Cuarenta y Cuatro

21 0 0
                                    

Sa Wakas

Ito ako ngayon nagsisisi.
Nagsisisi sa mga kalokohang madami.
Sa mga pagsisinungaling ay minsanang nadale.
Ngunit hindi parin tumigil hanggang sa magsisi.

Ang galing ko talaga.
Nagawa kong manloko kahit alam kong mali na.
Kaya ito ako ngayon nagsisisi.
At walang masisisi kundi ang sarili.

Bigla bumilis ang tibok ng pusong nagsisisi.
Biglang natakot sa kung ano man ang maaring mangyari.
Natulala na hindi makapaniwala.
Nagsisisi sa mga nagawa.

Ang hirap pag nasa dulo na, sa huli.
Kaya mag-isip kayo ng maigi, ng mabuti.
Para walang pagsisisi sa huli.
Nakakatawa mang isipin, nasa huli nga ang pagsisisi.

A Roadtrip In MindHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin