CHAPTER 10:
SCOTTY'S POV
"Why did you leave me here, Alex?" galit kong tanong sa kanya. I am so mad to the point na para niya akong tinanggalan ng kinabukasan. I wanted to explain that what we did last night was not a mistake. I know it's a mutual feeling or I'm I just a mistake? o dapat ba pinigilan ko ang sarili ko at iniwan na lamang siya that night?
Sabi ko nga I don't like to talk pero with Alex napipilitan akong gumawa ng mapag-uuspan. The time when I saw Alex again was in the stairs of some condo na ni-rent ni Adam para sa mga boys, a place for them to rest. Dahil malapit lang doon ang event and I need it to check para malaman kong safe at okay ang mga boys. Nakita ko siyang umiiyak at hindi makahinga ng maayos from there lumapit ako dahil alam kong hihingi ito ng tulong pero nawalan na siya bigla ng malay.
Dinala ko agad siya sa malapit na hospital at chineck ang kanyang phone pero low-batt ito kaya nakihiram ako ng charger para macharge at tumawag ng pwedeng kamag-anak niya. Nang magbukas ang phone niya bumungad ang picture niya and she really looks familiar, and that moment naalala ko na siya yung crush na crush ko na friend ni Andrew. Everytime na hatid at sundo ko si Andrew sa mga meeting place nila for projects, lagi ko siyang nakikita kaya doon na-develop ang feelings ko sa kanya kahit di naman niya ako kilala.
"What a small world" mga salitang nasabi ko habang nakatingin sa kanya. Chineck ko ang contacts niya pero bigla na lamang nagring ang phone at nag-pop up ang picture ng fiancee nya at number kaya sinagot ko ito pero laking gulat ko ng agad-agad itong nagsalita.
"Alex, I mean it.. We're breaking up, there's no wedding next next next month with you but I am going to marry Heidi. I am so sorry..Alex? are you there?" kaya ba umiiyak at nawalan siya ng malay dahil sa lalaking ito? I wanted to take a revenge for her pero pinili ko na lang to drop the call and call her parents or friends. Pero bigla na lang nag-ring ang phone at this point it was her dad.
"Alex? Where are you anak? Nag-aalala ako dahil sa sinabi ni Andy!" bungad ng tatay niya.
"I'm sorry to interrupt, pero can you go to Omega Hospital the one na malapit sa Hero Condo sa may Makati? Nawalan po kasi siya ng malay kaya sinugod ko po siya dito sa Hospital--" hindi pa man ako nakakatapos magpaliwanag ay nagpasalamat agad ang kanyang tatay at sinabing huwag iiwan ang anak niya at aalis na siya agad.
Habang naghihintay sa kanyang tatay, kitang kita ko ang pamamaga ng mata ni Alex. I think she really cried a lot. Lumapit ang nurse to check Alex again, stable naman na daw ang pasyente at need na magpahinga. Nagpasalamat naman ako at umupo muli. Nakarinig naman ako na may tumatawag sa pangalan ni Alex, sinilip ko ito at isang matandang lalaki, isa pang lalaki at isang babae. Kumaway naman ako at nagmadali silang nagpuntahan.
Sa sobrang pag-aalala nila ay di na nila ako napansin kaya naman hindi na din ako nagpaalam at mabilis na umalis sa hospital. Bago pa man din ako makalabas ay may biglang humawak sa akin. Ang tatay ni Alex.
"Maraming salamat hijo! di ko talaga alam anong gagawin ko kung may mangyaring masama kay Alex, anong pangalan mo?" nakangiti siya pero makikita mo sa mukha niya ang pag-aalala.
Sinabi ko naman ang pangalan ko pero hindi na ako mag-eexpect na maalala o malalaman ni Alex ang tungkol sa akin. Nagpaalam na ako sa tatay ni Alex at sumakay sa sasakyan ni Adam. Habang bumabiyahe kami ay di ko mawaglit ang mukha ni Alex sa isipan ko. Napansin naman agad iyon ni Adam at tinanong ako.
"What's up bro? What's wrong?" tanong ni Adam.
"Wala naman, di ko alam kung dapat ba ako maging masaya ngayong araw" nakangiti kong sagot sa kanya. Nagpatuloy naman siya sa pagdadrive dahil kailangan na naming bumalik sa opisina. Di ko na din nabalikan ang condo kung saan magpapahinga ang mga boys.
Pagdating namin sa site it was a very big event kaya lahat ng tao ko ay nakadestino sa lugar na iyon. Habang nagmamasid-masid ako napansin ko ang isang lalaki na napapaligiran ng mga kababaihan. Hindi ako nagkakamali that was the man sa phone ni Alex.
"That's supposed to be the fiancee" mahina kong sambit sa sarili ko. Masayang masaya itong nakikipag-usap sa mga babae habang ang fiancee niya ay nasa hospital. There was one girl na talagang nakadikit sa kanya and acting like a wife.
I wanted to check Alex again to know if she is okay now. Kaso wala akong any number to dial to begin with. At hindi na din ako nagkaroon ng chance to see her or meet her. I continue to live my life.
AFTER THREE MONTHS
Adam's Wedding supposed to be celebrated in Manila but they decided to push through it in Boracay. I told Adam about Alex too, because Adam is one of my good friend. He called me and told me everything about the changes of their wedding. So I had to adjust some of the events we have for this coming days.
"Hey, it's my wedding so don't act like you are working okay? I'll see you all in boracay tomorrow boys!" masayang sabi sa akin ni Adam.
Habang nagbabasa ako ng mga proposal, may natanggap akong isa sa mga proposal na mula sa ex fiancee ni Alex. It was Robert. Asking for help and reconsideration about the proposal na hinihingi niya. Napaayos ako ng upo at agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang phone number niya.
"Hello?" sagot niya.
"Hi, this is Scotty. I got to read you're proposal and you're asking for 15 private securities for your upcoming event?" paliwanag ko sa kanya habang hinihintay ang sagot niya. Pinaglalaruan ko naman ang kanyang proposal sa paghampas nito pauli-ulit sa lamesa.
"Yes, yes. Can we get it?" masaya niyang tanong.
"You need to sign a agreement and 50% dp for that event---" hindi niya pa ako pinatapos pero parang naguusok na ang kanyang ilong sa galit.
"No we won't! Paano ako makakasigurong darating yang mga yan? At nasaan ba si Andrew?! Let me talk to--" at agad kong binaba ang telepono. Sa lahat ng ayokong client ay katulad ni Robert.
My company is one of the leading when it comes to private securities, body guards at isa ito sa nagtatrain sa mga sundalo o pulis na gustong mahire as PSG. I also trained myself for this. I even go with them sa mismong event para makita kung binibigay ba nila ang kanilang best para sa customers.
Nagsimula ako sa trabahong bilang isang security/bodyguards at pumasok din ako sa army to serve the country matapos umalis ni Andrew papuntang US, pero mas gusto kong tulungan ang ibang kababayan na hindi nakapagtapos pero may determination to serve sa pamamagitan ng events and safety ng mga kumukuha sa amin.
BINABASA MO ANG
RENT A GENTLEMAN 3 (ALEX AND SCOTTY'S LOVE STORY)
RomanceNakatulala akong nakatingin sa pinadalang invitation ni Robert, hindi ko alam kung naninira ba talaga siya ng araw para maisip niyang padalhan pa ako ng ganito. Robert is my ex-fiance. Ikakasal na sana kami pero nahuli ko sila ng magaling kong kaibi...