PREPARING

184 4 0
                                    

Kinabukasan pasado alas 7 ng umaga ng gisingin na silang lima ng staff ng SB19. Para makapaghanda na rin siguro.

"Magandang umaga po" masayang bati ni Shanna.

"Good morning din" bati din ng apat.

"Good morning din po sa inyo" bati din ni Shana sa mga staff na gumising sa kanila.

"Good morning din Ms. Shanna" sagot din nito agad sa kaniya.

"Oh siya-siya magbreakfast na muna kayo at mag ready..Dapat bago mag 9:00A.M tapos na kayo hah. Magkakaroon kase ng urgent meeting, may mga pagbabago kase!" wika muli ng isang staff ng esbi.

"Sige po" sagot naman ni Peynolope.

"Sige, sige.Balikan na lang namin kayo ulit hah" paalala muli ng staff.

"Sige po, noted po" nakangiting sagot ni Shanna.

Pagkaalis ng staff ng esbi ay agad nang nagasikaso sila Shanaa at yung apat. Pasado alas 8:40PM ng balikan sila ng staff. Mabuti na lang handa na silang lima.

Umalis na nga sila at agad na pumunta sa venue place. Pagdating nila doon ay agad silang sinalubong ng esbi. Syempre kilig to the max na naman silang lima at malamang si Shanna Kabado na naman.

Ilang saglit pa ay...

"Good morning sa inyo!" nakangiting bati ni Stell.

"Good morning din po" kabadong sagot ni Shanna.

"Good morning din Stell" sagot naman ni Dinna. Ganun din ang ginawa ng dalawa pa.

"Ohh miss Shanna, nahihiya ka na naman samin?" natatawang wika ni Justin.

"Opo ei" sagot agad ni Shanna.

"Wag ka mahiya samin Ms. Shanna di kame nangangain charrrr" wika naman ni ken para maibsan ang hiya at kaba ni Shana.

"Oo nga Ms. Shanna mamaya mawawala yang kaba at hiya mo" spoiler na wika ni Pablo.

"Ayy HAHAHAHAHAHAHA spoiler ka naman po masyado" wika naman ni Athena.

"HAHAHAHAHAHAHAHA naku naku pablo" dagdag pa ni Justin.

Pagakatapos ng pag-uusap nilang yun, ay sinimulan na na silang ayusan ng mga make up artist. At pinalitan na nila ang kanilang mga outfit, para mashoot na ang unang scene kasama na doon ang; unang game show, meeting at iba. Huli nang inayusan si Shanna at nagrequest din siya na....

"Hi po" wika ni Shanna.

"Hello miss Shanna" sagot naman ng nag aayos sa kaniya.

"Pwede po bang simple lang po i make up mo sakin?" hiling ni Shanna.

"Pwedeng-pwede Ms. Shanna. Ngayon ka lang ba mag aayos?" tanong ng nag aayos sa kaniya.

"Hindi naman po!" sagot ni Shanna.

"Ahh ganun ba, sige noted" sagot naman nito.

"Salamat po" nakangiting wika ni Shanna. At tumango na lamang ang nag-aayos sa kaniya.

Pagkatapos na ayusan si Shanna ay agad na silang pumunta sa Dressing Room para makapagpalit na ng damit. Nakaramdam ng kaba si Shanna dahil hindi niya inaasahan na Dress at High heels pala ang isusuot nila.

Aminado siya sa sarili niya hindi siya marunong magdala ng ganung outfit. Pero gagawin niya ang buong makakaya niya.

Hindi na lang pinahalata ni Shanna. Nang matapos na nga silang ayusan at magbihis ay agad na silang pinatawag para mapag usapan na ang mga pagbabago. Mahigit kalahating oras din silang nag-usap para sa mga gagawin. At ngayon nga ay simula na

TO BE CONTINUE...

THE "LUCKIEST" GIRLS (COMPLETED) || SB19_FANFICTIONWhere stories live. Discover now