CHAPTER 9:
ALEX'S POV***
Pinilit kong idilat ang aking mga mata, pero wala akong maaninag dahil sa sobrang dilim ng paligid. Sa paghahanap ko ng liwanag ay nakakita ako sa bandang dulo ng kinahihigaan ko. Pinilit kong bumangon pero sobrang sakit ng ulo ko kaya napahawak ako at humigang muli. Hinanap ko ang cellphone ko kaya napakapa ako sa dilim, napahinto ako ng maramdamang may tao sa tabi ko kaya naman napabalikwas ako at dahilan upang malaglag ako sa kama.
"Shit" bigkas ko. Agad kong hinawi ang kurtina at nabalot ng liwanag ang buong kwarto. Doon ko lang nalaman na wala pala ako sa bahay. Doon ko lang din naalala ang mga nangyari kagabi. Mula sa dancefloor, sa pagwawalwal ko, sa paulit-ulit kong pag-iyak kay Scotty dahil kinasal na si Robert. At ang pinakahuling pangyayaring gumulo ng buhay ko ay ang paghalik ko kay Scotty.
Pero sa pagkakataong ganito hindi na si Robert ang bumangad sa mukha ko kung hindi isang mala anghel ang mukha na tila pinababa lang ng kalangitan para magsabog ng pagmamahal sa lupa.
"Tangina, hindi" Paulit-ulit kong sinampal ang mukha ko. Pinilit kong inayos ang itsura at ang isip ko para naman makalabas ako agad sa kwarto. Pero huli na ng makita kong gising at nakatingin sa akin si Scotty.
"Hindi 'to panaginip no?" tanong ko sa kanya. At ang tanging naisagot lang niya sa akin ay ang pagpikit-pikit niya ng mga mata at tumitig sa akin.
"Nag-iba na tingin mo sa akin? Kaya siguro ako di pinakasalan ni Robert" hindi ko maiwasang mag-alala sa pwedeng isipin ni Scotty sa akin. Ang dami kong tanong sa sarili ko na baka kaya ako iniwan ni Robert dahil hindi ko kayang ibigay sa kanya ang gusto niya pero ito ako, halos itapon ang katawan sa lalaking hindi mo naman lubos na kilala.
Nagsimula na naman akong hindi mapakali, naiiyak sa kagagahang ginawa ko. Tumayo si Scotty, nagtapis, nagsuot ng t-shirt at dahan-dahang lumapit sa akin, binigay niya ang mga damit ko. Pero nagmadali naman akong pumunta sa cr at nagbihis ng damit. Ayoko ng hintayin kung ano mang sasabihin ni Scotty dahil alam ko naman at ramdam ko kung ano ang nasa isip niya. Paglabas ko ng cr ay dumiretso ako sa pagkuha ng gamit ko at lumabas ng pintuan.
"Oh my God! lagot ako sa tatay ko nito" agad kong hinanap ang cellphone ko at chineck ang mga text messages at calls. 150 missed calls ang meron ako mula sa aking tatay kaya naman tumakbo ako papuntang elevator. B
Bago pa man din sumara ang pintuan ay narinig kong tinawag ako ni Scotty pero hindi ko na siya pinansin pa at nagmadaling nagpipindot para masara ang elevator. Nagriring ang cellphone ko at nakita kong tumatawag ang tatay ko. Kaya agad ko naman yon sinagot.
"Pa, pauwi na ako. I'll explain everything to you later.." paliwanag ko sa kanya habang nagmamadaling maglakad papalabas ng hotel. Pumara ako ng taxi at mabilis na sumakay bago pa man din ako makalayo sa hotel ay nakita kong tumatakbo palabas si Scotty. Napabuntong hininga na lamang ako. Pero bigla ko na lamang naalala kung gaano ka-sexy si Scotty habang ginagawa namin ang mga bagay na dapat hindi namin ginawa.
"What the fuck, Alex..." namumula kong bulaslas at sinampal ko ng paulit-ulit ang mga pisngi ko. Paulit-ulit ding nagvavibrate ang phone ko dahil sa tawag ni Scotty.
