Setenta y Nueve

39 0 0
                                    

Nang Wala Na Ang Lahat

Ang pagdalaw ng madilim na liwanag
Ay isang rason kung bakit siya tumiwalag.
Tumiwalag sa matingkad na liwanag
Na makikita lamang ng mga matang bulag.

Nang wala na ang lahat,
Agad na nakadama ng hindi kanais-nais na pakiramdam ang salat.
Ang salat na walang alinlangang
bumukas ng mahiwagang aklat.

Nang wala na ang lahat,
Agad na lumitaw ang kulog at kidlat
Na nagbigay sa isang salat
Ng panibagong bugso ng binat.

Nang wala na ang lahat,
Nagsimulang umulan ng tubig alat,
Nagsimulang kumanta ang mga ibon sa gulat,
At nagsimulang umihip ang hanging nakakapaso ng balat.

Nang wala na ang lahat,
Saka lang lumabas ang kadilimang dala-dala ng salat
Na ilang araw ng bumabagabag sa kanyang pagsusulat
At sa kanyang patuloy na pagsikat.

Ang pagdalaw din ng madilim na liwanag
Ay isang rason kung bakit tumibay ang kaloobang hindi tiyak ang ambag
Sa paniniwalang ang mga pahayag
Ay tunay na may sinag at mamanaag.

A Roadtrip In MindWhere stories live. Discover now