Chapter 3: What happened in Bora, stays in Bora!

96 3 0
                                    

CHAPTER 3

ALEX'S POV

Inabutan ako ni Patty ng maiinom, tinungga ko agad iyon at humingi ulit sa kanya. Tawang tawa naman ang dalawa dahil sa palaban ako ngayong gabi. Hindi natapos ang pagbibigay nila ng alak sa akin hanggang sa maramdaman ko na may tama na ako. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan silang mga nagsasayawan, napansin ko na hindi lang pala ako ang nagmamasid sa kanila, napatitig ako sa kanya dala ng pagkahilo ko.

"Oh? Nandito ka din?" nakangiti kong tanong sa kanya. Tumingin siya sa akin, malalim at matalim. Pero imbis na matakot, natawa ako sa kanya ng malala. Bumalik sila Andy at iba pa at nagsayawan sa mga kinauupuan nila. Lahat ng tagay nila sa akin iniinom ko, gusto ko kasing magpakasaya at malimutan ang lahat ng kailangan malimutan. 

Inaya ako nila Andy at Patty na sumayaw sa gitna. Habang masayang umiindak kasama sina Patty, may mga lalaking pilit na tumatabi at nakikisayaw sa amin pero hinaharangan yun ni Andy at Patty. Pero hindi pa din ito tumigil hanggang sa hawakan na ng mga ito si Andy sa kanyang damit. Agad ko naman inawat 'yon at lumayo kami sa kanila.

"Huwag na tayong pumunta sa banda doon ha? Stress ako sa mga otoko" natatawang sigaw ni Andy, si Patty naman ay walang tigil sa pagsasayaw kaya naman tuloy kami sa pagsasayaw. Nagulat na lang kami ng bigla kaming palibutan ng mga lalaki kanina.

Tang*** ano bang meron ngayon at lapitin tayo ng mga kalalakihan?

"Sexy, sayaw tayo!" nakakagat labi na sabi niya. Nagmamadali naman kaming lumayo sa kanila pero nakaharang ang ilan nilang kasamahan. Nang akma niya akong hahawakan ay tinulak ko siya agad.

"Sumayaw ka ng mapayapa dyan sa kinatatayuan mo, pero please huwag mo akong hawakan" seryoso kong paliwanag sa kanya na medyo malakas dahil sa lakas na din ng tugtog. Akala ko ay tapos na ang lahat pero bigla na lamang niyang sinapak si Andy.

"Andeeeeeng!" sigaw namin ni Patty.

"Juskwaaaa! Bakit ka naman nanakit?!" sigaw ni Patty. Nag-alisan ang mga tao kaya naman naiwan kami nila Patty at Andy sa gitna ng dance floor. Hindi na ako nakapagpigil kaya naman sinipa ko siya sa kanyang alagang itlog. Dahil dala na din ng kalasingan ay sinaniban ako ng lakas ni Vegetta.

"Ako pikang pika na ako sa mga lalaking katulad mo, hindi porket hindi kami kalakihan e gaganituhin mo kami?!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng mga ito. Pinagsasampal ko siya ng paulit-ulit pero bigla na lamang may pumigil ng mga kamay ko mula sa likuran. Sa gulat ko, napatingala ako at nakita kong si Sir Scotty ito.

"Tang*** pre umalis na tayo dito kung ayaw mong di na abutan ng umaga!" sigaw ng isa niyang kasamahan pero tinawanan lang niya ito. Agad namang nagsitakbuhan ang lahat ng kasamahan niya at di kalaunan ay tumakbo din siya.

Kahit na nahihilo na ako, tinulungan ko pa ding tumayo si Andy, nagpasya na silang bumalik na ng Hotel. Magbabayad na sana ako pero sabi ng cashier ay bayad na ito ng mga kaibigan ko. Tumungo na lamang ako at naglakad kasunod nila. Habang naglalakad pinilit kong hindi madapa sa paglalakad pero dahil nga sa kalasingan ko, ayon nasubsob ako.

"Andy, Patty! Mauna na kayo mauupo lang ako dito sa tapat ng dagat, papahangin lang ako papababa ng kalasingan. Mga Sir! It was nice to meet you po!" nakangiti kong paalam pero sumigaw si Andy at niyayang muli ang mga ito na tumambay din muna sa tabi ng dagat.

Pumayag naman ang mga ito dahil sa gusto din nilang masulit ang bakasyon sa boracay. Nang makaupo na kami ay agad naman akong humiga at nakaidlip, pero agad din akong ginising ni Andy at sa mga oras na iyon ay tinamaan na talaga ako ng kalasingan. Umiyak ako ng malakas na parang bata at pinagmumura si Robert. Agad namang tinakpan nila Andy at Patty ang aking mga bibig. Nagtawanan naman ang mga kasamahan namin.

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon