CHAPTER 7:
ALEX'S POV
"Alex? Alex?" paulit-ulit na tawag sa akin ni Andrew. Hindi ko alam kung paano ko ieexplain sa kanila ang nangyari, pero umupo naman sa tabi ko si Scotty at tumingin sa akin. Hindi naman din makapaniwala si Andrew sa nakikita niya ngayon, maski ako ay di ko matignan ng diretso ang kaibigang matagal kong di nakita.
"You didn't know?" pag-uusisa ni Robert. Ngumiti naman si Andrew.
"I didn't know that Alex is my brother's girlfriend, actually he wants me to see her today. Nagkataon naman na it's a small world!" pilit na paliwanag at tawa ni Andrew. Bago pa man din sumagot si Robert ay dumating naman na ang mga pagkaing inorder ni Andrew. Nag-vibrate naman ang phone ko kaya nagpaalam akong sasagutin ko iyon. Pagkalabas ko ng restaurant ay huminga ako ng malalim at saka ito sinagot.
"Hello, Pat?" mahina kong sagot sa telepono.
"Oh bakit parang malungkot ka? Anong nangyare?" tanong ni Patty.
"Sobrang gulo, you wouldn't believe! Kapatid ni Andrew si Scotty! How come na di ko alam?! I mean magkaklase kami ni Andrew for four years, how come na di ko siya kilala?" kwento ko kay Patty pero bago pa man sumagot si Patty ay may ibang boses ang sumagot mula sa aking likuran.
"Nag-aral ako sa ibang university.." binaba ko ang cellphone ko at humarap ako sa kanya. Pero hanggang dibdib niya lang ako kaya tumingala ako sa kanya.
"Hindi tama na nakikinig ka sa usapan ng iba, Sir Scotty.." naiinis kong sabi sa kanya. Kinuha niya ang jacket niya at isinuot ito sa akin.
"Sorry, but I owe you an explanation. And by the way just call me Scotty.." itinaas ko ang mga kilay ko at tumalikod sa kanya. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit sa kanya, kahit alam kong ako naman itong nagbigay ng motibong gamitin siya.
Alam ko sa sarili kong ayoko na lang masira ang PRIDE na pinanghahawakan kong kaya ko ding maging okay kahit na durog na durog akong iniwan ni Robert. Ang tanging alam ko lang gusto kong malagpasan ko ito kahit pa ang pagiging makasarili na lang ang tanging kaya kong gawin.
"Scotty, since nandito naman na tayo sa kahihiyang ito. Bakit di mo ako subukan?" hindi ko alam kung anong pwedeng tumakbo sa isip niya sa mga binitawan kong salita pero hindi ko na ito aatrasan.
"Alex.." bigkas niya sa pangalan ko pero tinakpan ko ng mabilis ang mga bibig niya.
"Please, for three months let's date.." sa sobrang lakas ng loob ko pwede na akong bigyan ng award ng tatay ko..
"No..." sagot niya at bigla akong nawalan ng gana..
"NO for three months, kung bukas o next year maramdaman mong okay kana, just let me know and we will end this lies between us.." seryoso niyang sabi sa akin. Pumayag naman ako at inaya ko na siya na pumasok sa loob. Naisip ko namang mas mainam ng walang due date dahil baka tama siya na bukas makalawa ay maging okay na ako, mas mabilis naming matatapos itong kasinungalingan namin.
"Sorry, client.." nakangiti kong paliwanag kay Andrew.
At nagsimula na kaming kumain, sa una'y masaya kaming nagbalik tanaw sa nakaraan namin. Nakatahimik lang namang nakikinig si Scotty. Kahit anong iwas ko, di pa rin maiwasang mapag-usapan ang nakaraan namin ni Robert.
"Well, man I have here some business proposal. I don't know why your company's declining the partnership.." nakangiting paliwanag ni Robert at binigay niya kay Andrew ang proposal. Kinuha naman ito ni Andrew at binasa. Matapos niyang basahin ay tumingin siya kay Scotty at binigay ito.
"Man, I am not the right person who handle the business proposal for this company.." sagot nito.
"Bakit? Aren't you the owner?" nagtatakang tanong ni Robert.
"No, I'm not. He is.." sabay turo kay Scotty.
