Bulong
Inspirasyon, nabalot ng kadiliman
Simbuyo ng damdamin, naabutan ng liwanagNgayon, tawagin mo akong kabute
Sumulpot ng walang pasabi
Pagbabalik ay magbibigay ngiti
Paniniwalang hindi mawawala
Nagkatotoo at nagbibigay ligaya
Dunong, ako ito
Sa aking lamang-isip
Nabubuhay, nawawalan ng sakit
Ngayon, tawagin mo akong gamu-gamo
Dala ko ay perwisyo
Ang sabi mo, wala akong silbi
Apakan hanggang sa mamatay at itapon sa tabi
Ako ay pangako
Magbibigay nang panibagong bugso
Kaakibat ay "ikaw"
Ang iyong pagsibol
Pagkatapos ng malamig at madilim na kahapon
Muling makianib saiyo
Nang ika'y mamulaklak
Bulong ng kung sino
Bago matulog sa gabi
YOU ARE READING
A Roadtrip In Mind
PoetryThis is a work of POETRY. Take a step on the road of "how i see EVERYTHING." Beware of the mispelled words, wrong grammar and/or diction. Thanks!