"Okay, isang beses ko lang ito sasagutin tapos... tama na, isipin na lang nating mali ang nangyari.." nakapikit niyang sabi habang hawak hawak ang cellphone.
"Hello.." bulong ko dahil ayokong marinig ito ng driver.
"Why did you leave me here, Alex?!" galit na galit niyang sabi sa akin.
"Scotty, what we did last night was a mistake!" pabulong kong sagot pero hindi ko makontrol ang sarili ko.
"Mistake? Let us talk.." ramdam ko kung gaano siya kadismaya sa akin. At alam kong magbabago na ang tingin niya sa akin. Hindi ko din alam kung papaano kami mag-uusap bukod sa hiyang-hiya ako sa sarili ko, wala na din akong mukhang maihaharap sa kanya.
"Nasaan ka?" mahinahong tanong ni Scotty.
"I'm on my way home, Scotty." I'm sorry. Let us talk some other times.." kalmado kong sabi sa kanya at binaba ang aking cellphone. Nakatulala ako sa bintana habang paulit-ulit na nirereplay ang nangyari sa amin. I AM NO LONGER VIRGIN. And I FUCKING LOVE IT! Sinisigaw ng puso ko. Habang bumaba sa taxi ay tinitignan ko ang bawat kanto ng bahay namin dahil baka naghihintay si Tatay sa ibaba.
"AT BAKIT NGAYON KA LANG?!" matining na sigaw ng tatay ko. Agad ko naman siyang niyakap, pag nagkaganito na ako sa tatay ko alam niya ng may something special na nangyari sa akin. Kaya pumasok na kami sa loob at pinaghainan niya ako ng makakain.
"Grabe naman yan! Amoy alak ka girl!" naiinis na sabi niya. Inamoy ko naman ang sarili ko at amoy alak nga akong tunay. Napailing ako dahil naisip ko kung anong amoy ko habang nagsesex kami. Nakatitig naman ang tatay ko at hinihintay niya akong magkuwento.
"Sinuko ko na ang perlas ng silangan.." seryoso kong sinabi sa kanya habang patuloy lang ako sa pagkain ng sopas. Napatayo si Tatay at nagpabalik-balik sa kusina papunta sa lamesa. Nakakunot ang mga noo niya at alam kong magagalit siya.
"BAKIT NGAYON LANG!" sigaw niya habang natatawa sa akin. Umupo siya sa tabi ko at inakbayan. Naubo naman ako sa ginawa niya kaya nilayo ko ang kinakain ko at humarap sa kanya.
"Pero ang problema tay, tinakbuhan ko siya. At hindi ko din lubos maalala yung lahat ng nangyari.." malungkot kong kuwento sa kanya. Bumuntong hinga si Tatay at hinawakan ako sa mga pisngi. Niyakap niya din ako ng mahigpit.
"Ang problema, gusto mong umulit? Gusto mong ulitin kasi gusto mong masaksihan ng di ka lasing, ano bang meron sainyo? Boyfriend mo ba ito?" tanong niya sa akin. Umiling-iling ako at doon niya ako binatukan. Tumayo siya at humarap sa may bintana at nag-emote.
"Hindi kita pinalaki para lang ibigay mo sa di mo naman boyfriend ng perlas ng silangan anak!" kunwaring umiiyak at pasulyap-sulyap sa akin. Lumapit naman ako sa kanya at niyakap siya.
"Paano kung may jowa? e di ang laking problema talaga niyan anak" dagdag niya habang nakatitig kami pareho sa kalangitan.
Sa totoo lang isa lang ang gusto kong mangyari na kung bibigyan ulit ng pagkakataon ay maulit ko ang mali na nangyari sa amin ni Scotty para maitama. Pero paano nga maitatama ang mali kung may nagmamay-ari na pala kay Scotty? Hindi na nga ako virgin pero makasalanang babae naman ako ngayon. Nagpaalam na ako kay Tatay na pupunta na ako sa aking kwarto, dumiretso ako agad sa kama at humiga. Nag-inat din ako ng malala dahil sa pagod ko. Sa di ko inaasahan ay nakatulog ako agad ng mabilis.
BINABASA MO ANG
RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)
RomanceNakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibi...