Sa kabilang banda, nagkakaroon na ng paltos ang paa ni Shanna dahil sa hindi siya sanay sa pagsuot ng high heels. Hindi na lang niya ito pinahalata sa kanila. Dahil sa panalo sila Josh at Shanna itetreat sila ng staff sa isang restaurant ng biglang...
"Kuya josh" pabulong na wika ni Shanna.
"Bakit Shanna?"nakangiting wika ni Josh.
"Kuya josh, mukhang hindi ko na po makakayanan pa ang paglalakad malayo pa po ba tayo sa pinag parkingan ng kotse?" bulong ulit ni Shanna kay Josh.
"Bakit Shanna?" wika ni Josh at napahinto sa paglalakad.
"Malayo layo pa daw, sabi sakin ng isang staff namin" dagdag pa niya.
"Kuya josh kase nagkapaltos po ata yung paa ko at nangangalay din po. Hindi po kase sana'y magsuot ng high heels" paliwanag ni Shanna.
"Naku, Shanna, dapat sinabi mo kanina" pag aalalang wika ni Josh.
Ilang saglit pa nga ang dumaan ay parang hindi na talaga kinaya ni Shanna ang pananakit at pangangalay ng mga paa niya. Aksidenteng na out of balance siya at kasamaang palad kasama si Josh sa pag bagsak niya. Dahil nahila niya pala ang kamay nito. Hiyang hiya si Shanna sa nangyari. Dahil ang eksena ay parang katulad sa madalas niyong napapanood sa television.
"Miss Shanna and Josh, anong nangyari sa inyoka tanong ng isang staff.
Pinilit bumangon ni Shanna pero hindi niya magawa dahil sobrang sakit na talaga ng mga paa niya. Pero pinilit niya paring sumagot.
"Ei kase po--" putol na wika ni Shanna. Dahan dahan namang bumangon si Josh st inalalayan siyang tumayo.
"Don't think too much po, all you see po ay accident. I'm sorry po" paumanhin ni Shanna.
"Oo nga po, sa totoo lang po kanina pa po pala nangangalay si Ms. Shanna at nagkapaltos na din po siya. Kaya if matatagalan pa po tayo sa paglalakad baka po mas lalo pong lumala" pagaalalang wika ni Josh.
"Ok lang po kuya Josh, kaya ko pa naman po" sagot naman agad ni Shanna.
"No miss shanna, siguro tama si Josh sige na bumalik na lang muna kayo don. Kame na lang ang pupunta" nakangiting wika ng staff.
"Pero--" wika pa ni Shanna.
"Sige na Ms. Shanna, Josh alalayan mo yan hah" nakangiting wika ulit ng staff at tuluyan na ngang umalis.
At sa kabilng banda, napagpasiyahan na nga ni Shanna at Josh na bumalik na. Inalalayan ni Josh si Shanna ng dahan dahan. Aminado si Shanna na nakakaramdam siya ng hiya kay Josh.
"Miss Shanna, akina kamay mo" seryosong wika ni Josh. Mas lalong nakaramdam ng hiya si Shanna.
"Miss Shanna, wag kang mahiya sakin. Hindi naman ako nangangagat. Sige na akina na kamay mo" dagdag pa ni Josh. Nakumbinsi naman ni Josh si Shanna at agad na nga nitong ibinigay ang kamay.
Nakaramdam talaga ng sobrang kaba at hiya si Shanna. Halos di na siya makagalaw masyado. Ang hindi niya alam napapansin na pala siya ni Josh.
"Miss Shanna, just calm down ok? Hindi ako nangangagat" natatawang wika ni Josh.
"Pasensya na po kuya josh, first time ko pa lang po talaga kayo makita ei. Kaya po siguro ganito" nakayukong wika ni Shanna.
"Ay oo nga pala, kaya pala" sagot naman ni Josh.
"Tsaka kuya josh I wasn't expect po na ganito ka po pala kasweet sa personal at ang bait mo po" dagdag pa ni Shanna.
"Naku miss shanna, nangbola ka pa" natatawang wika ni Josh.
"Hindi po kuya josh, totoo po yung sinasabi ko" depensa naman agad ni Shanna.
"Thankyou Ms. Shanna" seryosong wika ni Josh.
"Kuya Josh, sige na po mauna ka na po dun. Alam ko pong pagod ka na po. Magpahinga ka na po muna dun. Susunod na lang po ako saiyo" nakangiting sambit ni Shanna.
"No miss shanna baka mapano ka pa dito. Halika dito ibabaktot kita" sagot naman agad ni Josh.
"Kuya josh, ok lang po" nakangiting wika ni Shanna at tumayo ng maayos.
"Kuya josh, wag na po" depensa pa niya.
"No miss shanna, sige na para makabalik na tayo agad" sagot naman agad ni josh.
"Sige po" napipilitang sagot ni Shanna.
Ibinaktot na nga lang ni Josh si Shanna. Pakiramdam ni Shanna sasabog na ang puso niya sa sobrang kiig at kaba. Ilang saglit pa ay nakarating na din sila. Nagulat sila ken, pablo, stell, athena justin, athena, denise, peynolope at dinna sa nakita nila.
Siyempre pinangunahan na iyon ni Shanna sa pagpapaliwanag. Pagkatapos nun ay ginamot na nga muna ni Josh ang paa ni Shanna. Pagkatapos nun ay kumain na sila ng sabay-sabay. Dahil sa nangyari kay Shanna. Maaga silang pinauwi para narin makapagpahinga dahil maraming nangyari ngayong araw. Pakiramdam ni Shanna siya na ang pinakamaswerteng babae sa mga oras na ito.
At doon na nga natapos ang unang araw nila dinna, denise, shanna, athena at peynolope kasama ang boys.
TO BE CONTINUE...
YOU ARE READING
THE "LUCKIEST" GIRLS (COMPLETED) || SB19_FANFICTION
FanfictionA SB19 Fanfiction's Story. Bilang isang fan, isa talaga sa pinakapangarap natin ay yung magkaroon ng chances na makainteract natin sila personally. Siyempre hindi naman lahat may chances na mapili. Kaya mapapasana all ka na lang talaga! Disclaim...