Sabay kaming napatingin kay Scotty.
"Bro,I know may nasabi akong hindi maganda sayo--" nakangising paliwanag ni Robert.
"You did what?" gulat na tanong ni Andrew.
"Well, nung wedding kasi namin. It's the first time na makitang may kasama si Alex, you know dala ng emosyon.." nakangisi pa din niyang paliwanag. Pero bigla namang may tumawag sa kanya at di niya malaman kung sasagutin ito.
"I'll review this again, so go.." nakangiting sabi ni Scotty kay Robert.
At nagmadaling tumakbo papalabas ng restaurant si Robert para sagutin ang telepono.
"So.. what am I missing here?" nakangiting tanong ni Andrew. Nagkatinginan naman kami ni Scotty, pinilit kong ngumiti at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Well, it's a small world! I am in a relationship with your brother.." sobrang awkward kong pagkakasabi kay Andrew, mahigpit namang hinawakan pabalik ni Scotty ang mga kamay ko at nagdulot yun ng pagbilis ng tibok ng puso ko.
"Siya yung sinasabi kong wedding organizer, Andrew.." seryosong sabi nito sa kapatid niya. Nagulat naman si Andrew sa sinabi nito, pero laking tuwa niya ding malamang isa na akong ganap na wedding organizer.
"I am so happy for you, Alex! and just so you know, I am getting married.. Next month. And I want you to plan and organize it!" masaya niyang sabi sa akin.
"WHAT?!" sa gulat ko ay tila napasigaw ako ng bahagya pero natawa naman ako agad at umarteng kunwari ay masaya ako. Super crush ko kasi Andrew simula pa nung College kami, and never in my dreams na magkikita pa kami. At dahil ikakasal na siya ay hindi ko na alam kung makakapag-asawa pa ba ako.
"Pero teka, why did you declining the partnership with Robert's company?" usisa ni Andrew.
"Kung naririnig at makikita mo lang how the families of Robert and Heidi treated Alex.." seryosong paliwanag niya kay Andrew. Nagulat naman akong malaman na yun ang dahilan kung bakit dinedecline niya ang partnership with Robert. Pero at some point, I feel loved.
"And also ayaw nilang pumirma ng contract na kailangan nilang mag-provide ng 50 % na bayad para sa mga kukunin nilang private securities, guess how many private securities they need? 15? kawawa naman mga tao ko.." paliwanag niya sa kapatid niya, sa mga oras na ito gusto kong tanggalin ang pagkakahawak niya sa mga kamay ko dahil nag-uumpisa na ang pamamawis nito.
"Bitawan mo.." bulong ko sa kanya.
"Ayoko ko.." matigas na tutol niya.
"Nagpapawis na mga kamay ko.." bulong ko muli sa kanya.
Kumuha lamang siya ng panyo at nilagay sa gitna ng mga kamay namin at muli niya itong hinawakan. Nakita naman ito ni Andrew at natawa na lamang sa ginagawa namin.
"When can we visit you, Alex?" masayang tanong ni Andrew.
"Anytime, here's my card" at tuluyan na akong bumitaw sa kamay ni Scotty. Kinuha ni Andrew ang card at inilagay sa kanyang wallet. Niyaya niya din kaming kumain na dahil kanina pa nakahain ang pagkain at baka lumamig na. Habang kumakain ay napag-usapan namin ang mga pupwedeng gawin sa kasal ni Andrew, habang si Scotty naman ay may kausap sa cellphone.
"Alam mo swerte ng kapatid ko sayo, pero swerte ka din naman sa kanya.." seryoso niyang sabi sa akin. Mga ganitong eksena ang mga hindi ko kayang maatim lalo na't alam ko namang hindi totoo itong relasyon namin.
"He's a good man and I am happy that he has someone to lean on too. Masyado kasi yang ma-pride na feeling niya lahat kaya niya. Thank you for being there with my brother, Alex" nakangiting pagpapasalamat ni Andrew sa akin na halos gusto kong maibuga ang kinakain ko. Tinignan kong muli si Scotty at nakita kong nakatitig din siya sa akin habang may kinakausap, at napailing na lamang ako sa sitwasyong mayroon kami.
BINABASA MO ANG
RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)
RomansaNakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibi...