin.

"Hey boys!" nakangiting bati ni Adam. Agad naman kaming nagsitayuan at nagtapikan ng mga balikat. Napansin ko namang nakangiti siya sa akin, at nagtaka ako sa kinikilos niya. Napangisi ako at uminom ulit ng beer.

Tumabi siya sa akin at hinawakan ako sa aking balikat. Inilabas niya ang kanyang cellphone at may pinakita sa aking picture. Ibinaba ko ang iniinom ko at kinuha ang kanyang cellphone.

"One of my wedding organizer, Kuya Scotty.." pabirong sabi ni Adam. Nakaramdam ako ng saya ng makita ang picture ni Alex, nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha. Ibinalik ko ang cellphone niya at kinuhang muli ang beer.

"Someone is not going to sleep tonight!" natatawang sabi ni Adam. Nagtataka naman ang mga kaibigan namin sa sinabi ni Adam kaya naman shinare niya ito sa kanila.

"Wow boss?! Akalain mo iyon sa tagal ng panahon, dito pa kayo sa kasal ni Boss Adam magkikita ulit?" excited na sabi ni Brent. Sa totoo lang hindi na ako makapaghintay na makita ulit si Alex pero hindi ko din alam kung makikilala niya ako bilang kapatid ng kaibigan niyang si Andrew.

"Pero boss? Iyan ba dahilan kung bakit hanggang ngayon single ka?" tanong ni Marcus.

"Eh ikaw ba may girlfriend ka na?" nakangiti kong tanong sa kanya. Kinantsawan naman nila si Marcus dahil isa din siyang bachelor.

"Well to be honest, hindi ko din naman akalaing dito ko pa siya ulit makikita e. Hindi naman na ako nag-eexpect na magkita kami ulit.." paliwanag ko sa kanila. Napahawak naman ako sa aking noo at napangiti. Matapos kong maubos ang isang bote ng beer ay nagkayayaan na silang bumalik ng hotel para magpahinga. Pinagpahinga na rin namin si Adam dahil mas siya ang may kailangang magpahinga dahil sa isang malaking event ang mangyayari sa buhay niya.

THE WEDDING DAY

Maaga akong nagising dahil sa excited akong makitang muli si Alex. Paulit-ulit naman akong niloloko ng mga kasamahan ko dahil sa hindi ko maitago ang sayang nararamdaman ko. Nauna nang pumunta sa simbahan sila Brent, sumunod naman ako agad sa kanila dahil kailangan na daw magpictorial with the groom.

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon