Problema
Darating talaga yung mga oras sa buhay natin na pakiramdam mo
Hindi mo na talaga kaya
Na harapin ang mga problema.Hindi ba pwedeng
Araw-araw nalang tayong maligaya?Buhay nga naman
Puno ng pagsubok.
Kahit sino at kahit saan ka man,
Ikaw ay mapapasubok.Sinulat ko 'to dahil
Nandito na ako sa
Mga oras ng kalbaryo.Nasa isip ko talaga
Na hindi ko kayang harapin ang problema.
Pilitin ko mang huwag isipin.
Bumabalik parin ang mga katagang
"Hindi ko kaya."Nawalan ako ng pag-asa
Kahit na para sa iba
Maliit lang na bagay ang aking problema.Meron talaga kasing
Ibang tao na
Hindi marunong magkonsidera
Ng pagkakamali o pagkukulang nagawa.Nang dahil sa problemang ito
Umabot na sa mga karakter ng tao.Pasensya na "papel, "
Ikaw ang pinagbuhusan ko
Ng aking nararamdaman.
Salamat "papel" at ako'y
Iyong binigyan ng pansin.Heto na naman ako,
Pati papel dinamay ko,
Kahit wala namang saysay
Ang pagmamaktol ko.Alam kong makakaharap ulit kita
Problema.
Pero huwag mong isipin
Na hindi kita kaya.
Malalampasan rin kita.
Naglalabas lang ako ng sama ng loob .Tatapusin na kita
Sa maalamat kong
Pag-tawa, HAHAHA!
VOCÊ ESTÁ LENDO
A Roadtrip In Mind
PoesiaThis is a work of POETRY. Take a step on the road of "how i see EVERYTHING." Beware of the mispelled words, wrong grammar and/or diction. Thanks!