Chapter 1: The Wedding Invitation

209 8 1
                                    

CHAPTER 1:

ALEX'S POV

Nakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibigan na naghohoney-moon sa bahay na pinag-ipunan kong bilhin para sa aming dalawa. 

Tama ganoon sila kalala, lahat ng mangyayari dapat sa kasal namin maayos na, naka-ready na lahat. Siya na lang pala ang hindi ready, at dahil mabait akong kaibigan hinayaan ko na lang na sila na ang gumamit ng pinaghirapan kong kasal na dapat para sa akin.

"Girl, huwag mong sabihin you'll go there?" napairap na tanong ni Andy, my gay bestie.

"Bakit naman hindi? Eh siya ang organizer non!" natatawang sabat ni Patty. Natawa naman ako sa real talk ni Patty, kasi totoo nga naman parang lumalabas na ako ang naging organizer na dapat kasal ko na naging kasal na nila.

"Pinalitan na lang ang pangalan ng Bride! Walang kahirap-hirap" patuloy n apang-iinis nila Patty. Tumayo ako at kumuha ng maiinom, itinabi ko ang wedding invitation nila Robert at Heidi. Hindi ko naman itinatangging nasasaktan pa din ako for almost a year nang panloloko nila sa akin. Kung hindi lang din sa tulong ng dalawang ito baka di ko din kinaya.

"Attend kaya ako?" tanong ko sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa at nagtawanan.

"No, I'm serious!" seryoso kong sabi sa kanila.

"Like sobrang seryoso?" maarteng tono ni Andy.

"I mean seryosong seryoso ka girl?" isa pang maarteng tono ni Patty, by the way Patty is Lesbian.

"Yes, seryoso! I wanna see them, gusto ko silang guilty'hin sa ginawa nila sa akin" natatawa kong paliwanag. Tumigil sa pagkakabit ng sequence sina Patty at Andy, tumingin sila sa akin ng seryoso at bumuntong hininga.

"Well bakit hindi?! Pakita mo na okay kana, dapat bongga yung suot mo! Tapos may kasama ka ng jowa!" excited na paliwanag ni Andy, binatukan naman siya ni Patty dahil hindi ito sang-ayon na magpakita pa ako sa mga 'yon lalong lalo na sa pamilya ni Robert na hindi man lang pinagsabihan ang anak nila.

"Pero Patty? Let's go, ayoko namang maglugmok itong si Alex, sa gandang babae niyan dapat di 'yan ginaganyan. Tapusin muna natin itong wedding natin sa boracay then let's plan?" seryosong sabi ni Andy na kahit si Patty ay nakaramdam ng excitement.

"Okay, pero once na nasa boracay tayo after the wedding, let's enjoy our days of vacation there! Tangina, kailangan ko ng pahinga sa sunod-sunod na wedding natin this month!" masayang sabi ni Patty, agad naman siyang niyakap ni Andy at tumakbo sa akin para magyakapan kaming tatlo.

Alas siyete ng umaga ang flight namin papuntang Catiklan, dahil sa bagal kumilos ni Andy ay muntikan pa kaming maiwan ng eroplano. Halos bugbugin na siya ni Patty dahil dito, nakahabol naman kami at nakaupo ng matiwasay. Hindi na din ako makapaghintay na makapag bakasyon pagtapos magtrabaho. Limang taon na din kami sa larangan ng wedding events organizing at masasabi kong mahirap pero worth it lalo't gusto mo ang ginagawa mo. Sinandal ko ang aking ulo para makapagpahinga muna habang lumilipad kami papuntang Boracay.

"Hello Boracay!!!" sigaw ni Andy habang masayang bumaba sa hagdanan ng eroplano. Masaya kaming bumaba at nagtungo sa kuhaan ng mga bagahe, nakasalubong din namin ang bride at groom sinabi nila na magpahinga na muna kami at ipapatawag na lamang sa meeting mamayang alas dyis ng umaga.

Nang makarating na kami sa aming hotel ay nagmadaling inilagay nila Andy at Patty ang kanilang mga bagahe para makapaglibot agad sa dagat ng boracay. Ngayon palang ako nakarating sa magandang isla ng Boracay at masasabi kong sobrang ganda nga dito kaya maraming nahuhumaling na mga turista.

Habang naglalakad ay umawra naman agad si Andy sa mga nakakasalubong naming mga foreigners, at sobrang saya niya talaga. Sa sobrang pagka-amaze ko sa boracay ay di ako tumigil sa pagkuha ng mga litrato, bigla namang tumawag ang bride at pinatatawag na kami sa function room.

Pagpasok namin sa Function room ng Hotel ay nandoon na lahat ng mga taong magiging abala bukas. Pumunta kami sa harapan para ipaliwanag ang mga ilang mga bagay na dapat mangyari bukas, unang una ay ang on time ng bawat isa. Since nasa location na kami inaasahan naming wala ng malalate dahil napaka importante ng oras. Chineck din ni Andy ang mga bagay na kailangan sa kasal tulad ng singsing, belo, damit kung kumpleto bang nadala ng bawat isa.

"At siyempre since we have official photo and video, huwag po tayong umarte na parang tayo ang official na kukuha ng mga litrato po ha? This is once in a lifetime na mangyayari sa buhay ng bride and groom, kaya we need to cooperate okay? Ms. Bettina, we need to make sure na okay na ang iyong wedding dress so after this, pwede na kumain yung iba at magpahinga para bukas full energy tayo" nakangiting paliwanag ni Andy sa lahat. Matapos ang meeting ay lumabas na ang iba at naiwan na si Ms. Bettina para sa one last time check ng kanyang wedding gown.

"This is so beautiful guys! I am so happy!" naiiyak na sabi ni Ms. Bettina.

"Thanks to Alex, at di niya na ginamit itong gown Ms. Bettina" pang-aasar ni Patty. Tumingin si Ms. Bettina sa akin at niyakap ako.

"Don't worry you'll meet someone na whose dream is to be with you forever, I met my fiance three years ago and sobrang nakilala niya ako na sobrang broken, wala lahat! But God is really amazing, pinadala niya ang kanyang anak not just to fix me, pero ang makasama ko sa habang buhay" naiiyak na sabi nito sa akin.

It was so nice to hear something like that, pero minsan masakit pa din kahit na pinipilit mong maging okay. Hindi ko pinupush ang sarili kong maging okay pero I'm learning to move on from the nightmare at mag-focus kahit papaano sa buhay ko ngayon.

"Mam Bettina, balita ko yung mapapangasawa mo ay may-ari ng security company?" usisa ni Andy.

Umiling-iling si Ms. Bettina at natawa.

"He's the right hand of his Boss, kumpanya iyon na nag hihire ng mga body guards, stunt man, securities at kilalang hiring ng Presidential Securities, and I didn't meet his boss pa" nakangiting paliwanag nito. Habang nag-aayos kami ng wedding gown ni Ms. Bettina ay di pa din tumigil sa pagtatanong itong si Andy.

"Mam ah, beke nemen may mairereto ka sa akin" sabay tawa ng malakas, natawa naman si Ms. Bettina at sinabing hahanapan si Andy ng magiging boylet.

Hindi kami nagsayang ng oras para iayos ang mga dapat na iayos para sa wedding kinabukasan. Masaya naman naming iniwan ang bride sa kanyang room, paulit-ulit din siyang nagpapasalamat sa amin. At isa iyon sa nagpapataba ng aming mga puso. 

RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon