Prologue

111 3 0
                                    

Dumating na ang araw na pinakahihintay ni Alex, ang kanilang 5th anniversary. Masayang pumasok si Alex sa loob ng isang restaurant na nag-ooffer ng masasarap na cake. Balak niya kasing surpresahin si Robert sa condo na pinag-iipunan nila. Matagal bago nakapamili si Alex dahil gusto niya talagang maging perfect ang lahat. 

"This one please.." nakangiti niyang sabi sa staff. Masaya naman itong kinuha ng staff at mabilis na kinahon. Nagbayad si Alex ng nakangiti at kinuha ang cake. Habang papalabas siya ay ramdam niya ang bilis ng kabog ng kanyang puso. Hindi na siya makapaghintay na isurpresa ang kanyang fiance. 

Tumanog naman ang kanyang cellphone, nakita niya sa screen na tumatawag si Andy. Sasagutin niya na sana iyon pero bigla naman siyang naglow-batt. Napabuntong hininga naman siya at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Sa biyahe palang ay tila hindi siya mapakali. 

"My God Alex.. why are you like this?!" pilit niyang kinakalma ang sarili niya. 

Nang makarating siya sa lobby ng condo ay binati siya ng guard. 

"Hello mam, akala ko po ay nakaakyat na kayo. Andito pa po pala kayo?" nakangiting tanong ng guard sa kanya. Ngumiti naman siya at dumiretso na sa elevator. 

That was the time na naramdaman niya na may kakaiba. At habang papalapit ang elevator ay papalapit din siya sa katotohanan. Nakangiti niyang pipindutin sana ang lock ng pintuan pero laking gulat nya ng makitang bukas ito. Dahan-dahan siyang pumasok at doon ay narinig niya ang mga bagay na hindi niya dapat marinig. 

"Ahhh.. sige pa Robert!!" nakangiting paulit-ulit na sinasabi ni Heidi..

"Ohhh.. I'm coming Heidi!!" napapasigaw na sabi ni Robert. 

Kitang-kita ng mga mata niya kung papaano siya pinagtaksilan ng dalawang taong naging mahalaga at parte ng buhay niya. Mga taong pinagkatiwalaan niya pero ang ginawa ay winasak at pinatay siya. Sa sobrang gulat at galit ni Alex ay binato niya ang cake sa dalawa. Nanglaki ang mga mata ni Robert at Heidi. 

"Putangina.." nanikip ang dibdib ni Alex. 

"Kailan niyo pa ako niloloko?!" sigaw niya. Tumayo ang dalawa at nagtapis. 

Nanginginig pa din si Alex at hawak-hawak ang dibdib. 

"Alex, you're boring.." natatawang sagot ni Robert. 

"We've been dating for five years, pero wala tayong ginagawa to satisfy ourselves.." sumunod na sabi niya. Umupo si Robert at tumingin sa kanya. 

"Pero nagproposed ka.." naiiyak na sabi ni Alex. 

"And I regret it! Sasabihin ko na sana sayo today, pero you're here so surprise!" natatawang paliwanag ni Robert. Nanikip ang dibdib ni Alex.kaya naman ay mabilis siyang tumakbo papalabas ng condo. 

Sa sobrang galit niya ay hindi siya makaiyak. Sikip ng dibdib ang tanging nararamdaman niya, natakot siya na baka mamatay siya pag nagtuloy-tuloy kaya minabuti niyang bumaba na lamang sa may safety stairs. Pinipilit niyang humakbang pero ganon din ang pagsikip ng kanyang dibdib. Napaupo siya sa hagdan at doon nag-sink in ang lahat ng nangyari. 

Umiyak siya ng umiyak na para bang wala ng bukas, pero pinipilit niyang ikalma ang sarili niya dahil ayaw niya pang mamatay sa kinauupuan niya pero nararamdaman niyang hindi niya na kakayanin pang bumaba, mabuti na lamang at may nakita siyang lalaki na makakasalubong niya. Hihingi sana siya ng tulong pero nawalan na siya ng malay. 

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon