Diecisiete

40 1 0
                                    

Responsibilidad Aksyunan

Sa tuwing tayo ay gagawa ng desisyon,
Isipin naman natin kung ito ay naaayon.
Ipaglaban ang kagustuhan hindi dahil napilitan.
Ipaglaban ang kagustuhan dahil ito ang nasa puso't isipan.

Gusto ko na tayong lahat ay magmahalan ng walang kapalit at walang materyal ang naka-kabit.
Ng sa gayon ay kaligayahan ang mangibabaw at mangulit.
Hinding-hindi matatakpan ng salamin ang sakit na dinadaing.
Bakit? Dahil walang materyal na bagay ang totoong nagpapasaya sa'tin.

Tayo ay tao pero bakit nagmumukha na tayong "robot."
"Robot" na de "remote."
Tayong mga tao ang dapat kumontrol sa mga bagay-bagay.
Bakit ngayon ang mga bagay na ang nagmamanipula sa ating buhay?

Tayo ay umaasa na matupad ang ating mga pangarap.
Patuloy na umaasa habang tayo ay humihinga.
Umaasa, yan ang problema.
Gusto nating matupad pero walang bakas ng pagsisikap.

Tingnan niyo sarili niyo.
Walang pinagbago.
Ang tamad-tamad niyo parin kahit saan tumungo.
Kaawaan at baguhin niyo sarili niyo dahil nagmumukha kayong walang silbi dito sa mundo.

A Roadtrip In MindWhere stories live. Discover now