CHAPTER 8:
THIRD PERSON POV***
Hinatid nina Scotty at Alex si Andrew sa kanyang sasakyan matapos ang kanilang maayos na reunion at kuwentuhan. Masaya namang hinagkan ni Andrew si Alex at hinawakan naman sa balikat ang kapatid. Nagpaalam ito at nangakong bibisitahin agad si Alex sa kanilang opisina sa susunod na mga araw, habang tahimik nilang pinagmasdan ang papaalis na sasakyan ni Andrew hindi maiwasang mailang ni Alex kay Scotty.
"Hatid na kita.." seryosong yaya ni Scotty kay Alex. Pero umiling lamang si Alex at nagpaalam na sa kanya. Pinabayaan na lamang ito ni Scotty at tuluyan ng pumasok at umalis.
"Tignan mo 'to? Sabagay, dalang dala ka naman ng emosyon mo Alex?" pero laking gulat niya ng biglang papalapit na si Scotty sa kanya.
"Bakit?" tanong niya.
"I'll go with you or I'll walk with you.." seryoso niyang sabi kay Alex.
Ginrab naman ni Alex ang opportunity na ito upang makilala pa si Scotty ng maayos.
"Dalawa lang kayo ni Andrew?" tanong niya.
"Nope, may isa pa kaming kapatid na babae pero sa pangalawang asawa na yun ni Mama.." seryoso niyang sagot. Habang naglalakad sila ay nag-iisip ulit ng itatanong si Alex.
"I am 33 years old, birthday is on January 31. But I don't celebrate my birthday.. my favorite color is black, I usually don't talk.. I love spending my time sa work" patuloy na kwento ni Scotty.
"I am 29 years old, October 1. I love celebrating my birthday dahil alam kong isa yun sa pagpapatunay na buhay ka. My favorite color too is black, nakakasexy.. I love to talk and I love my job also.." sagot ni Alex.
"And that's all for today, sasakay na ako ng taxi dito Sir Scot--" nahinto si Alex sa pagsasalita.
"Scotty" pagpapaalala ni Scotty kay Alex.
Natawa naman si Alex at inulit niyang bigkasin ang pangalan nito.
"Scotty. Sasakay na ako dito ng taxi! Thank you so much for walking with me here.." nakangiting sabi nito. Pumara naman ng taxi si Scotty at binuksan ang pintuan. Pumasok si Alex at ngumiti muli.
"Cellphone" ang sabi ni Scotty.
Binigay naman ni Alex ang cellphone niya. May dinial si Scotty at tumunog naman ang kanyang cellphone.
"Got yah" sabi nito at binalik ang kanyang cellphone at sinara ang pintuan ng taxi. Habang umaandar ang sasakyan nakatingin lang si Alex sa bintana at sinisipat ang nakatayong si Scotty. Agad niyang kinuha ang cellphone at chineck ang number niya.
S ❤️ Ang nakalagay sa pangalan nito sa cellphone ni Alex. Napangiti naman siya at tila may kilig na naramdaman pero bumalik din siya sa ulirat at umiling-iling.
Nang makabalik si Alex sa kanilang opisina nakita niya namang busy ang dalawa sa pag gawa ng iba pang props na gagamitin sa event mamaya. Napatingin naman si Patty at tumungo ito.
"How's your day with Andrew?" tanong ni Patty. Binaba ni Alex ang gamit niya at kumuha ng maiinom.
"Kumapit ka mars!!!!" excited na sabi ni Alex. Napatayo naman sila Patty at Andy at umupo sa may sofa.
"Diba kwento ko kanina na si Andrew at Scotty ay magkapatid? Grabe yung gulat ko ng malaman iyon! At ang nakakagulat pa..." at nagtilian sila pare-pareho.
"Andoon yung mag-asawang Heidi at Robert.." napailing si Andy at nagtatalon.
"Hayaan mo na yang mga bitchesa na yan. Spluk mo agad yung kay Scotty!!!" sigaw ni Andy. Natatawa naman si Alex at patuloy na binibitin ang dalawa sa kwento.
BINABASA MO ANG
RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)
RomanceNakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibi...